Just in Time 8

Mula ng iniwan ni Maya si Richard sa sala kanina di na siya muling lumabas pa ng kwarto. Kahit ang planong pagsisimba ay di na nangyari pa. Wala na siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Di parin maalis sa kanyang isip ang nangyari kanina.

Of all people Chard ikaw lang talaga ang nakakapag-isip sa akin niyan. Matagal mo na akong kilala mula bata pa ako nasubaybayan mo na paglaki ko pero di ka parin nagbabago. You are still the same Richard the Rascal na nakilala ko sa San Nicholas.

Nagpupuyos ang kalooban ni Maya tuwing naalala niya si Richard.  Richard the Rascal  or RR yon ang sekretong tawag niya kay Richard mula ng dalawang beses na siya nitong pinahiya. Naalala pa ni Maya noong unang beses na yon…

“Hey you! ” galit na sinalubong ni Richard si Maya habang papaakyat ito patungong terrace ng mansyon ng mga Lim. Pinapatawag kasi ito ni Doña Esme at gustong magpasama na mamasyal sa farm. “Andito ka na naman? Ano na naman ang gagawin mo dito sa amin, magsusumbong ka na naman kay Mama ng kung anu-ano? “

“Kuya wala–”

“Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na huwag mo akong tawaging kuya at di  kita kapatid! Nag-iilusyon ka talaga na magiging parte ka ng pamilya namin no? Akala mo siguro kasi aliw na aliw si Mama at Papa sa’yo makukuha mo na rin pati loob ko? Akala mo ba di ko alam na yung  pinagsasabi mo sa parents ko na crush mo ako? Mahiya ka naman! Ang bata-bata mo pa lumalandi ka na!”

Noong bata pa si Maya lagi niyang sinasabi na crush niya ang Kuya Richard niya. Wala pa ngang kamuwang-muwang kung ano talaga ang ibig sabihin ng crush at nasa anim na taong gulang pa lang ito habang si Richard ay kinse anyos na. Kaya tuwing naririnig iyon ni Richard inis na inis siya kay Maya samantalang naaaliw naman ang mga magulang nito kapag naririnig ang inosenteng pagpapahayag ni Maya ng kanyang pagkagusto sa binata nila.

“Bakit mo sinumbong kina Mama yung tungkol sa nakita mong paghalik ko kay Michelle kagabi ?! Dahil sa kadaldalan mo pati si Michelle napahamak at pinagalitan ng Mama ko at mommy niya. Sa susunod na magsumbong ka pa ng kung anu-ano mananagot ka na talaga sa akin pakialamera ka! Kaya naiinis talaga ako tuwing nakikta k!. Isang katulad mo ang pinaka-ayaw  ko, bukod sa pakialamera, social climber na , Gold digger pa!”

Umiyak ng umiyak si Maya pagkatapos siyang pagalitan ni Richard. Noong mga panahong yon, dahil sa kamusmusan at di pa alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Richard ang tanging dahilan ni Maya kung bakit siya umiiyak ay dahil lang sa natakot siya at pinagalitan ng Kuya Richard niya. Di naman niya makuhang magtanong o magsumbong sa mga magulang niya at natatakot din siyang baka mapagalitan din siya ng mga ito. Pagkalipas ng ilang taon, ng unti-unti ng nalaman ni Maya kung ano ang ibig sabihin ni Richard sa kanyang sinabi ay nagsimula na ring umiwas si Maya sa kanya. Tinuruan ang sariling kalimutan ang paghanga sa lalaki, di man ito tuluyang nawala at hanggang ngayon si Richard parin ang pinakagwapong lalaki para sa kanya natuto naman si Maya na lumingon sa iba at humanga din sa  kanila.

Ang unang insidenteng yon ay unti-unting kinalimutan ni Maya. Inisip niyang may kasalanan din naman siya kung bakit nakapagsalita si Richard ng ganun sa kanya at itinanim sa isip masyado pa silang bata ng mga panahong yon kaya nakakapagbitiw ng mga salitang masakit at di sinasadya. Di man humingi ng tawad si Richard sa kanya ay pinalagpas na lang ito ni Maya at binaun sa limot ang pangyayaring yon. Not until the second incident. Binuhay ni Richard ang alaalang yon..

 

 

Stupid!  Idiot! You are undeniably idiot Richard Lim! You got 100 stars for being one!

Richard mumbled to himself. He was pacing back in forth in his bedroom. One hand holding his hip while the other his nape. After his confrontation with Maya he went back to his unit after Maya refused to talk to him again. Thinking that she might need time and space to calm down, he decided to return to his unit and called Catherine to cancel his plan of going to the gym.

Richard was worried with Maya. Hindi niya inakala na alam pala ni Maya ang nangyari noon. Buong akala niya walang alam si Maya sa totoong dahilan kung bakit nagkahiwalay silang dalawa ni Gab. He never thought nalaman na pala ni Maya. He remembered how it happened, years ago..

She was still in San Nicholas while he was already working in Manila. He would go home in San Nicholas at least twice a month and if hindi masyadong busy he would spend the  holidays and weekends there. Si Maya naman ay naging abala sa kanyang pag-aaral, sa Student Body Organization as the Vice President, and sa training sa volleyball varsity team ng school nila . Dahil dito, tuwing umuuwi siya ay halos di na nagkikta silang dalawa, which is good at nababawasan ang tensyon na namamagitan sa kanila pareho unlike nung bata pa si Maya na dahil palagi silang nagkikita ay panay din ang away ng dalawa. Now that they are both grown-ups pareho na silang nakapag-adjust sa isa’t-isa. Kinalimutan ang away bata nila noon at naging magkaibigan na rin sa tinagal-tagal ng panahon. Kapag nagkikita na silang dalawa mas marami silang kwentuhan kesa awayan dahil di palaging nagkakatugma ang schedule nila tuwing umuuwi si Richard sa San Nicholas.

She was 15 then, he just turned 24. Sa tinagal-tagal niya sa Manila, it came to a point na narealize niya kung gaano kaiba ang mga babaeng nakakasalamuha niya sa Manila compared to Maya. Yes, si Maya kaagad ang naiisip niya whenever may nakikilala siyang babae. At first naisip niya baka namiss lang niya ang kababata kaya napapadalas ang uwi niya sa San Nicholas until one day narealize niyang unti-unti na palang siyang nahuhulog kay Maya. Nang makita niya kung gaano na kaiba si Maya ng lumaki at nagdalaga na ito he caught himself falling for her already kaya ng maging magkaibigan na sila finally masaya na siya.  Okay na sana ang lahat until one night, nalaman niya mula sa isang kaklase niya noon na  may boyfriend na pala si Maya.

Si Gabriel Sebastian, 19 years old college student at kasalukuyang nag-aaral ng Business Management sa Pamantasan ng San Nicholas. Galing sa isang kilala at prominenteng pamilya si Gab. Nagmamay-ari ng ilang negosyo ang mga magulang nito , kasalukuyan ding halal na konsehal ng San Nicholas ang kapatid nito. Nagkakilala ang dalawa ng minsang pumunta ng paaralan nina Maya si Gab dahil sa isang sports clinic na proyekto ng kapatid nitong konsehal, dahil sa paaralan nina Maya naganap ang activity at isa din siyang SBO officer, isa siya sa mga estudyanteng umalalay sa team nina Gab.

Gusto ni Richard na malaman kung totoo nga ba ito kaya kinabukasan ay naisipan niyang magpunta sa paaralan nina Maya para makita ng personal kung totoo ang balibalita na kumakalat na laging nakikita si Gab na sinusundo si Maya sa school tuwing uwian, nakita ng dalawang mata niya na totoo nga ito. Di kayang ilarawan ni Richard ang nararamdamang sakit sa dibdib ng makita ang dalawang sweet na sweet habang naglalakad.   Hindi umuwi si Richard sa kanila ng gabing yon  at nagpakalunod sa alak kasama ang mga kaklase noon sa isang inuman.

Dahil sa kalasingan ay kung anu-ano ang kanyang nasabi tungkol kay Maya ang di niya alam andun ang may-ari ng bar ng gabing yon , unfortunately, ang may-ari ay ang nakakatandang kapatid ni Gab, si Lester.

“Alam ‘nyo ba na noon sinasabi pa niya na gushhtoo niya ako? Hik! Peyroo shabi ko ayoko sha babaeng social climber kaya mula noon di na niya ako pinakialaman..shi-shiguro ..hik!..kashi mash mayaman tong shii Gavvril ..nakahanap sha ng bago kaya kinalimutan na ako!”  panay pa rin ang pag-inom ni Richard ng beer kahit lasing na lasing na. Sinusubukan pa siyang pigilan ng kanyang mga kaibigan pero nakikipag-away kapag kinukuha ang bote kaya wala silang magawa. Madaling araw na ng hinatid siya ng mga kaibigan sa kanila, sa sobrang lasing ay tulog na ito ng ihatid nila.

Kinabukasan, dahil sa matinding hang-over ay di natuloy ang pagbalik ni Richard ng Manila. Magkahalong sakit ng ulo at sakit ng puso ang nararamdaman ni Richard ng mga panahong yon. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino man, kahit sa Mama niya kaya para makaiwas sa pangungulit ng ina kung bakit siya nagkakaganun ay nagdesisyon na umalis muna siya ng bahay. Pasakay na siya ng kotse niya ng may dumating at hinahanap siya. Nagpakilala itong kapatid ni Gab, si Lester. Gustong malaman ng lalaki kung totoo ang narinig nito sa kanya nang makipag-inuman ito nitong nakaraang gabi sa bar. Alam ni Richard na sa sinabi niyang yon di nagustuhan ng pamilya ni Gab ang nalaman at baka ito pa ang dahilan ng paghihiwalay nina Gab at Maya. Dahil masama parin ang loob niya  ay sinabi ni Richard na totoo ang sinabi niya. Na pera lang nila ang habol ni Maya kay Gab kaya dumidikit si Maya sa kapatid nila.

Pagkatapos ng naging usapan nina Richard at Lester ay saka lang natauhan si Richard sa kanyang nagawa. Dahil nahihiya siya sa kanyang ginawa, bumalik siya ng Manila.  Nalaman na lang niya na nabisto na ng mga magulang ni Maya ang tungkol sa sekretong relasyon ni Maya at Gabriel at galit na galit ang tatay ni Maya sa babae dahil sa paglilihim nito. Di naman siya pinagsabihan ng kanyang ina o ng kahit sino sa pamilya ni Maya kaya naisip niyang walang nakaalam kung ano ang ginawa niya para maghiwalay ang dalawa.

Pero ngayong alam na niya na matagal na palang alam ni Maya ang kanyang ginawa, paano na nga ba ang mga plano niya? Kaya pa kaya siyang patawarin ni Maya?

15 Comments (+add yours?)

  1. ssecnirp15
    Mar 05, 2014 @ 01:13:24

    update po please…………

    Reply

  2. jen
    Mar 04, 2014 @ 23:17:58

    bakit wala pang update?😦

    Reply

  3. wanda mae
    Mar 03, 2014 @ 23:57:25

    Geez, ang sakit2x talaga ang chapter ba into.

    Reply

  4. ssecnirp15
    Mar 03, 2014 @ 22:09:01

    next chapter na po pls……

    Reply

  5. Crunch
    Mar 03, 2014 @ 17:04:06

    Magakakabati pa ba sila? Nakakabitin!! Next na po please..😀

    Reply

  6. aries
    Mar 03, 2014 @ 12:04:12

    Dapat to the highest level ang effort ni Richard to win back Maya….

    Reply

  7. adiktusbecarefulus
    Mar 03, 2014 @ 11:21:04

    ang sarap basahin ng paulit ulit kahit masakit sa dibdib….next chapter na pleaseeeeeee…..thank u

    Reply

  8. Kat
    Mar 02, 2014 @ 02:13:59

    what a perfect asshole! sorry for the term but it fits his character.
    member pa ng mga assumera’s..di na tlaga ako magtataka sa galit ni maya. nakaka-grrr!!!!!

    Reply

  9. Eden1214
    Mar 02, 2014 @ 01:19:03

    For the first time .. Si richard gusto kong isako…

    Reply

  10. abby
    Mar 01, 2014 @ 23:48:39

    For Maya to fall in love with Richard in this fanfic is unthinkable. He is not a man and a real gentleman. He’s an asshole.

    Reply

  11. ayeth
    Mar 01, 2014 @ 23:47:25

    ah…yun pala ang reason…masyado palang asumero itong si Richard…hala bilis Richard you need to work double time sa pagpa-pa impress kay Maya now!…dami mo palang atraso kay Maya…haiiiys sana magka-bati na uli sila…para sweet na uli!

    Reply

  12. Jan
    Mar 01, 2014 @ 21:06:16

    Grabe naman si Richard.. Laki pla ng kasalanan nya kay Maya.. Bumawi ka!..
    Next chaptr pls… Thanks!

    Reply

  13. floe
    Mar 01, 2014 @ 18:39:05

    Grabe pla nangyari kay maya naku richard lim suyuin ng sobra o di kaya aminin mo feelings mo sa kanya pra maintindihan nya na nagselos ka lang.

    Reply

  14. princemackaroo
    Mar 01, 2014 @ 18:36:30

    Ayun o! Nahukay narin ang nakaraan!XD With all these revelations, it only proved how annoyingly stupid Richard was. I can’t possibly feel how Maya and her family felt or what they had to go through after the lie that Richard spread. Hindi lang naman kasi yung dangal at pagkatao ni Maya ang damay sa ginawa niya kundi pati dangal ng pamilya nito. Now he really has to prove his worth to Maya.

    Reply

  15. jennylovesyou
    Mar 01, 2014 @ 18:15:03

    Hala! Ano Ito? Magkakabati pa ba Sila? Kakalungkot naman. 😔

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: