Just in Time 9

Pagkatapos ng nangyari Linggo ng umaga ay din muling nagkausap pa ang dalawa. Panay ang iwas ni Maya kay Richard. Tuwing dinadayo ng lalaki ang condo niya, nagbabakasakaling di na mainit ang ulo at makikipag-usap na sa kanyag ay nagkukulong si Maya sa kwarto niya . Isang beses ay sinubukan niyang mag-antay pero inabot na ito ng madaling araw di na muling lumabas pa si Maya.

Kahit di sinasagot ni Maya ang text ni Richard sa kanya ay di parin nawawalan ng pag-asa si Richard. Tuwing umaga, dahil di na sumasabay si Maya sa kanya papuntang school  ay tinitext niya ang dalaga para sabihing mag-ingat ito sa byahe papunta at pauwi galing school. Tuwing hapon naman ay tini-text para magtanong kung naka-uwi na ba si Maya o kung gusto ba nitong magpasundo. Pero sa kabila ng ilang beses niya itong ginawa di na siya nakatanggap ng sagot mula kay Maya. Ilang beses din niyang sinubukang tawagan ito pero lagi na lang pinapatay ni Maya ang cellphone niya.

Dahil sa nagaganap na di pagkakaunawaan ng dalawa ay mas lalong nawawalan na si Richard ng pag-asa kay Maya. Kahit ang pagiging kaibigan na lang sana na meron sila ay parang namimiligro na ding mawawala ng tuluyan. Pakiramdam ni Richard ay tuluyan na siyang itinatakwil ni Maya sa kanyang buhay at wala na itong balak na siya ay kausapin o makita pang muli.Walang ibang sinsisi si Richard kundi ang sarili niya. Dahil sa mga maling desisyn at sa pagiging seloso niya, mawawala na si Maya ng tuluyan sa kanya.

 

Si Maya naman ay mas naging malapit kina Emman at Bart. Dahil sa bukod kay Richard ay wala na naman siyang ibang kaibigan pa kundi ang dalawa, mas napapadalas ang pagsama niya sa mga ito para lang maka-iwas kay Richard. Kung noon ay mas gusto ni Maya na umuwi sa condo niya , ngayon mas pinipili na niyang tumambay na lang sa school kahit wala na siyang pasok kasi tuwing nag-iisa siya ay naaalala lang niya si Richard at ang mga nangyari noon.

Tuloy parin ang panliligaw ni Bart sa kanya. Sa dalas nilang magkasama ng lalaki ay mas nakilala pa ni Maya ang manliligaw niya. Dahil sa kakaiwas ni Maya na di makauwi ng maaga, napapadalas na rin ang pagsama niya sa dalawa na kumain sa labas. Naiilang man si Maya noong una pero ng makita nitong gentleman at okay naman si Bart, di kalaunan ay naging kumportable narin si Maya na lumabas kasama si Bart kahit sila lang dalawa.

Isang gabi ay sinorpresa na lang ni Bart sina Maya at Emman sa may lobby. Kakalabas lang dalawa galing sa huling klase nila ng araw na yon at di nila inaasahan si Bart na maghihintay sa kanila gawa ng ang alam ng dalawa ay may practice ito ng basketball.

“Maaga natapos ang practice eh, may pupuntahan si coach kaya pinauwi kami ng maaga.”

“Kanina ka pa dito?” di parin maalis-alis ang ngiti ni Maya habang tinatanong si Bart, tumango ang lalaki kasabay ang isang matamis na ngiti para kay Maya.

“Wow! Sweet naman…talagang hinintay ni Romeo si Juliet! Ay ! Ang tamis ng ngiti!!!At saka ang lagkit ng tinginan ha, hmmm nainggit tuloy ako!” biro ni Emman sa dalawa ng mapansin na kakaibang tinginan ng pinsan at ng kaibigan.

“Ikaw talaga, kung anu-ano na lang nakikita mo!” hinampas ni Maya ang braso ng kaibigan at kinurot ito sa tagiliran . Namula pa ang mukha ni Maya ng marinig ang biro ng kaibigan sa kanila.

“Uwi na ba kayo?” tanong ni Bart na kay Maya nakapako ang tingin nito.

” Uuwi na ba tayo?”  tanong naman ni Maya kay Emman. Wala pa kasi silang napag-usapan dalawa kung dideretso na sila sa pag-uwi o kung sabay silang maghahapunan tulad ng lagi nilang ginagawa kapag ganitong alas-syete na ng gabi natatapos ang klase nila.

“Hmm mukhang wala pa kayong plano tonight. Can I invite you two? Dinner, ako ang taya!” lumiwanag ang mukha ni Bart habang naghihintay ng sagot ng dalawa. Halatang excited ito na makasama ulit si Maya para sa isang hapunan.

“Ay sorry di ako makakasama. Nakalimutan ko kasing sabihin sa’yo Maya yung tungkol sa dinner na hinahanda ni mommy sa bahay. ” isang masamang tingin ang ginawad ni Maya sa kaibigan. Duda siya sa biglaang alibi nito kaya pinandilatan niya ng mata  si Emman. “Swear! Gusto mo mabasa ang text ni Mommy para paalalahanan ako tungkol sa dinner namin? Here oh!” kinuha ni Emman ang kanyang cellphone at binuksan, maya-maya pa ay pinakita na niya kay Maya ang text galing sa mommy nito kaya naniwala na rin si Maya sa kanya. “Oh di ba?! Ikaw kasi, ayaw mong maniwala…”

“Paano yan? ” nag-aalangan si Maya na sumama kay Bart, hindi dahil sa takot siya nito pero nahihiya na siya kasi parang sunod-sunod na ring lagi silang nililibre ni Bart. Ayaw naman niyang may masabi ang lalaki sa kanya.

“Okay lang yan girl! Di ba insan?”

“Yes, it’s PERFECTLY FINE!” sinadya talaga ni Bart na ipagdiinan ang sinabi para biruin ang pinsan na si Emman. Nang makita ang pagsimangot ni Emman ay tumawa na rin ito kasabay ni Maya.

“Perfectly fine ka dyan! Magiging perfectly fine pa kaya kung bitbitin ko si Maya sa pag-alis ko? hmm?!” ganti naman ni Emman sa pinsan niya.

“Huwag naman..ikaw talaga! Maya okay lang naman na tayo lang di ba?”

“Ummm well, okay lang naman ..though mas masaya sana kung kasama din si Emman.”

“Blehh!” Emman made a face, kaya napatawa na lang si Maya sa kaibigan ” Sabi ko sa’yo eh..mas PERFECTLY FINE kung kasama ako!” isang nakakalokong tawa ang binitiwan ni Emman makapang-asar lang sa pinsan niya.

Pagkaraan ng ilang sandali ay pumayag na rin si Maya na sumama kay Bart, pero  nagkasundo silang hahatiin nilang dalawa ang babayaran. Di na nakatanggi si Bart at di naman sasama si Maya kung di siya papayag. Nang magkasaundo na ay sabay na silang tatlo na umalis , si Emman pauwi ng bahay nila habang si Maya at Bart naman ay patungo sa napagkasunduang restaurant kung saan sila maghahapunan.

Isang restaurant na malapit lang sa condo ni Maya ang pinuntahan nila. Si Bart mismo ang nag-suggest na doon na sila pupunta para mas malapit na sa uuwian ni Maya. Laking pasalamat ni Maya at inaalala siya ni Bart kahit pa ba gusto nitong makasama siya ng mas matagal, ang lalaki pa mismo ang nagsabi na di sila magtatagal doon para di siya mapapagalitan pa ni Richard.

Ang tanging alam ni Bart ay nagkaroon ng pagtatalo si Maya at si Richard pero di nito alam na isa din siya sa rason kung bakit naganap ang pagtatalong yon. Kahit si Emman, di magawang sabihan ni Maya kasi ayaw din naman ni Maya na mas lalong mapasama ang tingin ni Emman kay Richard.

 

 

Tinatawag ni Richard ang waiter para hingin ang bill niya ng mahagip ng kanyang mga mata ang pagbukas ng pinto ng restaurant at pumasok ang iilang kustomer. It was already past seven in the evening kaya medyo marami na rin ang pumapasok sa restaurant . Sandaling napagtigil ang mga bagong pasok sa may pintuan at iginala ang kanilang tingin sa buong restaurant, naghahanap ng bakanteng mesa. Ilang sandali ang lumipas ay may isang waiter na lumapit sa mga ito at iginiya ang mga kustomer sa kabilang bahagi ng restaurant kung saan may iilang mesa ang bakante.

Mabuti na ngang umalis na din ako, para naman may makagamit din ng mesa ko in case may bagong dumating pa. Richard thought. Bumalik ang waiter na tinawag niya kanina dala ang bill, pagkatapos makita ang babayaran ay kumuha na ng pera si Richard sa wallet niya at binayaran na ang waiter, tatayo na sana si Richard ng makita niya ang huling pares ng kustomer na inalalayan ng waiter sa isang bakanteng mesa sa kabilang dulo. Maya! Napasingap si Richard ng makita ang dalaga. Pagkaraan ng ilang sandali ay kaagad din nitong nakilala ang lalaking umupo sa harap ng babae, si Bart.

Sa pagkakataong yon nagdadalawang isip si Richard kung aalis na siya o mananatili sa loob ng restaurant. Nagtatalo ang isip niya kung hahayaan ang sariling panoorin ang dalawa o umalis na lang at iiwas ang sarili sa di kaaya-ayang tanawin. In the end, he chose to stay. Mabuti na lang at medyo malayo ang mesa niya at okupado na narin ang iilang mesa sa harap niya kaya di siya gaanong mapapansin nina Maya. Nakaupo si Maya paharap sa kanya kaya nakikita ni Richard kung ano ang ginagawa nito.

Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa, tuwing nakikita ni Richard na ngumingiti at tumatawa si Maya, parang tinutusok ng karayom ang puso ni Richard.  He hates to admit it to himself but it pains his heart to know that now,  she can smile and laugh at Bart but with him, she ‘s cold and distant.

Watching her from afar, di maiwasan ni Richard na mapatanong sa sarili kung tuluyan na bang sinagot ng dalaga si Bart. Nang maisip nitong di na nga malayong ginawa na ito ni Maya, he suddenly felt empty and sad. He missed hearing her laugh , kahit gaano kababaw lang ng  joke niya noon. Nami-miss niya ang pang-aasar nito sa kanya, na kahit napapahiya siya at the end of the day, napapangiti naman siya kapag naaalala niya. Nami-miss  niya tuwing umu-uwi siya meron siyang pinapagalitan o kinukulit sa condo. He missed her voice in the morning whenever he comes to check on her .. the scent of her cologne  that lingers in his car whenever he dropped her off to school..he missed everything about her.

She seems fine..and happy now na di na kami nag-uusap… Kaya nga siguro nagustuhan niya si Bart because whenever he is around her, she can smile and laugh and be with herself. Pero kaya ko naman gawin yan lahat sa kanya, only if she’d let me…if only she would listen to me kahit sa huling pagkakataon lang..

Ito ang naisip ni Richard habang nakatingin kay Maya at Bart sa di kalayuan. Kahit masaya siya at parang okay naman si Maya, mas nangingibabaw yung lungkot niya kasi alam niyang mas napapasaya si Maya ng ibang tao di tulad niya na pahirap lang sa dalaga. Dahil dito isang desisyon ang nabuo ni Richard. Kakausapin niya si Bart para sa ikabubuti ni Maya at ikakatahimik ng kalooban niya.  Ilang minuto ang nagdaan, kasabay ng pagdating ng bagong mga kustomer sa restaurant, umalis na si Richard doon ng di ito namamalayan ni Bart at Maya.

Pagkatapos kumain ni Maya at Bart, katulad ng sinabi ng lalaki ay hinatid na nito si Maya sa condo . Di na pina-akyat ni Maya ang lalaki para kaagad na din itong maka-uwi sa kanila at di na gaanong gabihin sa daan. Naunang tumalikod si Maya at pumasok na sa loob, si Bart naman ay nagsimula ng maglakad pabalik sa parking area ng restaurant na nasa kabilang kalye lang ng building nina Maya para kunin ang kotse nito ng marinig ng lalaki na tinatawag ang pangalan niya. Napahinto si Bart at lumingon.

“Mr. Lim?” kaagad namang namukhaan ni Bart si Richard ng nakalapit na ito sa kanya.

“Yes.  Pwede ba kitang makausap sandali?”

“Opo.. kung tungkol po ito kay Maya? Hinatid ko lang po siya..” Inakala ni Bart na nagagalit na naman si Richard dahil nakita siya doon kaya naisipan niyang magpaliwanag na kaagad.

“Yes it’s about Maya pero hindi ito tungkol sa paghatid mo sa kanya.” seryoso ang mukha ni Richard habang nakatitig sa kanya kaya naisip ni Bart na mukhang masinsinan ang gagawin nilang pag-uusap.

“Oh .. bakit po, Mr. Lim? Ano po yung tungkol kay Maya?”

“Maya told me na nanliligaw ka raw sa kanya? ”

“Opo, pero alam ko naman po di pa siya pwedeng magkaboyfriend. Sabi ko naman sa kanya di ako nagmamadali, i’m willing to wait. Ang mahalaga lang naman sa akin ay masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. As of now, kinikilala pa namin ang isa’t-isa kaya kung inaalala po ninyo na  baka di tumupad si Maya sa kasunduan ninyo..”

“Actually matagal ko na siyang pinapalaya sa kasunduang yan. Kaya kung di ka pa niya sinasagot ngayon, it’s more of dahil yon sa pangako niya kay Tatay Art but definitely yung sa kasunduan namin ni Maya, matagal ng wala.”

“Talaga po? Naalala ko nga yung sabi niya na pangako niya sa Tatay Arturo niya at natatakot siyang ma-disappoint na naman daw niya ulit ito kaya sabi niya ipapaalam daw niya dito ang tungkol sa panliligaw ko pag-uwi niya.”

“That’s good..but hindi lang yan ang dahilan kung bakit kita kinakausap ngayon.”

“Ano pa po yung gusto ninyong pag-usapan natin?”

“I don’t know kung alam mo na but next Saturday na ang debut ni Maya. May gagawin kaming celebration sa San Nicholas, sigurado akong mas magiging memorable kay Maya ang araw na yon if kasama kayo ni Emman sa gagawing selebrasyon. I’m personally inviting you and your cousin para pumunta doon, that would be a great chance for you na magpakilala sa parents ni Maya. Pupunta ka ba?”

“Sure! Thank you po sa pag-imbita sa amin. We will be there.” napangiti si Bart dahil dito.

“Good, good..by the way di ito alam ni Maya so sana wala muna kayong sasabihin.”

“Don’t worry, di namin sasabihin ni Emman.”

“And one more thing… kung ano man ang mangyayari after ng debut ni Maya, aasahan kong tatanggapin mo yon ng maluwag. ”

“Opo naman. Kung ano man ang resulta ng pagpapakilala ko sa kanila. Walang magiging problema sa akin.”

“Good! Aasahan ko talaga yan sa’yo Bart.” iniabot ni Richard ang kamay niya kay Bart at tinanggap naman ito ng binata at nakipagkamay rin.

“Opo..Sige po Mr. Lim. Mauuna na po ako. ” nang tumango si Richard ay tumalikod na si Bart at naglakad na patungong parking area na nasa kabilang kalye lang. Habang papalayo si Bart ay patuloy parin siyang pinagmamasdan ni Richard.

Ito na lang ang naiisip kong paraan Maya. Sana sa gagawin kong ito maiintindihan mo ako . Sana makakabawi na ako sa’yo at sa pamilya mo.

 

23 Comments (+add yours?)

  1. Flora
    Mar 14, 2014 @ 12:28:53

    Wala pa pong kasunod?

    Reply

  2. teamSIMON
    Mar 14, 2014 @ 11:58:03

    hi ms. con!!! happy birthday🙂 at happy din ako kasi nakabalik na ako sa pagiging avid reader! hahaha!! at last! after 1 million light year🙂 hehehehe.. anyway, ang ganda ng fanfic na to ha🙂 kaso nabitin ako… anu na ang mangyayari sa dalawa? i mean sa bday party? may pasabog ba? sana nd puso namin ang sumabog… hehehee..

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: