Just in Time 10

Sa loob ng maraming araw na di nakakausap ni Richard si Maya, puno ng pag-aalangan si Richard kung ano ang mangyayari sa napipinto nilang pag-uwi sa San Nicholas. Nakahanda na ang plane ticket nila ni Maya pero di pa alam ng dalaga kung anong oras ang flight nila. Byernes ng umaga, dinayo na naman ni Richard ang unit ng babae. Pagpasok pa lang niya sa loob, pakiramdam ni Richard ang haba na ng panahon simula ng huli siyang nakapasok ulit. Bigla siyang nanibago kahit na ilang araw lang itong di niya napuntahan. Kung di lang talaga sila uuwi ni Maya ng San Nicholas, di siya ulit pupunta dito para hayaan muna si Maya na mapag-isa.

“Here’s your ticket. Mamaya, 4 p.m ang alis ng eroplano. ” inilapag ni Richard ang papel sa ibabaw ng dining table ni Maya. Nadatnan niya ito habang kumakain ng breakfast. Hinintay niya itong magsalita pero tinitigan lang nito ang papel na nasa harapan. ” Hihintayin kita Maya, please huwag mong baguhin ang isip mo sa pagsama sa pag-uwi . They’re all expecting to see you.” Sa sinabi niyang yon, panalangin ni Richard ay nagawa na niyang kumbinsihin si Maya na umuwi kasama siya.

Nang hindi parin makuhang sumagot ni Maya ay tumalikod na si Richard at nagsimula ng maglakad papuntang main door. Sing bigat ng mga yabag ang puso niya habang papaalis, pero wala siyang magagawa at talagang nasaktan niya si Maya. Bago tuluyang isinara ang pinto, tiningnan ni Richard si Maya at nakita nitong nakatingin din ito sa kanya. Hanggang sa tuluyang na niyang maisara ang pinto, di parin makuhang basahin ni Richard ang kahulugan ng mga titig na yon ni Maya sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Richard bago tuluyang umalis sa harapan ng pintuan ni Maya.

Sa Airport..

45 minutes left before boarding time .. Oh please Maya, don’t do this!

Panay ang dasal ni Richard habang di inaalis ang kanyang paningin sa may entrance area. He keeps checking on his phone hoping na may matanggap na tawag o di kaya text man lang from Maya but then everytime that he did it, lagi na lang siyang nadidismaya. Habang papalapit ang oras mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang puso.

30 minutes na lang ang natitira pero wala parin si Maya, nawawalan na ng pag-asa si Richard na dumating pa ito kaya minarapat na lang niyang pumila na sa check-in counter. Habang nakapila ay walang ibang iniisip si Richard kundi paano niya ipapaliwanag sa mga magulang ni Maya kung bakit di niya kasamang umuwi ang anak nila. Iniisip pa lang niya ang kaarawan ni Maya kinabukasan, sumasama na ang loob niya.  Pwede din naman sana siyang umatras din sa pag-uwi para maka-iwas sa problemang kakaharapin pero di niya gagawin yon. Kailangan niyang umuwi para harapin ang kinahihinatnan na gulo na nag-ugat ay ang ginawa niya noon. Umasa na sana siyang makabawi pa at humingi ng tawad ng personal kay Maya pagdating ng San Nicholas pero dahil sa nangyari, tuluyan ng nawala ang pag-asang yon.

Pagkatapos magcheck-in at dumaan sa ilang inspection ay dumiretso na sa pre-boarding area si Richard. Kahit nasa loob na ay di parin maiwasang iaalis ni Richard ang tingin niya sa may gawing kaliwang bahagi kung saan nagkukumpulan ang ilang guards na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga taong pumapasok sa area na yon. Maya-maya pa ay nahagip ng kanyang mata ang isang babaeng nakataas ang kamay habang iniinspection ng lady guard. Nakasuot ito ng puting fitting blouse at bughaw na pantalon.

Maya!

Biglang napatayo si Richard at kaagad kinuha ang kanyang bag. Ilang sandali lang ang nakalipas ay nakalapit na siya kay Maya. Nagulat pa ang babae ng bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya.

“Maya! You’re here!” masayang bati ni Richard sa kanya. Di na talaga napigilan ang sarili at nakangiti ito kay Maya.

“Nagtataka ka pa eh ikaw tong nagsabi alas-kwatro ng hapon yung alis ng eroplano..” mataray na sagot ni Maya sa kanya. Umismid pa ito at dinaanan lang siya, hila-hila ang kanyang bag, pagdating sa di kalayuan ay nagpalinga-linga na ito at naghahanap ng mauupuan.

“Ako na..” alam ni Richard na tatanggihan ni Maya ang kagustuhan niyang tumulong para dalhin ang bag ng dalaga kaya para di na ito magawa pa ay agad na niyang kinuha ang bag at nauna na sa paglalakad. “There..halika.” tawag ni Richard sa kanya ng makakita na ito ng mauupuan nila sa pinakasulok na bahagi . Ayaw sana ni Maya tumabi sa kanya pero nang iginala na nito ang tinigin sa buong area ay wala na siyang makita pang iba pang bakante, dahil wala na naman siyang magawa at ayaw din niyang tumayo lang, napilitan si Maya na umupo at makisiksik sa tabi ni Richard.

Ilang minuto ang nakalipas ay magkatabi na sila sa loob ng eroplanong sasakyan papuntang San Nicholas. Nasa gawing kanan ni Maya si Richard habang ito naman ay naka-upo sa may window seat. Alam kasi ni Richard yon ang gustong upuan ni Maya kaya ito ang kanyang napili ng magpa-book ito online. Wala paring kibo si Maya na pinapanatili ang tingin nito sa labas ng bintana. Buti na lang at wala na silang ibang katabi pa kaya pwede siyang makipag-usap kay Maya habang bumibyahe sila na walang ini-intinding may nakikinig sa pinaguusapan nila.

“Maya mag-usap naman tayo please. Isang oras na lang nasa San Nicholas na tayo di parin tayo nakakapag-usap. Look, nagsisisi na ako kung bakit nagawa ko yung mga bagay na yon. Please patawarin mo na ako. ” kinalabit ni Richard kamay ni Maya para pansinin siya nito pero parang wala paring naririnig si Maya sa kanyang mga sinabi. “Kung di tayo magbabati, sigurado akong malalaman nina Nanay Teresita ang tungkol sa naging away natin sa Manila. Gusto mo ba yon?” . Kahit na sabihin na ni Maya na ginagamit ni Richard ang mga magulang nito para lang mapilitan siyang makipag-usap sa kanya, wala na siyang pakialam kasi alam naman niyang mangyayari nga ito kung sakaling magmatigas parin si Maya.

At dahil sa sinabi nito, nakuha na siyang tingnan ni Maya. “Bakit, natatakot ka bang malaman nila yung ginawa mo? Yung mga sinabi mo?” di inaasahan ni Richard ang mga tanong na yon, lalo pa ang matatalas na tingin ni Maya sa kanya. Nakita niya ang malalalim na paghinga ni Maya at ang nagsisimulang pamumula ng kanyang mga mata.

“Please don’t cry. Fine, if di mo ako kayang patawarin di na kita pipilitin. But please, huwag kang umiyak. ” binawi ni Maya ang tingin niya kay Richard at muli itong tumingin sa labas ng bintana.

“Ayoko mag-alala sina Nanay..magpanggap na lang tayo na walang alitan. Sanay naman tayo dun di ba? Matagal na panahon din nating naitago at nagpanggap na walang nangyari noon. Nakaya natin noon, kakayanin din natin sa loob ng tatlong araw hanggang makabalik na tayo ng Manila.” Pagkatapos magsalita ay isinandal ni Maya ang kanyang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata.

Nang marinig iyon ni Richard. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi ito nangangahulugan na masaya siya at sa wakas nagsalita na si Maya, pero  dahil nassaktan siya kung gaano na kalamig ang pakikitungo ni Maya sa kanya. Nasasaktan siya at parang ang layo-layo na ni Maya at ang hirap ng kunin pa ang loob nito. Gustuhin pa man ni Richard na makipag-usap pa ay di na nito magagawa at nakikita niyang iniiwasan na naman siya ni Maya.

Mahigit isang oras ang nakaraan ay lumapag na sa San Nicholas Airport ang eroplanong sinasakyan nila. Sinundo sila ng mga magulang ni Maya at ang driver nina Richard na siyang nagmamaneho ng kanilang sinakyang SUV. Mahigpit na yakap ang sumalubong kaagad kay Maya mula sa mga magulang nito. Di napigilan ni Maya ang sarili at napaiyak, di lang dahil sa namiss niya ang mga magulang kundi pakiramdam ng dalaga ay nakahanap siya ng kaluwagan sa damdamin ngayon kapiling niya ang mga mahal sa buhay. Sa lahat ng nangyari sa kanila ni Richard, ang comfort na kayang ibigay ng mga yakap ng magulang ang isa sa magpapalakas ng kanyang loob.

“Richard, di na sumama sina Doña Esmeralda sa amin at may biglaang bisita sila kanina pero pinapasabi nila na umuwi na daw tayo kaagad at maghihintay sila sa mansyon para sabay tayong maghapunan.”

“Okay lang po yon Nanay Teresita. Tara na po?”

“Tara na at excited na yung mga magulang mo na makita kayong dalawa. ” nakangiting sabi ni Tatay Arturo sa kanila.

Pagkatapos ilagay ang mga gamit nila sa likod ng  comparment ng sasakyan ay sumakay na silang lahat sa SUV nina Richard. Magkatabi si Maya at ang Nanay Teresita niya, yakap-yakap ang ina na parang ayaw humiwalay sa kanya. Si Richard naman at Tatay Arturo ay nakapwesto sa may likuran ng dalawa na panay ang kwentuhan tungkol sa mga bagong pangyayari sa farm nina Richard. Ang tatay kasi ni Maya ang kasa-kasama ng ama ni Richard sa pamamahala sa kanilang farm kaya lahat ng mga nangyayari dito ay alam na nito.

Di nahalata ng mga magulang ni Maya na may alitan ang dalawa. Tuwing may itatanong ang mga ito sa kanila ay salitan silang sumasagot para di mapansin ni Nanay Teresita at Tatay Arturo ang di pagkikibuan nila. Pagdating naman ng mansion, katulad ng dati ay di naman nagbago ang pakikitungo ni Maya sa mga magulang ni Richard, di naman niya makuhang isali ang dalawa sa kanyang galit kay Richard kasi mula noon ay naging napakabuti nito sa kanya. Kung ano ang pakikitungo niya sa kanila noon ay siniguro ni Maya na di yon nabago ng humarap siya sa kanila.

“Kumusta naman kayong dalawa?” ito ang tanong ni Doña Esmeralda kay Richard at Maya nang magkaharap na silang lahat habang kumakain ng hapunan.

“Okay lang naman po kami. ” si Richard na ang sumagot ng makitang di kumibo si Maya at panay parin ang subo ng pagkain.

“Mabuti naman. Sana nga tuloy-tuloy na yan ha, wala ng away-away tulad ng dati. Sumasakit ang ulo namin sa inyo kapag nagkakagalit kayo eh. ” nanatiling nakikinig lang si Maya sa sinasabi ng ina ni Richard. Si Richard naman di makuhang makatingin ng diretso sa ina at sa pagkain na lang itinuon ang kanyang atensyon.

“Siguro naman ngayong malalaki na kayo, di na kayo gaya ng dati?” si Nanay Teresita na naman ang nagtanong sa dalawa.

“Oo naman po, sa katunayan nga niyan Nay, magkasundong-magkasundo na kaming dalawa ngayon. Di ba Richard?” tugon ni Maya sabay ang isang ngiti nito kay Richard. Di talaga aakalain ng mga taong kaharap nila na may tampuhan ang dalawa sa mga oras na yon at ang tamis ng ngiting ipinakita ni Maya sa kanila. Kung di lang alam ni Richard kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa mga panahong yon, siguro ay naniwala din siyang  totoo ang mga ngiti na ipinakita ni Maya para sa kanya.

“Mabuti naman, ‘nak! Ayaw naming mababalitaan na di na naman kayo nagkakasundo lalo pa at kayo lang dalawa ang nasa Manila.”

“Opo..” maikling tugon ni Richard kay Nanay Tere. Batid ni Richard ang kagustuhan ng kanilang mga magulang na magkasundo silang dalawa kaya mas lalo lang siya nakokonsensiya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Maya.

Habang kumakain ng hapunan ang lahat ay patuloy ang kwentuhan. Kung saan-saan na napadpad ang usapan mula sa pag-aaral ni Maya, sa trabaho ni Richard, at ngayon naman ang tungkol sa farm nila. Nakikita sa mga mukha ng mga matatanda na masaya ang mga ito at kumpleto sila sa hapagkainan. Mahaba-haba na rin kasi mula nung huling pagkakataon na nagsama-sama ang dalawang pamilya na kumain ng sabay-sabay kaya ganun na lang talaga kasaya ang mga magulang nila. Kahit di magkadugo, tinuring naring parte ng pamilya nina Richard ang pamilya ni Maya. Gayun din naman ang pamilya Dela Rosa sa pamilya Lim na pinagsisilbihan nila ng mahabang panahon na.

Pagkatapos ng hapunan ay hinayaan na nina Doña Esmeralda na umuwi na sa kanilang bahay na nasa likod lang ng mansyon  sina Maya at di na pinatulong pa sa pagliligpit. Masaya sina Tatay Arturo at Nanay Teresita at sa wakas ay masosolo na nila ang kanilang anak. Si Richard naman ay nakatakdang makikipag-usap sa kanyang ama pagakatapos ng hapunan.

Ilang minuto ang nakalipas matapos tumalikod sina Maya ay magkaharap na sina Richard at ang kanyang mga magulang  sa terasa ng kanilang mansyon, nagkakape habang seryosong nag-uusap.

“Pa, naikwento na pala ni Tatay Arturo yung tungkol sa project mo last year. He said dumadami daw ang demands ng organic products mo.”

“Well yeah, luckily I have the best farmhands in San Nicholas. Kung di rin dahil sa tulong ni Arturo I doubt it, 50-50 yung chance nung project ko. Alam mo naman ang dami kong inaasikaso.”

“I know, sobrang swerte natin sa kanya. And ngayong mahirap na sa akin ang mag-asikaso dito sa bahay, Teresita is really a big help for me. Siya lahat nag-aasikaso sa kailangan dito sa bahay tapos tinutulungan pa niya si Arturo doon sa farm. Hay naku, without those two mahihirapan talaga kami dito ng papa mo. “

“I know..buti na lang talaga andiyan sila to help you. ” napangiti si Richard habang pinapakinggan ang kanyang mga magulang. Batid niya kung gaano kalaki ang pasasalamat ng dalawa sa mga magulang ni Maya.  Si Tatay Arturo at Nanay Teresita ang sumalo ng mga responsibilidad na dapat sana ay noon pa niya ginawa pero dahil sa nagmatigas ito at inaayawan ang pag-aasikaso niya sa kanilang farm, napilitan ang kanyang mga magulang na asikasuhin ito sa tulong ng mga magulang ni Maya.

“So..how about you? Kumusta naman yung tungkol sa plano mo? Nasimulan mo na ba?”

Di malaman ni Richard kung paano sasagutin ang kanyang ama. Ilang taon na siyang hinayaan nitong manatili sa Manila dahil sa pag-amin niya noon sa mga magulang na unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Maya. Laking tuwa lang nila ng malaman yon at sinuportahan ang kanilang anak sa plano nitong panliligaw kay Maya pagdating ng tamang panahon.

“Honestly? Nawawalan na ako ng pag-asa, Pa.” malungkot na pahayag ni Richard. Di siya makatingin ng diretso sa dalawang pares ng mga matang mataimtim na nakatitig sa kanya. Kagaya niya, bigla ring nalungkot sina Doña Esme at ang asawa nito.

“But why, son? I thought everything was going well between the two of you? You did mention to us na minsan nagkakatampuhan kayo but di naman seryoso.”

“Yeah..but..may ginawa na naman kasi ako, and this time di ko alam kung mapapatawad pa niya ako.”

“Oh dear..Bakit, ano ba ang ginawa mo?” tanong ni Doña Esmeralda na puno ng pag-aalala ang boses at napakunot ang noo habang nakatitig sa kanya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richard bago ito nagsimulang magkwento. Di na rin niya naitago pa sa kanila ang tungkol sa nangyari noon bago pa nagpunta sa Manila si Maya. Tulad ng inaasahan ay nagalit ang mga ito sa kanya pero dahil sa alam ng mga ito ang kanyang nararamdaman kay Maya ay nagawa naman nilang unawain ang kanilang anak.

” I feel bad for Maya..kung inamin mo lang kasi sana yang nararamdaman mo noon pa di kayo aabot sa ganito. So what’s your plan? Don’t you think now is the right time para ipaalam sa kanya na mahal mo siya? “

“Sa totoo lang naguguluhan ako, Ma. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan pero di niya ako pinagbibigyan.”

“I agree with your Mama, better talk to her ngayong andito kayo sa San Nicholas. While we are here to back you up. Bukas, after her party talk to her. The way I see it, pareho kayong nahihirapan sa sitwasyon ninyo. “

“Do you think tomorrow is the right time, Pa? “

“If hindi ngayon o bukas, then when? Ang sabi mo babalik kayo kaagad ng Manila on Sunday evening. If di pa kayo mag-uusap habang andito kayo pagdating ng Manila, iiwasan ka na naman ni Maya.”

“There’s one thing I need to tell you. Bukas dadating din si Bart..I invited him to attend her birthday party. Dalawa sila ng pinsan niya ang pupunta bukas.”

“Yung pinagseselosan mo?”

“Yes, and he is also courting Maya, Mama..”

“What?!” sabay na bulalas ni Don Roberto at Doña Esmeralda.

“What the hell is wrong with you my son? Bakit mo siya papapuntahin sa party ni Maya?” naguguluhang tanong ng ina ni Richard.

“Everything is wrong with your son, Esmeralda!” umiiling si Don Roberto habang nakatingin kay Richard. ” I can’t believe you did that Ricardo! First you accused Maya out of jealousy kay Gab..second, nag-away kayo ni Maya kasi nagseselos ka kay Bart, but then inimbitahan mo siya na pumunta dito! Don’t tell me ikaw pa ang gumastos sa plane ticket niya?” tumango si Richard . “Oh jeezz! ” sabay na napailing ang mga magulang ni Richard sa narinig mula sa kanya. Di maintindihan ng dalawa ang kanyang ginawang pasya.

“Alam ko kasi magiging masaya si Maya to see all of her friends sa debut niya so I invited two of her most close friends sa Manila. Afterall, yung party di naman para sa akin yon..para kay Maya so ginawa ko lang ang alam kong magpapasaya sa kanya.”

“And out of this ano ang makukuha mo?”

“Peace of mind..and a new begining..”

“What do you mean?”

“Long ago may ginawa akong kasalanan to end Maya and Gab’s relationship. Now may isang taong dumating at gusto ring pumasok sa buhay ni Maya.Kahit nasasaktan ako tutulungan ko si Bart na magpapakilala sa parents ni Maya and along with that help gusto ko na ring ipakilala ang sarili ko kay Maya, bilang manliligaw niya. “

“You mean–“

“Yes, Pa. Sasabayan ko siya sa panliligaw niya. Dehado na ako, alam ko yon, kasi right now mas close at nakakapag-usap pa silang dalawa kesa sa amin ni Maya. “

“Do you think it will work,  anak?”

“It’s a battle between past and present..masamang nakaraan versus kakaumpisang pagkakaibigan. It’s just a fair fight Ma..”

“Whatever you say , son..buo ang tiwala namin sa’yo. We just hope you are doing the right thing.”

“I’m sure I am doing the right thing , Pa. Sisimulan ko ng maayos, at sana makita ni Maya na maganda ang intensyon ko sa kanya.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

© 2014 by nylcoen
Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

35 Comments (+add yours?)

  1. teamSIMON
    Mar 20, 2014 @ 07:59:06

    and the truce is on:) hehehehe!! dito na magkakasubukan ang kamadag ni chinito.. haha!! thank you ms.con🙂 kahit na may mga nega-nega na nangyari, nagupdate ka pa din.. bless your heart🙂 thank you for sharing your stories to us!!!! God bless!! till your next update!

    Reply

  2. pekotalasa
    Mar 20, 2014 @ 07:09:15

    tnxs got it!

    Reply

  3. malou
    Mar 19, 2014 @ 13:07:46

    sana araw araw my update plssssss..

    Reply

  4. gianni96950
    Mar 19, 2014 @ 09:08:29

    thanks ms. con…love this story🙂

    Reply

  5. Alpha
    Mar 19, 2014 @ 00:56:01

    Hay, hopefully, Richard’s plan will work & sana ma-clear na ang lahat between them ni Maya and start a new beginning…as friends, then as lovers.😉 thankie sa update bday girl.

    Reply

  6. Eden1214
    Mar 18, 2014 @ 22:47:32

    Hay nku Richard di ko alam kung ano iisipin ko… Gusto kitang batukan eh ang dami mong pasakalye… Gusto m pla si Maya eh bkit nkipagrelasyon k p kay Stephanie…

    Reply

  7. Jan
    Mar 18, 2014 @ 21:37:21

    Hala! Yan dapat Richard, be honest pra u can get Maya’s attention..kinikilig ako sa suppor ng pArents ni RL, 18 na si Maya, so pwede na!.. Yey!
    Next chap pls.. Thanks!🌼

    Reply

  8. jvrb28
    Mar 18, 2014 @ 17:59:53

    Bakit Ms Con? Anyare sa EB?

    Thanks sa update. Though nanibago ako kasi everyday ka naman kung mag update dati….🙂

    Reply

    • nylcoen
      Mar 18, 2014 @ 20:19:36

      Naglipana ang mga nangongopya ng stories sa EB tapos iniiba ang title at nilalagay sa wattpad nila. If ever you encounter them please notify the EB admins immediately para masulatan namin yung mga umaangkin ng stories ng iba.

      Reply

  9. bcwmhmel
    Mar 18, 2014 @ 17:17:28

    hi ms. con thanks po sa update silent reader lang po ako ng mga stories ninyo dati.. paganda ng paganda ang just in time.. sana po regular na updates ninyo..:) sana mapatunayan na ni richard kay maya na sorry siya at masabi na niya o mapakita na nya tunay na nararamdaman na for her.:)

    Reply

  10. marie0626
    Mar 18, 2014 @ 17:12:25

    Thank you sa update. I can’t wait for the next chapter.

    Reply

  11. uenice_go
    Mar 18, 2014 @ 16:48:15

    Sa wakas may update na.. Thank you Ms Con.
    Go lang Richard, kung ayaw ipaalam ni Maya sa parents nya yong kasalanan mo sa kanya para di sila magalit sayo ibig lang sabihin ayaw din nya magkalayo kayo ng tuluyan.. Just prove your remorse para maging ok kayo ulit..

    Reply

  12. lizamartinez
    Mar 18, 2014 @ 16:14:18

    Ang tagal naman ng updates! Ganda pa naman ng kwento. Please make the updates daily. I highly anticipate the development of the story. Specially now! Thanks!

    Reply

  13. rocsan888
    Mar 18, 2014 @ 15:42:52

    like the copyspace… do not copy tagline🙂

    Reply

  14. chuwie966
    Mar 18, 2014 @ 15:18:37

    Go Richard !!! Sana mapatawad ka na ni Maya para maging memorable ang kanyang 18th birthday !!!!! Thanks for the update…

    Reply

  15. frances
    Mar 18, 2014 @ 15:14:21

    Finally! Thanks for the update Ms. Con. Excited na ako for the next chapter. Sana naman makapatapat n si Richard kay Maya… “sana ako na lang, ako na lang ulit” ang peg nila🙂

    Reply

  16. RMR61
    Mar 18, 2014 @ 15:10:31

    Thankie sis Con for this update!

    Reply

  17. wanda mae
    Mar 18, 2014 @ 15:09:23

    Hahai, Richard admit yourselves that you are in love with Maya. Both of you couldn’t admit that you are secretly in love each other. Tama na ang paghihirap ninyo. Maya, please give him a chance to forgive him.:(

    Reply

  18. rocsan888
    Mar 18, 2014 @ 15:04:20

    tama.. isang malaking check!

    Reply

  19. frances
    Mar 18, 2014 @ 14:45:42

    time check 2:43 pm🙂

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: