Just in Time 11

     It’s already 7 a.m nang magising si Maya kinabukasan. Pagmulat ng mga mata nito ay nagtaka pa siya ng mapansing iba ang paligid niya hanggang matandaan nitong nasa probinsiya nga pala siya.  Kaagad na itong bumangon at inayos ang kanyang higaan. Pagkatapos magsuklay ay lumabas na ito ng kanyang kwarto bitbit ang kanyang toothbrush at tuwalya.

“Good morning , ‘nak! Happy birthday!” kaagad na bati ni Nanay Teresita ng madatnan niya itong nag-aayos ng kanilang agahan sa kusina. Napangiti si Maya nang marinig ang pagbati ng kanyang ina sa kanya.

“Thank you, nay!” inakap siya ng ina nito at hinalikan sa pisngi.

“Mabuti at maaga kang nagising at may pupuntahan tayo pagkatapos nating mag-agahan. Maligo ka na muna doon habang tinatapos ko tong niluluto ko.”

“Pupuntahan? Saan naman tayo pupunta ng ganito kaaga? Si Tatay nga pala asan na?” sumilip si Maya sa may bintana nila sa pag-aakalang nasa labas lang ang tatay nito.

“Ang dami mong tanong,  ‘nak! Sige na pumasok ka na sa banyo para makaligo na. Mamaya na kita sasagutin..sige na..” bahagyang tinulak ni Nanay Teresita si Maya papuntang banyo nila.

“Nanay talaga oh, nagmamadali ka ,’nay?” biro ni Maya sa ina habang nagmamatigas sa paghakbang papuntang banyo.

“Oo,  ‘nak.. nagmamadali ako. May lakad nga tayo di ba? Kulit mo!” ayaw pa sana ni Maya na sumunod sa ina pero  pinagtulakan siya ulit nito . “Sige naaa.. eighteen ka na Maya pero ang tigas parin ng ulo mo!” napaismid si Maya sa kanyang ina pero tinawanan lang siya nito.

“Sige na nga..ang kulit mo din kasi nay eh..” pabiro pa itong lumabi sa kanyang Nanay bago pumasok  sa loob ng banyo para maligo na. Napailing na lang si Nanay Teresita sa nakita.

“Ay naku ‘nak, para ka talagang bata!” sigaw ng ina habang tumatawa.

Ilang minuto ang nakaraan ay natapos din sa pagligo si Maya. Pagkatapos magbihis ay magkaharap na sila ng kanyang ina sa mesa at sinimulan na ang pagkain ng agahan.

“Nay, si Tatay po?”

“Maagang umalis, sinundo ni Richard at may pupuntahan silang dalawa.”

Napakunot ang noo ni Maya ng marinig iyon. Nainis si Maya kung bakit kailangan maaga umalis ang ama at di man lang hinayaan ni Richard na mag-agahan muna ito. Iniisip ni Maya na maagang pinagtrabaho ng lalaki ang kanyang ama kaya di na ito nagawang samahan sila ng kanyang ina sa agahan.

“Ang aga naman ata ‘nay para magsimulang magtrabaho ni Tatay? Di man lang niya hinayaan si Tatay na kumain kasabay natin!” di maiwasan ni Maya na hindi ipahalata sa ina ang kanyang pagkainis at kinailangan ni Tatay Arturo na umalis ng maaga.

“Ay hindi trabaho ang pinuntahan nila,  Maya.  Mamaya susunod tayo sa kanila doon kaya nga minamadali kita eh.”

Napatingin si Maya sa ina, puno ng pagtataka ang kanyang mga mata habang nakatitig dito. “Saan ba sila pumunta at kinailangan talaga maagang-maaga sila umalis?”

“Kasi ..’nak..Kasi di ba, birthday mo ngayon. Kahit sinabi mo noon na ayaw mo na gumastos kami para sa debut mo, syempre bilang kaisa-isa naming anak..”

“Nanay naman eh…” naiintindihan ni Maya kung ano ang gustong sabihin ng kanyang ina kaya umangal na bago pa natapos ang kanyang sasabihin. “Di ba sabi ko okay lang na wala? Ito ngang umuwi ako at nakasama ko kayo sa aking kaarawan okay na sa akin. “

“Alam namin yon Maya kaya lang syempre kahit konting handaan lang naman gusto namin ibigay sa’yo yon Nak para naman maging memorable din ang debut mo. Simple lang naman ang gagawing selebrasyon ‘nak, huwag kang mag-alala. Alam naman kasi naming ayaw mo ang masigarbong handaan kaya pinlano na namin ni Tatay mo ng mabuti.”

Tanging buntong-hininga lang ang nagawa ni Maya. Wala narin naman kasi siyang magagawa pa. “Eh, wala na naman akong magagawa ngayon..andiyan na yan..saan po ba nagpunta sina tatay?”

“Doon sa private beach nina Richard .. doon kasi gaganapin yung munting salo-salo na inihanda namin sa’yo. Alam mo ‘nak di lang kami ni tatay mo ang may gusto nito eh, pati sina Doña Esmeralda tumulong din. Pati nga si Richard nag-ambag din para lang matuloy to. Muntik na tong di matuloy pero di pumayag si Richard kasi gusto daw niya i-celebrate mo tong debut mo.”

“P-o? Si Richard?” di makapaniwala si Maya sa narinig. “So matagal na tong alam ni Richard?”

“Oo , pero mahigpit ang bilin ko sa kanya na huwag ipaalam sa’yo para masorpresa ka namin. Si Richard yung nagbayad sa caterer at yung mga magulang naman niya nagbigay ng pera para pantulong sa ibang gastusin namin sa paghahanda.”

“Po?! Nay..nakakahiya naman po yon!”

“Oo nga eh, pero mapilit kasi sila. Sabi nila pag di raw namin tatanggapin yon sasama naman loob nila kaya wala kaming magawa. Isipin mo  na lang ‘nak, regalo nila sa’yo yon..”

Di na naka-imik pa si Maya. Walang ibang laman ang kanyang isip kundi si Richard at ang ginawa nitong pagtulong sa pag-aasikaso para sa debut niya. Inisip ni Maya na siguro ito ang paraan ni Richard para makabawi sa kasalanan sa kanya. Di tuloy alam ni Maya kung ano ang gagawin sa lalaking nakasamaan niya ng loob nitong mga nakaraang araw.

 

 

“Hello, ‘nak! Happy birthday!!” masayang bati ng tatay ni Maya nang salubungin silang dalawa ng nanay nito sa may gate ng private beach nina Richard. Niyakap siya ng ama ng mahigpit at saka hinalikan sa pisngi. Ramdam ni Maya ang saya ng kanyang tatay kaya di na nakuha nitong pagsabihan pa ang ama sa ginawa nilang dalawa ng nanay niya.

“Salamat po! ” habang yakap ng tatay niya, napansin si Maya ang magagandang  decorations sa paligid. Nakita din niya ang malaking banner na may nakasulat na pagbati sa kanyang kaarawan na nakasabit sa isa sa mga cottage na naroon sa di kalayuan. Nakita rin niya si Richard habang inaasikaso ang mga taong naroon para tumulong sa pag-aayos ng lugar.

“Tay, kayo lang pong dalawa ang nag-ayos dito? “

“Ay hindi naman, may mga kasamahan tayo sa farm na pinatulong nina Don Roberto. “

Naglakad na sina Maya papunta sa isang cottage kung saan naroon sina Richard at ang mga kasamahan nila. Nang makita siya ng lalaki ay ngumiti ito ng bahagya. Nakita niya sa kilos nito ang pag-aalangan.  “Happy birthday, Maya.” bati ni Richard kay Maya. Nang marinig si Richard ng iba ay nag-uunahan ang mga ito sa paglapit sa kanya para bumati.

“Happy birthday Maya!” masayang bati ng ilang mga kasamahan nila sa farm.

“Salamat.” tugon ni Maya. Napangiti na rin siya sa kanila ng makita ang mga ngiti sa labi ng mga tauhan na naroroon. Nararamdaman ni Maya na excited silang lahat na makipagdiwang sa kaarawan niya. Marahil paminsan-minsan lang nagkakaroon ng ganitong pagtitipon kaya excited ang lahat sa gaganaping selebrasyon.

Nahuli ni Maya si Richard na nakatingin lang sa kanya. Nang mapadako sa kanyang direksyon ang tingin ng dalaga ay umiwas ito ng tingin. Dahil dito nag-aalangan narin tuloy si Maya kung ano ang gagawin niya kay Richard. Nahihiya kasi siya lalo pa ng nalaman niya ang ginawa ni Richard para lang matuloy ang kanyang debut. Para di mahalata ng mga magulang ang ilangan nilang dalawa ay nagpasya si Maya na tumulong sa pag-aayos para may pagka-abalahan siyat at di na isipin si Richard.

“Ah..Maya..” tinawag ni Richard si Maya nang makita nito kung ano ang pinaplanong gawin ng dalaga. Nang marinig naman ni Maya ang pagtawag ni Richard sa pangalan niya ay lumingon ito sa kanya. “Pwede mo ba akong samahan sandali?” nakita ni Richard ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Richard ng marinig siya, di tuloy niya maiwasang kabahan nang makita ito. “May..naghihintay lang sa’yo doon sa loob..”. Itinuro ni Richard ang rest house.

“Ay oo nga pala ‘nak! Mabuti pa puntahan mo na yung mga yon at baka nababagot na yon sa paghihintay sa pagdating mo. Samahan mo na lang sila tapos, tatawagin ka na lang namin pagdumating na ang mga bisita mo.”

Naguguluhan man ay sumunod na rin si Maya kay Richard na nauna ng maglakad papunta sa direksyon ng rest house. Pagdating sa may paanan ng sementadong hagdanan ng rest house ay huminto ito at hinintay sandali. “Kagabi pa sila dit naghihintay sa’yo. “

“Sinong sila?”

“Si Emman at si..Bart..”

“Ano?!”

“Huwag kang mag-alala .. pinaliwanag ko na kay tatay. Naiintindihan naman niya kaya wala ka ng alalahanin.”

Kahit pa sinabi ni Richard iyon, di parin mapakali si Maya.  Lumingon siya sa tatay niya at nakita niya itong nakatingin din sa kanya. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakita niya itong ikinumpas ang kamay nito at ngumiti, tanda na may alam na ito kung sino ang mga taong nag-aantay sa kanya sa loob.

“Nagkausap na sila ni Tatay kanina kaya huwag ka ng mag-alala. Sige na pumasok ka na. “

“Sa-lamat..”

Isang tango at ngiti lang ang tugon ni Richard kay Maya bago ito tumalikod at hinayaan siyang pumasok sa loob ng rest house ng mag-isa. Nang pumasok si Maya sa loob ay nadatnan niya ang dalawa sa may sala, nanonood ng tv. Nang makita naman siya ng dalawa ay agad siyang binati ng mga ito.

 

Taliwas sa pangkaraniwang debut na may cotillion dance, 18 roses ,at 18 candles at kung anu-ano pa. Isang simpleng programa ang naganap. Isa-iang nagbigay ng mensahe ang mga taong malapit kay Maya kabilang na dito ang pamilya Lim at ang kanyang dalawang espesyal na bisita na sina Emman at Bart. Dumalo sa kasiyahan ang iilang malalapit na kaibigan at dating mga kaklase ni Maya noong sa San Nicholas High School pa ito nag-aaral na nagbigay rin ng kanilang mga mensahe at pagbati sa dalaga.

Buong araw ang ginawang selebrasyon sa rest house. Walang ibang ginawa ang lahat kundi magsayawan, kantahan sa karaoke, kumain, ang iilang bisita naman ay sinamantala ang pagkakataong nasa beach kaya nagswimming na. Walang pagsidlan ng kaligayahan si Maya ng araw na yon. Lalo pa at nakita niya ang mga kaibigan niya na minsan na niya nakikita. Ipinakilala din niya sina Emman at Bart sa kanila.

“Yan na ba ang boyfriend mong taga-Manila Maya?” tanong ni Doris sa kanya. Isa si Doris sa matalik niyang kaibigan noon sa farm. Anak ito ng isa sa mga kasamahan ng tatay niya.

“Oi Doris ha, hindi ko yan boyfriend!” kaagad namang tanggi ni Maya sa kaibigan nito.

“Weeh? “

“Hindi nga!” natatawang sagot ni Maya kay Doris.

“Ang hirap naman kasing paniwalaan na hindi..lalo na mahirap tanggapin kung sakaling sabihin mo sa aming si Emman ang boyfriend mo..” biro ng matalik na kaibigan ni Doris na si Sabel.

“Loka-loka ka talaga Sabel! Syempre hindi! Ano ka ba!”

“Mabuti naman..akala namin dahil nawawalan ka na ng pag-asa kay Richard kaya pumatol ka na sa isang pogay!” nagtawanan silang tatlo. Panay ang pagsenyas ni Maya na tumahimik kasi nasa di kalayuan lang sina Bart at Emman.

“Shhh baka marinig nila tayo. Kayo talaga!” humagikhik lang lalo ang dalawa.

“Pero seryoso, Day..wala pa bang development sa inyong dalawa ngayon? Mahigit dalawang taon na din kayong magkasama sa Manila di ba?”

“Wala noh! At saka imposible mangyari yang iniisip ninyo. Kung ano kami noon, ganun parin kami ngayon.”

“Ganun? Ay naku! Ang sarap batukan ni Richard!”

“Eh kung ganun..diyan kina kay Bart..gwapo na, , mukha namang mabait, at tsaka mukhang yummy!” tawanan na naman sina Sabel at Doris.

Napangiti na lang si Maya sa dalawang kaibigan. Tiningnan niya si Bart at nakita niya itong kausap ng mga magulang niya. Palibhasa friendly, mapagbiro, at di makime ang lalaki kaya  di ilang ang mga magulang niya na makipag-usap kay Bart.

Gabi na nang matapos ang kasiyahan nina Maya. Isa-isa na ring nagpaalam ang mga bisita niya. Nang magpaalam na ang huling bisita ni Maya ay agad niyang pinuntahan sina Emman at Bart para asikasuhin ang mga ito.

“Girl, grabe ang saya!”

“Mabuti naman at nag-enjoy kayo Emman. Pasensiya na kayo ha at medyo maingay yung sina Doris  at Sabel.”

“Ay girl! Huwag kang mag-alala, okay lang yon. In fact gusto ko yong dalawa at di boring kausap! “

“If I know Maya, itong pinsan ko panay ang dikit sa dalawa mong kaibigan kasi may nagustuhang kaibigan nina Sabel, aminin mo!”

“Uyy di naman! “

“Weeh!” sabay na sagot ni Maya at Bart pagkatapos ay nagtawanan na ang dalawa.

“Maya, can I talk to you..alone?” tiningnan ni Maya si Emman nang marinig ang request ni Bart.

“Alone talaga ‘insan? Hmmmm sige na nga..iwan ko muna kayong dalawa Maya, akyat na ako sa taas at pagoda tragedy na ang beauty ko… Hoy, behave ka h .andito parents ni Maya.” Emman warned his cousin, Bart chuckled.

“Behave ako noh, di ako katulad mo!” marahang tinapik ni Bart ang likod ni Emman nang tumalikod na ito. “Salamat!”

Nang tuluyan ng makapasok si Emman sa loob ng rest house at hinarap na ni Bart si Maya.  “I just want to give you this..my gift” may inilabas na maliit na box  galing sa bulsa niya si Bart. Nang buksan niya ito ay inilabas niya ang isang bracelet. Isinuot ni Bart ang bracelet kay Maya.

“Bart nakakahiya naman, parang ang mahal nito eh..” Maya blushed. Di talaga siya sanay tuwing nakakatanggap siya ng mga mamahaling gamit, at ngayong si Bart pa ang nagbigay para sa kanya sobrang-sobra na.

” No, huwag mong isipin yan. It’s your debut so I thought of giving you something beautiful and precious. I hope you like it. It’s customize.” ngumiti si Bart nang matapos na niya itong isuot sa wrist ni Maya.

Itinaas ni Maya ang kamay upang makita ng mabuti ang bracelet at nakita niya ang pangalan niya na naka engrave sa heart shape na silver plate nito. “

“Aww, cute nito Bart, promise! Nagustuhan ko. Salamat ha!”  isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Maya kay Bart.

“I’m glad you like it. ” ngumiti din ang lalaki sa kanya pagkatapos ay hinawakan ang kamay na may suot ng bracelet at pinisil ito ng marahan. “I’m so happy na nakadalo ako sa birthday mo Maya. I was able to talk to your father kaninang umaga and he asked me kung totoo yung intensyon ko na ligawan ka. I said yes but I also assure him na di kita minamadali.  Masaya ako at pumayag siyang ligawan kita. I know na it’s not easy for him to say yes but I’m glad he did. Sooo…”

“So?”

“So, now na alam na nila. Sana malapit na din yung pagpayag mo na maging girlfriend ko?”

Sandaling napatunganga si Maya sa kanyang narinig. Di niya inasahan ang tanong ni Bart sa kanya. Di niya malaman kung paano sasagutin ang tanong na yon kaya nanatili na lang siyang tahimik at napatitig sa lalaking kaharap niya. Sandaling nanalangin na sana di marinig ni Bart ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

“Maya?”

“Umm..ak-ala ko ba di mo ako mamadaliin?” Maya finally found a way para umiwas.

“Sabi ko nga..hindi ..  kala ko lang makakalusot.” Bart replied with a soft laugh.

“Bart, ikaw talaga. Saka na natin pag-usapan yan, okay lang ba? Medyo overwhelmed pa ako sa nangyari ngayon so I hope you don’t mind if di ko na muna iisipin ang mga bagay na yan. Okay lang ba ?”

“Of course! Of course.. “

Nagsimula ng maglakad si Maya ng marahan, sumunod naman si Bart sa kanya. “Thank you at pumunta kayo Bart. At saka salamat din at di ka natakot kausapin si Tatay.”

“Actually it was Richard’s idea. Everything..yung pagpunta namin dito at yung kausapin si Tatay Arturo. It was all his idea. I admit at first nag-aalangan ako pumunta at alam ko na makakausap ko si Tatay Arturo pero I know I have to face him sooner or later, so I decided to come. Mabuti na lang talaga your parents are very accommodating,  kahit alam nila na nililigawan kita di nila pinaramdam sa akin na galit or what. I admire your parents Maya, no wonder mabait ka din kasi you came from a very good family. I’m sure pag ikukwento ko to kay Mom, mas lalong gugustuhin nun na makilala ka.”

Habang pinapakinggan ni Maya ang papuri ni Bart sa kanya ay di niya maiwasan ang mapangiti at ipagmalaki ang mga magulang niya. Mas lalo siya nagpapasalamat at ito ang kanyang mga magulang, kahit di sila mayaman maipagmamalaki naman niyang mabubuting tao ang mga ito.

Ilang sandali pang nanatiling magkausap sina Maya at Bart habang magkatabing nakatayo sa may dalampasigan. Kinukwento ni Maya ang buhay niya dati sa San Nicholas. Recalling the times nung bata pa siya at bumubuntot sa tatay niya sa farm at yung ilang pagkakataon na pumupunta sila sa private beach na yon kasama ang pamilya ni Richard. Pero sa kabila ng pag-alala ng mga sandaling yon, mas minabuti ni Maya na huwag ng banggitin pa kay Bart ang mga sandaling kasama si Richard.

Habang nagkukwento ay di maiwasang maalala ang binata, buong araw habang nagsasaya silang lahat, ni isang pagkakataon ay di na niya ito nakausap pa. Huling beses niya itong nakausap ay yung sandaling dinala siya ng binata sa rest house. Nakikita niya itong nakikipag-usap sa mga bisita niya pero di ito lumalapit sa kanya, umiiwas itong makipag sabayan sa grupo kung saan naroon siya. Inisip ni Maya na siguro ay iniiwasan lang nito na magkabanggan sila sa araw na yon at ayaw nitong sirain ang party niya.

Ilang oras ang nakaraan, tinawag na si Maya ng kanyang mga magulang at uuwi na sila. Pagkatapos magpaalam kay Bart ay sumunod na siya sa kanyang mga magulang. Nagulat siya ng makita niya ang sasakyan nina Richard. Dahil bukas ang bintana  nito, nakita niya ang lalaki sa driver’s seat ng sasakyan, lumingon pa ito ng maramdaman ang paglapit niya sasakyan. Siguro naaramdaman ng lalaki na may nakamasid sa kanya kaya napalingon sa direksyon niya. Di niya akalain na di pa ito nakauwi, buong akala niya sumabay na ito sa kanyang mga magulang pero ito ngayon at hinihintay pala siya.

“Maya halika na at gabi na. Nakakahiya kay Richard, maaga pa itong nagising at wala pang pahinga, tapos ngayon pinag-aantay mo pa.” tawag ni Nanay Teresita sa kanya nang makita siyang papalapit na. Nakadungaw ito sa may bintana at kinakamayan na siya para magmadali na.

“Huwag ‘nyo na pong isipin yan, ‘Nay..okay lang po.” narining ni Maya na sagot ni Richard sa nanay niya.

“Nak doon ka na sa tabi ni Richard maupo. Di ka na kakasya dito sa likod at may mga gamit kaming dala ng tatay mo.” napahinto si Maya sa kanyang gagawin ng marinig yon. Bubuksan na sana niya ang isa sa mga pinto sa bandang likuran ng sasakyan. Dahil sa sinabi ng nanay niya ay napasilip tuloy siya sa bintana para tingnan kung totoo ang sinabi ng kanyang ina. Nakita nga niyang masikip na, bitbit pa ng kanyang mga magulang ang ilang regalong natanggap niya galing sa mga bisita niya. Dahil wala ng magawa ay umikot na si Maya upang doon na maupo sa passenger seat katabi ni Richard. Nakabukas na ito ng kanyang lapitan kaya di maiwasang pag-isipan ni Maya ng masama ang mga magulang, sa pag-aakalang sinadya ng dalawa na magtabi sila ni Richard para mag-usap ang dalawa. Inisip ni Maya na nalaman na ng dalawa na di sila nagkikibuan kaya gumawa na ng paraan para magkausap na sila.

Pero kahit na magkatabi na sila, di parin nagpadala si Maya. Nanatili siyang walang imik sa tabi ni Richard. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan habang papauwi sila. May ilang sandali ding napanatili ni Maya ang kanyang tingin sa labas ng bintana pero ng di na makatiis at lumingon para tingnan kung bakit pati ang kanyang mga magulang ay di nag-iingay sa likod. Nalaman niyang nakatulog na pala ang dalawa sa pagod. Nakasandal ang ulo ng nanay niya sa balikat ni Tatay Arturo na nakatulog na naka-akbay parin sa asawa niya. Tuwing nakikita niya sa ganitong ayos ang mga magulang ay di maiwasan ni Maya na mainggit at humiling na pagdating ng araw ay makatagpo din siya ng lalaking katulad ng tatay niya. Dahil sa hiling na yon, naisip ni Maya si Bart.

Napaisip si Maya kung ang lalaking hinahanap niya ay si Bart. Inisa-isa niya ang katangian ng tatay niya at ang kung ano ang nakikita niya kay Bart. Di maipagkakaila na karamihan sa gusto niya ay nakikita naman niya sa kanya, pero di maintindihan ni Maya kung bakit sa kabila nito ay di niya magawang sumaya. Di niya maintindihan kung ano pa ang hinahanap niya na kulang kay Bart.

Isang oras ang nakaraan ay narating na nina Maya ay papasok na sila sa gate ng bahay nina Richard. Paghinto ng sasakyan ay ginising na niya ang kanyang mga magulang na kaagad namang nagising sa yugyog niya. Isa-isa silang bumaba mula sa sasakyan, kanya-kanyang bitbit sa mga dalang gamit para ipasok sa bahay nila. Pati si Richard ay tumulong na rin para mas mapabilis  ito. Nang iabot ni Richard sa tatay ni Maya ang dala nito narinig ni Maya na nagpaalam ang lalaki sa ama niya.

“Tay, pwede ko bang kausapin sandali si Maya?” nang marinig iyon ni Maya ay biglang lumakas ang kaba ng dibdib niya. Di maitindihan ang sarili kung bakit kinakabahan siya gayung di naman unang pagkakataong mag-uusap sila. Nakita niya ang pagtango ng kanyang tatay at iniwan sila sa labas ng bahay nila.

“Maya. pwede bang doon na tayo mag-uusap?” tinuro ni Richard ang upuan na yari sa bakal na nadaanan nila habang papunta sa bahay nina Maya. Tumango naman si Maya at sumunod kay Richard. Iang sandali lang ay magkatabi na silang naupo sa upuan na yon.  Di nakalagpas sa mga mata ni Richard ang suot ni Maya na bagong bracelet nang bahagya itong kuminang ng matamaan ng sinag ng ilaw na nanggagaling sa poste. Marahil napatitig siya ng matagal sa bracelet ni Maya kaya napansin din siya ng babae.

“Bakit?”

“Umm.. kasi di ko matandaan may ganyang bracelet ka before..”

“Ah.. kabibigay lang nito kanina. Regalo ni Bart.”

“Oh..ganun ba.”

“Ano ba ang pag-uusapan natin?”

“Di ko na patatagalin pa at baka di mo na naman matatapos ang gusto kong sabihin sa’y. Sorry..sorry talaga. Alam ko di madaling tanggapin ang sorry ko pero di ako mapapagod sa paghingi ng sorry sa nagawa ko. Alam ko ayaw mo pag-usapan to pero please pakinggan mo muna ang dahilan ko kung bakit ko nagawa yon noon at kung bakit nagawa ko ulit ngayon. ” Isang buntong hininga ang narinig ni Richard galing kay Maya. ” I did it kasi nagseselos ako. When I learned na kayo na ni Gab nagalit ako, I was about to court you that time pero nalaman ko na may boyfriend kana. Di ko matanggap na may mahal ka ng iba gayung sabi mo noon..mula bata ka pa na gusto mo ako. Di ko kayang tanggapin na ang pagmamahal na yon ay nawala na at ibinaling mo na sa iba. “

Nagulat si Maya sa narinig na pag-amin ni Richard. Di niya lubos maisip na may tinatago din pala itong damdamin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya habang pinapakinggan ang rebelasyon ni Richard pero nanatiling tikom ang bibig niya, hinyaan lang si Richard na magpatuloy sa kanyang pagsasalita.

“Pinagsisihan ko yung ginawa ko Maya. Buong akala ko nakalusot na ako at di mo alam ano ang tunay na nangyari. Nang kausapin ako ni Tatay Arturo nung nagkagulo na kayo, humihingi siya ng tulong na ilayo kita dito sa San Nicholas para makalimutan mo si Gab. Pumayag ako sa gusto niyang dalhin kita sa Manila. I promise myself aalagaan kita para makabawi sa’yo. Ngayon dumating si Bart, nagkagulo ulit tayo at nasaktan na naman kita. Ayoko na mas lalo ka pang magalit sa akin Maya..di ko kaya..masyado kitang mahal para hayaan kang manatiling galit sa akin.” Kinuha ni Richard ang kamay niya, the same hand kung saan nakasuot ang bracelet na binigay ni Bart kay Maya. Mula sa bulsa ni Richard ay may inilabas siyang pouch, binuksan ni Richard ang palad ni Maya at inilagay ito dito. ” Gusto ko sanang isuot to sa’yo pero ayokong pilitin ka sakaling di mo gugustuhing suotin ito ngayon. When the right time comes, pagnakita ko to na suot mo..ibig sabihin napatawad mo na ako.  I love you Maya, sana sa regalo kong ito, maintindihan mo kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sa’yo. “

Pagkatapos nito ay iniwan na ni Richard si Maya. Nang umalis na ang lalaki ay tuluyan ng bumigay si Maya at napaiyak, lalo pa ng makita iya ang regalo ni Richard sa kanya. Isang Sterling silver Tifanny  infinity bracelet.

 

 

 

 

 

 

© 2014  by nylcoen

Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

37 Comments (+add yours?)

  1. Virgie
    Mar 25, 2014 @ 11:32:11

    Oh next chapter na…please😄

    Reply

  2. ghie2013
    Mar 25, 2014 @ 10:20:22

    awwww hay,,,,

    Reply

  3. Virgie
    Mar 23, 2014 @ 19:25:46

    Hope she will give him a little bit of consideration for now, and maybe someday she will return that love to him

    Reply

  4. bcwmhmel
    Mar 22, 2014 @ 12:31:31

    tanong ko lang po wala pa po ba update ang just in time?

    Reply

  5. pekotalasa
    Mar 22, 2014 @ 12:13:05

    tnxs again!

    Reply

  6. caya
    Mar 22, 2014 @ 03:14:21

    mag tatanong lang po,,what happened to prince mackaroos blog?bakit po private na?

    Reply

  7. gianni96950
    Mar 21, 2014 @ 19:48:55

    wow…na touched naman ako sa sinabi ni richard. o ayan maya, love ka naman pala ni richard so wag ng magpakipot..gora na hahaha!!! thank you ms. con🙂

    Reply

  8. bcwmhmel
    Mar 21, 2014 @ 15:52:19

    hi ms.con sana po may update po ngayon.. ayan maya nagtapat na si richard.. at inuulit ulit ko po basahin.. thanks po..🙂

    Reply

  9. yumi
    Mar 21, 2014 @ 14:58:44

    Na tats naman ako sa revelation ni Richard…kaya Maya isip isip din pag may time.Miss Con very nice story…thank you:)

    Reply

  10. Alpha
    Mar 21, 2014 @ 12:16:01

    Yes! Richard, you’re the man! Fair playing field na so Richard at Bart. Maya, the ball is now in your court.

    Reply

  11. banana08
    Mar 21, 2014 @ 08:57:05

    naiyak ako sa confession ni Richard! feeling Maya na naman ako. sa wakas umamin din. now Maya bakamyan ang di mo makita kay Bart! alam na! hahaha

    Reply

  12. jangmi
    Mar 21, 2014 @ 06:30:38

    ay kakilig ma waah sa wakas umamin na rin c richard boit his feeling for maya..hummp sagutin kaya ni aya c richard sana nman me maging sila para everyone is happy specially mga magulang nila.

    Reply

  13. Kat Beral
    Mar 21, 2014 @ 04:15:40

    Eh aun na nga. Sana magsabi ka na rin Maya.

    Reply

  14. Jan
    Mar 21, 2014 @ 01:28:00

    Ay bracelet din, i thought necklace.. Anyway , good that RL confessed so Maya can also be assess her feelings between Bart& RL…kilig na!
    Thanks!

    Reply

  15. Eden1214
    Mar 21, 2014 @ 00:18:47

    Nku Richard sa ginawa mong ito.. Pati ako napatawad na din kita…. Ms. Con next chapter na…

    Reply

  16. ayeth
    Mar 20, 2014 @ 23:46:57

    aaawwww… sge na Maya isuot mo na yung bracelet na gift ni Richard…pls forgive him na para sweet na kayo..pra may kilig moments na….si Richard yung hinahanap -hanap mong guy with the same traits like your Tatay Arturo…wag mo nang patagalin pa…mag “I love you” ka na rin kay Richard…hehehe (pinangungunahan ba!)

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: