Just in Time 12

Kinabukasan, Linggo ng umaga, maagang lumabas ng kanyang kwarto si Maya. Dahil sa nangyari kagabi, wala siya halos tulog kakaisip kay Richard at sa sinabi nito sa kanya. Ikinabigla niya ng lubos ang ginawang pagtatapat ni Richard . Tuwing  pinipilit niyang ipikit ang kanyang mga mata, naririnig parin niya ang boses ni Richard habang sinasabi ang katagang I love you  sa kanya  . Papasikat pa lang ang araw ng bumangon si Maya. Nagkusa na siyang magluto ng kanilang agahan habang natutulog pa ang kanyang mga magulang. Naisip niyang sorpresahin ang dalawa para makabawi man lang siya sa dalawa.

“Oh ,’nak..ang aga mo ata? Nakapagluto ka na?” nagulat ang nanay niya ng makita ang pritong itlog, tocino, at sinagag na kanin  na nakahanda na sa mesa.

“Surprise!” bulalas naman ni Maya sa kanyang ina. Sinusubukang maging masaya ang dating ng kanyang tono para di mahalata ni Nanay Teresita na wala siyang tulog mula pa kagabi, pero kahit anong pilit ay di siya nagtagumpay. Napakunot ang noo ng nakatitig siya dito.

“Di ka ba nakatulog? Bakit ganyan ang mata mo?” tinuturo pa ng ina niya ang kanyang eye bags.

“Eii ‘nay..huwag mo ng pakialaman ang eye bags ko. Matagal na yang nagre-renta diyan, di mo lang napapansin. Nadadaan lang sa concealer minsan. ” umupo na si Maya sa pwesto niya sa mesa at sumunod naman ang ina na ayaw paring tantanan ang kanyang napansin sa anak.

“Nagre-renta? Kailan pa? ”

“Sinong nagre-renta?! …Wow! Sarap naman ng agahan natin!” lumabas na rin ang tatay ni Maya sa kwarto nila at nakita ang nakahandang pagkain sa mesa. ” Sinong nagrerenta, Teresita?” Umupo na ito sa tabi ng asawa niya.

“Ang eye bags daw ng anak mo matagal ng nagrerenta diyan sa mata niya, ewan ko ba sa batang ito. Matagal na palang may negosyo di man lang nagsasabi.” pabirong saad ni Nanay Teresita.

“Big time ka na pala ‘nak!?  Pa-burjer ka naman!” sundot naman ni Tatay Arturo pagkatapos ay nagtawanan na ang mag-asawa. Inabot  ni Maya ng kape na tinimpla niya para sa mga magulang,  pagkatapos ay  nagsimula na silang kumain.

“Ewan ko sa inyo..kakainis naman eh. .nanahimik ang mga eye bags ko pinapakiaalaman eh..” nakasimangot na si Maya at panay parin ang pagbibiro ng nanay at tatay niya.

“Biro lang ‘nak! Ikaw naman kasi nauna. Seryoso ang tanong ko bigla kang lumihis ng daan. Bakit di ka nakatulog, nainitan ka ba sa kwarto mo?”

“Hindi naman po..siguro masyado lang akong na overwhelm sa sobrang saya sa debut ko kahapon kaya di ako nakatulog.” pagsisinungaling ni Maya. Sa kabilang banda, totoo namang naging sobrang saya niya sa kaarawan niya kahapon pero di naman ito ang tunay na dahilan kung bakit di siya nakatulog.

“Si Richard pala, anong oras umuwi? Pagod na pagod yung tao kagabi pero di siya pumayag na mauunang umuwi para magpahinga. Talagang hinintay tayo hanggang matapos ang pagliligpit natin. ”

“Oo nga eh, ang laki na ng pinagbago nung batang yon. Sana Maya ayusin mo naman yung pagtrato mo kay Richard ha. Huwag ka masyadong maging pasaway dun sa Manila para di magkaproblema yung tao sa’yo dun.”

Di maiwasan ni Maya na makonsensya ng marinig ang bilin na yon ng kanyang nanay. Paano kaya kung malaman ‘nyo yung tungkol sa nangyari sa amin noon at ang pag-amin ni Richard na mahal niya ako kagabi. Ganun pa din kaya ang magiging treatment ninyo sa kanya? Ito ang tumatakbo sa isipan ni Maya habang tinititigan ang kanyang mga magulang na nagsisimula ng kumain.

“Kung ako lang sana masusunod ‘nak, gusto ko si Richard na ang maging boyfriend mo kasi kilala na namin ang tao.” kaswal na sabi ni Tatay Arturo habang sumusubo ng pagkain. Dahil sa narinig ay di sinasadyang mapadiin ni Maya ang paghiwa ng kanyang itlog kaya naglikha ito ng isang malakas na tunog  ng tumama ang tinidor sa pinggan niya. Nagulat ang mga magulang niya ng marinig yon buti na lang at di na siya pinansin ng mga ito. “Pero kung gusto mo naman si Bart, ikaw ang bahala. Basta ba kilalanin mo muna ng maigi yung tao bago mo sagutin ha.” nanginginig ang kamay ni Maya habang isinusubo ang kanyang pagkain kaya napansin siya ng kanyang ama. “Oh! Bakit? Siguro nahihiya kang pag-usapan yung manliligaw mo no? Ngayon pa na binibigyan na kita ng permiso na magkaboyfriend? Huwag kang mag-alala sabi naman ni Richard mabuting tao daw yung Bart na yon..”

Naiilang si Maya na marinig ang sinasabi ng ama. Nahihiya siya marinig ang sinasabi ng kanyang ama. “Pa, masarap naman yung pagkaluto ko ng tocino di ba? Di naman siya masyadong natusta di ba?” pag-iiba ni Maya ng paksa upang ipadama sa kanyang tatay na di siya kumportableng pag-usapan ang dalawang lalaking nag-aagawan sa kanya. Nang marinig siya ng kanyang ama ay tumahimik na ito at nakipagpalitan ng tingin sa kanyang nanay. Mabuti na lang at magaling ding sumalo ang nanay niya kaya nabaling sa iba ang pinag-uusapan nila. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Maya na magsimba at mamasyal para masulit nila ang ilang oras na natitira bago pa sila umuwi ni Richard ng Manila kinagabihan. Pumayag naman ang mag-asawang Lim na hindi na muna papasok sina Nanay Teresita at Tatay Arturo sa trabaho nila kaya umalis sila kaagad at nagtungong simbahan.

Masaya ang naging pamamasyal nina Maya at ang kanyang mga magulang sa may plaza. May maliit na tiangge at konting kasiyahan pa silang napanood pagkatapos magsimba kaya sulit na sulit ang paglabas nilang tatlo. Nagawa niyang pagpahingahin ang dalawa at nakapag-enjoy pa. Habang naroroon kasi sina Maya ay nakita nila sa plaza ang mga kaibigan at kapit-bahay na naroon din para maglibang kaya di lang ang mga magulang niya ang naka-bonding niya, pati ang mga kaibigan din nila. Magtatanghali na nang nakatanggap ng tawag si Maya mula kay Bart, nagpaalam at mauuna na silang uuwi sa Manila. Habang nakikipag-usap si Maya sa lalaki at siniguro niyang di siya maririnig ng kanyang ama para di na ulit nito babanggitin ang tungkol sa panliligaw ng lalaki sa kanya. Pero sa kabila ng ginawa nitong pag-iwas, di parin ito nakalagpas sa kanyang mga magulang at kaibigan, pagbalik niya ay walang puknat na tuksuhan ang nangyari. Wala siyang magawa kundi mamula sa sobrang hiya. Bandang hapon na nag magkasundo na silang  umuwi na para makapaghanda na si Maya sa pag-alis nila ni Richard pabalik ng Manila.

Tatlong oras bago ang kanilang flight, sakay na ng kotse patungo ng airport sina Richard at Maya kasama ang mga magulang ni Maya. Panay ang bilin ni Nanay Teresita kay Maya na sinasagot naman nito ng tango at opo.

“Nay, ito na naman tayo.. para namang first time kong malayo sa’yo eh. Alam ko na yan, memorize ko na ata yang mga bilin mo sa akin eh.”

“Teresita malaki na yang anak mo. Alam na niya yan, saka huwag ka masyado mag-alala at kasama naman niya si Richard doon.” paalala ng tatay ni Maya kay Nanay Teresita. Di naman unang beses na narinig ni Maya na sinabi yon ng kanyang tatay pero ngayong nagtapat na si Richard sa kanya, nahihiya si Maya marinig ang pagbibilin ng kanyang tatay sa lalaki. Di sinasadyang mapatingin si Maya sa rear view mirror at makita si Richard. Sabay silang napatingin sa salamin at sabay ding nagbawi ng tingin ng mahuli ang isa’t-isa. Parehong nahiya. Napansin ni Maya ang mata ni Richard, katulad ng sa kanya, halatang di rin ito nakatulog ng maayos.

Buti naman patas lang tayo. Di ka rin pala pinatulog sa ginawa mo. Napangiti si Maya habang iniisip yon.

Matapos ang mahabang byahe ay narating na rin nina Maya ang airport. Habang nagpapaalaman ay kinausap ni Tatay Arturo si Richard. Mainit na halik at yakap ang pabaon ng kanyang mga magulang kay Maya.

“Ingat kayo.” bilin ni Nanay Teresita sa kanilang dalawa.

“Kayo din po. Ingat kayo pag-uwi.”

Nang maka-alis na ang mga magulang niya ay saka na nagcheck-in sina Richard at Maya sa counter, pagkatapos ay tumuloy na sa loob at naghintay ng boarding time nila. Habang nakaupo ay walang imik ang dalawa at nagpapakiramdaman sa isa’t-isa. Si Richard tinatantya ang mood ni Maya habang si Maya naman ay naghihintay lang na mauna na magsalita ang lalaki.  Sinisilip ni Richard ang kamay ni Maya, tinitingnan kung suot na ba ng babae ang suot niya pero di niya ito nakita pati ang bracelet na bigay ni Bart di rin suot ni Maya. Nalulungkot man, kahit paano gumaan naman ng konti ng di niya nakita ang regalo ng karibal niya.

“Bakit?” nagulat si Richard ng biglang marinig ang mahinang boses ni Maya. Nakatingin ito sa kanya, nagtataka kung ano ang tinitingnan niya.

“Anong oras na ba?” kaagad niyang sagot kay Maya.

“Sira ba yang relo mo?”

Napakagat-labi si Richard ng maalala ang kanyang relo. Tumango na lang si Richard para di na mapahiya pa kay Maya. Sinisisi nito ang sarili sa katangahang ginawa niya, kaya kaagad siyang nag-isip ng iba pang idadahilan. ” Ummm wala kang dalang jacket?”

“Oh no nakalimutan kong ilabas..” mahinang tugon ni Maya sa kanya, nakita niya ang panghihinayang ni Maya ng madiskubreng di pala niya bitbit ang kanyang jacket.

Yes! Nakabawi din! Bulong ni Richard sa sarili saka iniabot ang jacket niya kay Maya. “Here, wear this.”

“But–“

“Sige na..” kinuha ni Richard ang kamay ni Maya para ipahawak dito ang jacket niya. Ilang  sandali ang nakaraan ay nagpasya na si Maya na tanggapin ang jacket .

Bango naman nito! Ito kaagad ang napansin ni Maya ng isinuot na nito ang jacket ni Richard. Naamoy ni Maya ang perfume ni Richard sa suot niyang jacket. Alam ni Maya ito dahil ito ang laging gamit ng lalaki. Pakiramdam ni Maya nakayakap si Richard sa kanya habang suot niya ito.  Lihim siyang napangiti, pinipigilan ang sariling di mahalata ng katabing  lalaki ang naglalaro sa isip niya. And di niya alam, masaya din si Richard habang nakikita siyang suot nito ang kanyang jacket at iisa lang din ang kanilang iniisip.

Nakatulog si Maya habang nasa eroplano sila ni Richard. Paglapag ng eroplano ay ginising na lang siya ng lalaki para sabihing bababa na sila. Nang makasakay naman sila ng taxi, pauwi sa kanilang condo ay nakaidlip ulit si Maya. Kahit pagod din si Richard, di naman niya magawang matulog din at binabantayan nito si Maya. Di na namalayan ng dalaga na napapasandal na pala ang ulo niya sa balikat ni Richard. Hinayaan lang siya ng lalaki, gustuhin man nitong akbayan siya para mas kumportable si Maya sa kanyang pag-idlip, takot naman si Richard at baka pagsimulan ulit ng gulo nilang dalawa. Para di mahirapan si Maya, kinailangan nitong iadjust ang posisyon niya sa pag-upo upang di rin mahirapan si Maya.

Halos mag-aalas onse na ng gabi ng huminto ang taxi sa labas ng building nila. Kaagad naman ginising na ni Richard si Maya. Naalimpungatan pa ito at napakunot ang noo na nakatingin kay Richard, ang mga mata ay nagtatanong, parang nawala sa isip nito na kasalukuyan pa silang nasa byahe at di pa tuluyang nakauwi sa kanilang bahay.

“Kailangan na nating bumaba” paliwanag ni Richard sa kanya, pinipigilan ang pagtawa at baka masamain ni Maya ang gagawin niya.

“Oh..sorry..” Nakatulog na naman pala ako? Aishhh .. Napakagat labi na lang si Maya ng maunawaan ang nangyayari. Nagmadali itong bumaba bitbit ang kanyang maliit na bag. Pagkatapos magbayad ni Richard sa driver ay sumunod na ito sa kanya sa pagbaba at agad kinuha ang mga bagahe nila sa compartment ng taxi.

Nang makita ni Maya na bitbit na ni Richard ang bagahe niya ay naunang maglakad si Maya papasok ng building at nagkusa na itong mamahala sa pagpindot ng buton ng elevator. Ni isa sa kanila walang nagsalita habang sakay sa elevator at kahit lumabas na ang dalawa doon ay kapwa tahimik sina Maya at Richard.

“Th-ank you.” lakas-loob na sambit ni Maya ng iabot ni Richard sa kanya ang stroller bag niya. Ngumiti si Richard at tumango sa kanya.

Nang makapasok na si Maya sa loob ng unit nito ay kaagad na ring tumalikod si Richard para pumasok na din sa sarili nitong unit. Dahil sa pagod at sakit ng katawan gawa ng ilang minutong di maayos na pagkakaupo sa taxi, di na nito nagawang magbihis pa, hinubad lang nito ang kanyang sapatos at humiga na sa sofa para maka-idlip. Ilang sandali ang nakalipas ay tuluyang na talaga itong nakatulog na.

Kung kailan nasa sarili na itong kama, saka pa ito di mapakali si Maya. Mag-aalas dos na ng Pakiramdam niya may hinahanap siya na pero di naman niya malaman kung ano ito. Kung saan-saan na napapadpad ang kanyang diwa. Kahit nakapikit na ang kanyang mga mata di parin tumitigil sa paglalakbay ang kanyang diwa.  Iniba na ni Maya ang kanyang posisyon sa kama … nagtakip ng unan sa mukha..nag-excercise..pati ang pagbibilang ng tupa ginawa na, di parin siya dinalaw ng antok.

Ano ba naman to! Di naman ako gutom..di rin ako nauuhaw pero di parin ako makatulog…Bukas may pasok pa ako..Ohhh tulog asan ka na??!!  Reklamo ni Maya.

Pagkaraan ng ilang minuto at di parin siya makatulog naisip ni Maya na baka sakaling makatulog na siya kung iinom siya ng gatas, tulad ng lagi niyang ginagawa kapag inaatake siya ng insomia.  Bumangon na lang si Maya at nagpunta ng kusina para magtimpla ng gatas. Pabalik na siya ng kwarto dala ang isang baso na may lamang gatas ng mahagip ng kanyang mata ang jacket ni Richard . Naiwan pala niya ito sa may sofa ng sala kanina nang hinubad niya ito pagkapasok sa loob ng unit niya. Sandaling napahinto si Maya at napatitig sa jacket ni Richard.

Wala namang masama kung gagawin ko yon di ba..di naman niya malalaman ..pero paano kung mabisto ako? Baka ano pang isipin.. pero di pa naman ako sigurado kung gagana yung naisip ko ..

Nagtatalo ang isip ang puso ni Maya sa naisip na plano. Sa huli ay sumuko na ito at dinampot ang jacket at dinala sa kanyang kwarto.

Bahala na si Batman! Gusto ko na makatulog!

Isinuot ulit ni Maya ang jacket ni Richard at humiga na ulit sa kama. Nakalimutan na nito ang kanyang tinimplang gatas, wala ng ibang naisip si Maya kundi ang naamoy nito. Ang bango ng perfume ni Richard na nakadikit sa jacket nito ay parang may dulot na therapeutic effect sa kanya. Ilang minuto ang nakaraan ay naramdaman na ni Maya ang antok na kanina pa niya hinahanap.

At dahil madaling-araw na nakatulog si Maya, tinanghali na siya ng gising. Sobrang huli na siya sa kanyang unang klase sa umagang yon kaya nagdesisyon na siyang huwag na munang pumasok at magpapahinga na muna ito. Mula Byernes kasi ng nakaraang linggo, di pa talaga siya nakakabawi ng tulog at pahinga kaya mas minabuti na muna niyang lumiban ng isang araw sa halip na pilitin ang sarili pero di naman siya makaka-concentrate sa kanyang klase at pagod pa siya.

Pagkatapos maligo ay lumabas na si Maya ng kanyang kwarto. Gutom na siya kaya naisipang magluto. Pagbukas ng ref ay nagulat si Maya ng may makitang isang karton sa loob nito. Isang box ng chocolate chip cookies galing sa isang pastry shop na may ilang kanto lang ang layo mula building nila.

“Baka kasi gusto mo lang .. Good morning (or noon, kung sakaling tinanghali ka na sa paggising) ..Richard”

Ito ang nabasa niya sa maliit na papel na nakadikit  sa box nito. Dahil dito, kaagad pumasok sa isip ni Maya ang posibilidad na cookies o tinapay lang din ang kinain ni Richard. Mula ng nagkaroon ng alitan ang dalawa, batid ni Maya na di na ito nakakakain ng lutong bahay kasi di naman ito marunong magluto. Kapag di ito nakakasabay sa kanya sa agahan ay pumapasok na ito sa opisina na walang kain at nagkakape na lang pag dating doon. Marahil nagutom na ito kanina paggising kaya naisipang bumili sa pastry shop para magkalaman ang sikmura. Di niya maiwasang maawa kay Richard. Nakokonsensiya si Maya at di man lang niya nagawang suklian ang kabutihang ginawa nito sa kanya nitong mga nakaraang araw. Kahit na di parin siya kumportable na makaharap ang lalaki, lalo na pagkatapos ng ginawa nitong pagtatapat sa kanya sa San Nicholas, naisip niyang bumawi.

“Thank you sa cookies. Pumasok ka na ba? Dinner, mamaya? “

Naisip niyang itext si Richard at inimbitahan itong maghapunan. Wala pang limang minuto nakatanggap na si Maya ng sagot sa text niya.

“Welcome. No, nasa condo lang ako nagpapahinga. Yeah sure, saan? Sunduin kita?🙂 “

Napangiti si Maya ng mabasa ang text. Sa nakitang smiley, alam niyang masaya si Richard at nagawa na niyang magtext matapos ang mahabang panahong di niya ito ginawa sa lalaki.

“How about lunch na lang? Di rin ako pumasok. Bibili na muna ako sandali sa grocery ng kailangan ko , text na lang kita pagtapos na ako magluto. Ano ang gusto mo for lunch?”

Nag-antay si Maya ng text ni Richard pero dumaan ang ilang minuto di pa siya ulit tinext nito hanggang sa  marinig niya ang tunog ng doorbel. Nagtataka man ay binuksan na niya ito. Nagulat na lang si Maya ng makita si Richard sa labas ng pinto. Nakasuot ito ng asul na polo shirt at jeans. Nakasuot rin ito ng sapatos. May lakad ata, malamang di kami matutuloy nito ngayon. Kaagad na naisip ni Maya ng makita ang ayos niya.

“Ready?” tanong ni Richard sa kanya. Nakangiti ito habang nakatitig sa kanya

“Ready? For what?” pagtataka niya sa sinabi ni Richard.

“Sabi mo maggro-grocery ka? Samahan na lang kita wala naman akong ginagawa.”

“Oh..kala ko kung saan. Magbibihis na muna ako sandali.”

Pinapasok na ni Maya si Richard at pagkatapos ay dumiretso na siya sa kwarto niya para magbihis. Di mapigilan ni Maya na di matawa kay Richard. Halatang masaya ito na nakikipag-usap na siya dito matapos ang mahabang panahon ng di nila pagkakaunawaan.  Alam ni Maya may dapat pa silang pag-uusapan ni Richard at gagawin niya ito bago pa matapos ang araw na yon.

 

 

 

 

 

 

 

© 2014 by nylcoen
Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

20 Comments (+add yours?)

  1. beatriz032293edssie
    Mar 26, 2014 @ 15:06:40

    Wow! Seems to be their going back on track!🙂 exciting! Enjoy sa pggogrocery’😀

    Reply

  2. pekotalasa
    Mar 26, 2014 @ 13:02:11

    thanks for sharing…good day!

    Reply

  3. teamSIMON
    Mar 26, 2014 @ 10:23:21

    Hala!! Pede makisama sa paggrocery? Hahha.. nosy lang ano?🙂 thank you ms. Con sa update!!! May pakurotkurot na kilig na akong nararamdaman sa dalawa.. yung parang static electricity lang ang peg.. hehehe… have a nice day everyone:)

    Reply

  4. Flyby
    Mar 26, 2014 @ 08:06:57

    Thanks for this story.

    Reply

  5. ayeth
    Mar 26, 2014 @ 00:25:19

    yeah that’s right…you need to talk…kailangan open lagi ang communication nyo…at magdate na kayo ng tuluyan after magrocery…enjoy the moment of being together …yun na!

    Reply

  6. jan1000
    Mar 25, 2014 @ 23:57:13

    At least they’re friends again.. Sana, RL will speak out to Maya again about his feelings.. Kilig! Next chap na pls.. Thanks!

    Reply

  7. eden1214
    Mar 25, 2014 @ 22:38:54

    May liwanag na akong nakikita… Sana mag usap na cla…

    Reply

  8. aries
    Mar 25, 2014 @ 20:45:16

    next update please… nakakakilig na ba yong susunod? hummmmmm…

    Reply

  9. chuwie966
    Mar 25, 2014 @ 19:59:43

    Salamat at medyo okey na sila sana makapagusap na sila magkaliwanagan Mayabels patawarin muna ang Ricky please !!!puwedeng next na please medyo nabitin eh !!!!!!!!

    Reply

  10. flevents
    Mar 25, 2014 @ 19:17:52

    Finally after the rain, a rainbow. Ang Tagal na ng Tampo ni Maya. Maarte na at OA na. I hope this is the start of the “exclusively dating” phase in their relationship. Kung sa bagay in the story she just turned 18, so medyo immature pa ang response may. I hope ngayon medyo mature level na. Level up kumbaga.

    Reply

  11. Virgie
    Mar 25, 2014 @ 18:37:09

    Well…will see if she will put on the bracelet soon, now that she is talking to him…exciting…abangan next chapter, adiks are waiting…hope soon…thx for the updates

    Reply

  12. crazycatez
    Mar 25, 2014 @ 17:23:10

    ngaaaaaaaaaa!!!!! mama minion eto na ba yung hinihintay naming mga adik na kilig moment …….. paguusapan na ba nila yung pagtatapat ni richard at ano kaya ang isasagot ni maya? isusuot na ba ni maya yung bracelet na bigay ni richard? ang dami kong tanong sana masagot sa next chapter …. ataters lang ako mama minion …… salamat sa update ….. ♥

    Reply

  13. Crunch
    Mar 25, 2014 @ 17:19:20

    Nakakabitin!! Pero ayyiie!!! Kinikilig ako! Thansk for this po! Next na po please..😀

    Reply

  14. viennastar
    Mar 25, 2014 @ 17:17:51

    Hmmmmmm so getting exciting ang mga pangyayari….. yeheyyy may naamoy na akong sweet moments!❤❤❤

    Reply

  15. banana08
    Mar 25, 2014 @ 17:13:54

    aligaga lang ang peg ni Richard. haha. umayos ka Ricardo! baka kung ano na naman masabi mo! hahaha

    Reply

  16. matez1121
    Mar 25, 2014 @ 16:41:41

    bitin…… next please!!!!!

    Reply

  17. floe78
    Mar 25, 2014 @ 16:39:32

    Ayyyy sa waas okey na cla…. sana magka aminan nah… soo egzoited..

    Reply

  18. lizamartinez
    Mar 25, 2014 @ 16:37:15

    Exciting!!!

    Reply

  19. wandamae
    Mar 25, 2014 @ 16:31:38

    AY!!!!! May date grocery date sila at dinner date. Maya please confessed your feeling to Richard.

    Reply

  20. xeedys
    Mar 25, 2014 @ 16:30:07

    sana may update uli bago matapos ang araw hahahahahaha
    thanks! the story is getting exciting!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: