Just in Time 13

     Habang nasa grocery ang dalawa, noong una ay panay ang iwas ni Maya na magkasabay sila sa paglalakad ni Richard pero lagi lang itong nakakahabol sa kanya. Nahihiya naman siyang iwasan ito lagi at baka mahalata ang lalaki at masamain ang gagawin kaya sa huli ay hinayaan na lang niyang magkakasabay silang dalawa. Si Richard ang nagdala ng cart habang si Maya ang kumukuha ng bibilhin nila. Di nito inasahan ang  narinig niya sa mga saleslady na naroon, sinabi nitong bagay daw sila habang ang isa naman nagsabing baka raw bagong kasal silang dalawa.  Bagay na ikinasaya ni Richard at ikinailang naman ni Maya nang marinig iyon. Mula ng marinig iyon ni Maya ay di na nawala ang pamumula ng pisngi ni Maya, nang mapansin ito ni Richard ay kaagad naman siyang pinagsabihan na huwag na lang pansinin ang mga tao sa paligid para matapos na sila at makauwi na.

Pagkauwi nila, pinagluto ni Maya ng kare-kare si Richard. Kahit di naman ito hiningi ng binata sa kanya, mas minabuti ni Maya na ipagluto siya ng paborito nitong ulam kesa sa abalahin pa niya ang sarili na mag-isip ng ibang putahe na ipapakain sa lalaki. Habang magkaharap ang dalawa habang kumakain ay nakakahiyaan pa. Tuwing nangyayari ito, si Richard ang laging gumagawa ng paraan upang makapag-usap sila. Nagtatanong ito ng kung anu-anong bagay para lang manatili ang pag-uusap na nasimulan nila.

“Bakit di ka pumasok? Tinanghali ka ba ng gising ?” naisipang itanong ni Richard kay Maya ng wala na siyang ibang maisip na sabihin ng bigla na namang namayani ang katahimikan sa kanila. Ayaw sana niyang magbanggit ng ano mang may koneksyon sa kanilang pag-uwi sa San Nicholas at baka mas lalo lang maasiwa si Maya.

Bahagyang tumawa si Maya, hindi dahil sa totoo ang sinabi ni Richard kundi naalala niya kung ano yung nangyari bago pa siya nakatulog. “Ikaw bakit di ka pumasok?” ibinalik ang tanong sa lalaki, mas minabuti niyang huwag ng sagutin ang tanong ni Richard at hayaan itong isipin na tinanghali nga siya ng pag-gising.

“Umm tumawag ako sa office kanina at sinabi kong may sakit ako at di makakapasok. Gusto ko lang magpahinga ng maayos ngayon.” pagdadahilan ni Richard pero ang totoo ay tinanghali ito ng gising.

“Ahhh tumatanda ka na kasi kaya di na kaya ng katawan mo ang magpagod. Siguro sumakit buong katawan mo no?  Ang dami mo kasing ginawa nung weekend, gusto mo ng Flanax?”

Isang marahan na tawa ang pinakawalan ni Richard bilang tugon sa biro ni Maya. It’s nice to finally be able to talk to you like this  again, Maya.  Sana napatawad mo na talaga ako, sa isip niya. Naalala ni Richard ang bracelet, unfortunately di parin ito suot ni Maya. But still..salamat at nakikipag-usap ka na sa akin. For now, kahit ito lang..masaya parin ako.. 

“Chard, gusto ko sana magpasalamat sa’yo at sa parents mo dahil sa lahat ng tulong ninyo to make my birthday extra special.”

“There! Finally..nasabi mo na.” Richard blurted out.

“Ang alin? Ang salamat?” naguguluhang tanong ni Maya sa kanya.

“Hindi..yung pagtawag mo sa pangalan ko. Matagal mo na ring di ginawa yon. I didn’t know dadating ang araw na mami-miss ko pala marinig yung pangalan ko.. Alam mo bang tanging ikaw lang ang may talent gumawa nun? Yung pagtawag mo pa lang sa pangalan ko alam ko na kung ano yung kasunod. Kung pagagalitan mo ba ako..mumurahin..o lalambingin? ” detalyadong paliwanag ni Richard na ikinabigla din nito matapos sabihin. Pero ganun pa man di nito pinagsisihan at totoo ang kanyang sinabi na hinahanap-hanap niya ang mga sandali na iyon.

“Loko-loko ka talaga! Ginugulo mo speech ko eh!” reklamo ni Maya. Bahagyang namula ang pisngi nito. Nahihiyang maalala ang mga ginawa niya kay Richard nitong mga nakaraang araw.

“Sorry… wait!” pigil ulit ni Richard na magsalita si Maya kaya muling itinikom ulit ang bibig at naghintay kung ano pa ang kanyang sasabihin. ” Please ayaw ko na makarinig ulit ng thank you. Tama na yung kanina huwag mo ng pahabain pa at baka maiyak ako. Now,  go on..” di na ulit nagsalita pa si Maya at nakatingin na lang kay Richard. “Maya?”

“What? Sabi mo di ko na pahahabain pa at baka maiyak ka lang? ” sagot naman ni Maya sa kanya. Nadismaya si Richard. Umaasa pa naman siya na bukod sa pagpapasalamat sa kanya ay may iba pang gustong pag-usapan pa si Maya. Napabuntong-hininga na lang siya habang nakatitig kay Maya. Nagsisimula na itong kumain ulit kaya wala na siyang nagawa kundi tumahimik na rin. Di naman niya pwedeng pwersahin si Maya na pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa.

Patience Richard, kung dumating man ang oras na ito na muli kayong nagkasalo..dadating din ang oras na pag-uusapan ninyo ang tungkol sa bagay na yon. Antay-antay lang pag may time.. Pinapalakas na lang ni Richard ang loob upang huwag mawalan ng pag-asa. Pilit nitong tinitingnan kung ano ang magandang nangyari sa araw na yon kesa sa isipin ang mga negatibong bagay na magpapasama lang ng loob niya.

Makaraan ang ilang araw mula ng sabay na kumain sina Richard at Maya, naging mas maganda na ang takbo ng pangyayari sa dalawa.  Kagaya ng dati, naging madalas na ang lalaki sa pagbisita sa unit ni Maya. Pero di gaya ng dati, pinaparamdam na ni Richard kay Maya na may nagbago na sa kanilang dalawa. Kung dati parang kaibigan o kapatid lang ang pakikitungo ni Richard sa kanya, ngayon ay kakaiba na. Di man nila napag-uusapan ang tungkol sa pinagtapat ni Richard kay Maya, sinisiguro ng lalaki na iparamdam yon kay Maya. Kahit di parin nakikita ni Richard na suot-suot ni Maya ang binigay niyang bracelet, di nawawalan ng pag-asa si Richard. Mas naging pursigido siya sa pagsuyo sa dalaga.

Isang gabi nagulat na lang si Maya ng tumawag ang receptionist ng condo at pinapakuha ang isang delivery. Nakatanggap si Maya  ng isang  life size teddy bear. Kulay krema at may malaking hugis puso sa harapan nito at isang malaking laso na kulay pula sa leeg. Di mapigilan ni Maya ang sarili na manggigil habang yakap-yakap ang teddy bear sa sobrang lambot at bango nito. Kaagad niyang hinanap ang card upang malaman kung sino ang nagpadala nito pero wala siyang makita. Dahil walang card na kasama inisip ni Maya na si Bart ang nagpadala at ito lang naman ang nagpapadala sa kanya ng kung anu-anong bagay, muntik na nitong matawagan ang lalaki para magpasalamat buti na lang at nang kunin na niya ang cellphone ay saktong tumawag ang totoong nagpadala nito.

“Chard, napatawag ka?”  kasalukuyan ng nasa loob ng elevator si Maya pabalik ng kanyang unit.

“Nakuha mo na?”

“Nakuha ang alin?” nagtaka pa si Maya kung ano ang ibig sabihin ni Richard, wala naman kasi sa isip niya na si Richard ang magpapadala at nakatira lang naman sila sa iisang building. “Wait..ikaw nagpadala nitong bear?!”

“Oo. Nagustuhan mo ba? Cute di ba?”

“Oo naman..teka bakit may padeliver-deliver pa ang drama at di na lang ikaw nagbigay?” Nahihiya ka bang makita ng ibang tao may bitbit ka na teddy bear? gusto sanang itanong ni Maya ang bagay na yon pero di na niya nakuhang magtanong pa at baka sabihin pa ng lalaking nagrereklamo siya gayung siya pa itong binigyan.

“Kasi nasa office pa ako. Nadaanan ko lang yan kanina sa isang shop habang naghahanap ako ng kainan. May free delivery naman kaya pinadeliver ko na lang. Masarap ba yakapin?”

“Hmmm oo..fluffy kasi..thank you! Bigay mo to di ba? Bigay as in Regalo..hindi naman to sapilitang pagpapautang?”

“OF COURSE NOT! ” Richard snapped. Alam ni Maya nainis ito sa sinabi niya kaya napangiti na lamang siya.

“Joke lang..salamat dito! “

“Welcome .. Good night!”

Simula ng gabing yon, inangkin ng malaking teddy bear na si Ricky ang malaking bahagi ng higaan ni Maya. Suot-suot ni Ricky ang jacket ni Richard habang nakayakap dito ang mahimbing na natutulog na si Maya.

Ilang araw ang nakaraan mula ng natanggap ni Maya si Ricky, binigyan naman siya ni Richard ng isa pang regalo. Isang customize alarm clock. Kalakip ng regalong yon ang isang card na may nakasulat na …

Sorry but I took the liberty of choosing the song. Good morning, always!

– Richard…

P.S  Kahit baguhin gusto mong baguhin ang song, sorry pero di na pwede.😛

Napasinghap na lang si Maya sa nabasa, dali-dali niyang kinuha ang alarm clock na nasa box pa nito at pinatugtog. Nang marinig ang intro ng kanta ni Bruno Mars na  Just the Way You Are napangiti na lang si Maya.

Dumadamoves ka na Richard ah! hmmm infairness maganda ang music, good morning nga talaga lagi kung yan ang maririnig kong gigising sa akin tuwing umaga. Imaginin ko na lang ikaw kumakanta sa akin nun, di na ako magrereklamong may mang-iistorbo sa tulog ko tuwing umaga.

Maya hates alarm clock, kahit nga yung alarm sa cellphone niya di niya ginagamit at nag-iinit ang ulo niya pag may biglang nanggigising sa kanya. But this time, she’ll have to make an exemption.

Panay na rin ang pagsulpot ng mga text ni Richard sa kanya ng kung anu-ano, tulad ng ..

“I’m hungry! How about you, nag-lunch ka na ba?” .. ” I’m bored! Anong ginagawa mo?” ..

Di naman niya ito ginagawa noon. May isang beses pa nagulat na lang si Maya ng makita ang isang dosenang text messages galing kay Richard na puro psst at Psstt, Maya lang ang laman. Minsan pakiramdam ni Maya ginagawa lang ito ng lalaki para malaman kung ano ang ginagawa niya o kung kasama niya si Bart. Nagkakataon kasi na tuwing natatanggap niya ang mga text na ganito ay break niya at kasama sina Bart at Emman.

Isang beses nagyaya si Richard na kumain sila sa labas ni Maya. Pumayag naman siya at wala siyang gagawin pagkatapos ng klase niya. Nagkataon namang absent ang professor sa huling klase niya ng hapong yon kaya maaga siyang nabakante. Nagdesisyon si Maya na magpunta sa Starbucks malapit sa office nina Richard at doon na lang magpalipas ng oras habang hinihintay ang lalaki. Nagkasundo kasi silang sa restaurant kung saan malapit sa office ng lalaki sila kakain kaya para di na siya sunduin ng lalaki sa school ay mas minabuti nitong doon na lang tumambay muna at maghintay ng text ni Richard. Di niya pinaalam sa lalaki na naroon siya para di ito mapilitang iwanan ang trabaho ng mas maaga, alam niya kasing di ito papayag na maghihintay siya doon.

Mag-aalas sais na nang sa di inaasahang pagkakaton ay nakita ni James si Maya sa loob ng Starbucks matapos pumasok ang  lalaki doon at nagtake-out. Napansin siya ng lalaki na naka-upo sa isang sulok, nagbabasa ng libro kaya nilapitan na siya.

“Maya!”

“Kuya James! Hello! Anong ginagawa mo dito?”

“Ah napag-utusan na bumili ng kape ng mga ka-officemates ko. Ikaw?”

“Ahh wala lang..may hinihintay.  Malapit na ang hapunan bakit magkakape pa kayo?” habang hinihintay ang kanyang order ay naupo na muna  si James sa bakanteng silya sa harap ni Maya para makipagkwentuhan sandali sa kanya.

“Ewan ko ba kay singkit kung bakit! Siya yung naunang mag-utos sa akin ng kape. Ay teka..may napapansin ka ba na kakaiba kay Richard?”

Akala ko ako lang nakakapansin, pati din pala kayo? Napatawa na lang ng marahan si Maya habang iniisip yon. Di naman niya pwedeng ikwento sa lalaking kaharap kung ano-ano ang mga bagay na yun kaya di na siya nagsalita pa.

“This Richard is driving me nuts! Akalain mo bang bumili ng dalawang teddy bears sa mall? Mabuti sana kung siya lang mag-isa, talagang sinama pa kami ni Simon sa kalokohan niya. Kami lang nama ang pinagbitbit ng isang bear, grabe pinagtitinginan talaga kami ng mga tao doon, nakakahiya! Pati ang janitor namin sa office nadamay pa at inutusan itong ideliver yung pagkalaki-laking bear na yon .”

Dalawang bears? Teka..isa lang natanggap ko ah?! Asan yung isa? Buong pagtataka ni Maya ng maalala si Ricky, ang teddy bear niya sa bahay. Napalunok na lang ng kanyang laway  si Maya sa narinig.

” Recently, nadiscover ko bumu-Bruno Mars ang loko! Ringtone niya sa cellphone ang Just the Way You Are.. And alam mo bang sa kagustuhang maging fit nag-enrol na ang mokong sa isang fitness club at nagba-badminton na rin kasama ni Catherine?” tawang-tawa si James habang kinukwento ang mga bagay na yon. Si Maya naman di mapigil ang sarili at nakitawa na rin kay James.

“Bakit raw niya ginagawa yon?” tanong ni Maya kay James.

“Ewan ko sa kanya..to impress someone I guess? One time nagtanong kasi yan kung ano yung magandang sport na pwede niyang gawin. I suggested golf pero ayaw niya kasi mainit raw. Sabi naman ni Simon basketball pero isang malaking NO WAY  lang natanggap namin, kaya hayun sa badminton ang bagsak niya! Feeling ko talaga may pinopormahan yung singkit na yon eh!”

OMG! This is so hilarious! Don’t tell me nakikipagkumpitensiya si Richard kay Bart? Naalala ni Maya yung nangyari noon na sinabi ni Richard sa kanyang mahilig siya sa lalaking mahilig sa sports. Di niya akalain na sineryoso ni Richard ang observation na yon kaya napa-badminton ito. Seriously Richard..sa dami ng sports, ang badminton talaga ang bagsak mo?

Natigil lang sa kakatawa si James at Maya ng tawagin na ng crew si James. Narinig ni Maya ang crew habang inisa-isang banggitin ang order ni James at kabilang doon ang kanyang paboritong Cinnamon Dulce Latte, nang marinig yon ay hinulaan ni Maya  na marahil ito ang order ni Richard.

Gaya-gaya! .. sabi ni Maya sa loob-loob nito.

Pagkatapos i-check ni James ay bitbit na nito ang kanyang tinake-out at lumapit muli sa kanya para magpaalam.

“Kuya.. huwag mo na lang banggitin kay Richard na nakita mo ako ha.”

“Don’t worry di ko babanggitin kay Richard.” ngumiti ito sa kanya at tinapik siya sa likod. Ilang sandali lang ang nakaraan at nasa labas na si James, naglalakad patungong building ng office nila.

Pagkaraan ng ilang minuto naman ay nakatanggap na ng text si Maya galing kay Richard. Pinapaalam ng lalaki na pababa na siya, tinatanong din siya kung saan siya susunduin nito. Pinaalam ni Maya na naroon lang siya sa area nina Richard  dahil dito inantay na lang siya ng lalaki sa labas ng building nila.

“Kanina ka pa?” tanong kaagad ni Richard sa kanya ng magkaharap na silang dalawa.

“Hmmm secret.” agad napansin ni Maya ang Starbucks cup na hawak ni Richard. Cinnamon Dulce Latte , sabi ko na nga ba! Palihim na napangiti si Maya

“Oh..” iniabot ni Richard sa kanya ang dala.

“A-kin to?”

“Oo, di ba paborito mo yan? Binili ko talaga yan para sa’yo.  Buti andito ka na, maiinom mo kaagad.”

Tinaggap ito ni Maya pagkatapos ay nagpasalamat.

“Brod, pwedeng…Maya! ” sigaw ni Simon sa likod nila. Nagulat ito ng makita siya, agad napadako ang tingin ng lalaki sa kanyang iniinom. “Oh..sa’yo pala yan?” pagkatapos ay kay Richard ito tumingin, kapansin-pansin ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ng lalaki kaya di maiwasang magtaka ni Maya.

“Ba-kit? “

“Ikaw pala yung sinasabi ni Richard na…”

“Ooohhhh” sambit ni James na nasa tabi ni  Simon.Nakangiti itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Richard.

Naguguluhan si Maya sa dalawang lalaki sa harapan nila. Obviously may alam ang dalawa na di niya alam. Kaagad naman siyang hinila ni Richard at pinagtulakan para sumakay na sa sasakyan nito.

“Sorry guys pero may lakad kami ni Maya, next time na lang kayo makisabay, okay? Bye!!!” pag-iwas ni Richard sa dalawa. Agad na din itong sumakay sa sasakyan nito at binuhay na ang makina. Ilang sandali ang nakalipas ay paalis na sila ni Maya patungo sa restaurant kung saan nagpa-reserve si Richard. Iniwan ang dalawang kaibigan na sa mga sandaling yon ay di makapaniwala sa kanilang nadiskubre.

“Brod, si Maya pala yung sinabi niya kanina na special someone na mahilig sa Cinnamon Dulce Latte ? Tsk tsk tsk bumigay na talaga si Richard. In-love na si Mr. Singkit kay Ms. Kulit. Mr. Lim, the Guardian Angel turned Lover Boy..” biro ni James.

“Uhummm, di na napigilan ang sumisidhing damdamin ni Mr. Lim!” dagdag ni Simon sa sinabi ni James. Napangiti na lang ang dalawa habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ni Richard.

Lumipas ang ilang araw ay naging abala si Richard sa trabaho niya sa opisina. Napapadalas ang over time sa trabaho at di na nito nasusundo si Maya. Sa kabila nito patuloy parin niyang sinusuyo si Maya at patuloy na pinaparamdam sa dalaga kung gaano ito ka-espesyal sa kanya. Wala mang nagbabanggit sa kanilang dalawa ng tungkol sa nangyari sa San Nicholas ay mas pinili nilang dalawa iyon dahil kuntento sila sa naging takbo ng kanilang relasyon.

Patuloy din ang panliligaw ni Bart sa kanya hanggang isang araw ay mas minabuti na ni Maya na ipagtapat sa lalaki ang tungkol kay Richard.

“I’m sorry pero unfair naman kasi kung ipagpatuloy mo pa ang panliligaw mo ngayong alam ko naman di ko masusuklian yon Bart. Sana maintindihan mo. “

“Sasagutin mo na ba si Richard?”

“I think kung ano man ang desisyon ko, siya yung dapat unang makakaalam..”

“I understand..” malungkot ang boses ni Bart. Di maiwasang na may konting kirot sa dibdib na maramdaman si Maya. Naging napakabuti nito sa kanya. Nakokonsensiya si Maya, ayaw man niyang masaktan ito pero kailangan na nitong malaman ang totoo. Niyakap ni Maya si Bart sa huling pagkakataon. “Magkaibigan parin naman tayo, right?”

“Is there such thing? Can we really be friends, Maya?”

Narinig ni Maya ang buntong-hininga ni Bart habang yakap ang lalaki. Mas lalo tuloy bumigat ang nararamdaman ni Maya sa mga sandaling yon. Ayaw niyang mawalan ng kaibigan, pero ayaw din naman niyang pilitin si Bart kung dahil dito ay patuloy niyang nasasaktan ang lalaki.

Pagkatapos maghiwalay nina Maya at Bart ay umakyat na si Maya sa kanyang unit. Pagpasok pa lang niya, wala ng ibang laman ang isip niya kundi ibigay bracelet ni Richard. Kinuha niya ito sa lalagyan ng box at isinuot. Kumuha din siya ng papel at ballpen at nagsulat, pagkatapos ay ipinasok ito sa loob ng box saka ito binitbit at nagpunta sa unit ni Richard. Wala si Richard doon, nagtext ito kanina sa kanya na may pupuntahan kaya iniwan niya ito sa mesa ni Richard. Napangiti si Maya habang papaalis sa unit ni Richard. Sana sapat na to para masorpresa kita .. she thought.

Kinabukasan…

“Maya. Sorry kung di na ako nagpaalam ng  personal. I’m about to board the plane.  I’m going back to San Nicholas,  for good..Please take care of yourself. Bye.”

Ito ang nabasa ni Maya sa text message ni Richard. Not the usual good morning text  na lagi niyang natatanggap mula sa binata. Di makapaniwala si Maya sa kanyang nabasa. Ilang ulit niyang binasa iyon para makasigurado pero walang nagbago. At isang salita lang ang tumatak sa isip ni Maya sa mga sandaling yon.. Bye.. inulit-ulit habang patuloy ang padaloy ng kanyang mga luha.

A/N: Please huwag ‘nyo muna akong isako..konting  pasensya muna. Makikita din natin ang daan patungo sa  liwanag, malapit na..Honesto to, pramis!

Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector © 2014 by nylcoen

37 Comments (+add yours?)

  1. joebelle212229
    Apr 01, 2014 @ 13:52:44

    its a good thing po ms. nylcoen i read ur thoughts on why a delay sa pag update. naunawaan kita sa mommy duties and etc.looking forward to an update soon.🙂

    Reply

  2. banja25
    Apr 01, 2014 @ 01:26:49

    next chapter po please🙂

    Reply

  3. Ameera
    Apr 01, 2014 @ 01:23:56

    Like what I have said I was so happy to stumble unto this blog and I do understand your duties as a mom,kailangan di ba? Pero sa susunod na chapter kaboom sigurado yan! More power and blessing to you my dear rayteer.Salamat sa iyong mga stories

    Reply

  4. nylcoen
    Mar 31, 2014 @ 21:40:39

    Hello everyone!

    Sorry if medyo matagal na di ako nakakapag-update ng story. Been busy last week. My kids threatened me na pag di ako sisipot sa awarding at graduation idi-disown na raw nila ako (poor me, natakot naman ako😄 ) kaya yon, di nagkaroon ng time umupo at mag-type.

    And now, just when I have the time to update sobrang bagal naman ni PLDT. Di ko nakikita ang Dashboard at naglo-load lang siya palagi G-R-R-R!!!

    And since di ko ma-open si Dashboard, dito ko na lang idadaan ang aking advisory (sana nga lang may maligaw sa comment section at mabasa ito) . Salamat sa lahat na umunawa at nangakong di ako isasako, sorry din sa mga humiling ng double treat at di ko napag-bigyan.

    Lastly, I just want to inform you guys na dahil school break na , updates may be posted late at night or midnight na kasi di ako pwedeng magsulat sa morning at di ako maka-concentrate sa sobrang ingay ng bahay ( Lahat ng mommies diyan, I know you can relate to this, right mommies? RIGHT!😀 )

    Reply

  5. Virgie
    Mar 30, 2014 @ 18:10:10

    Is next chapter is coming soon…so excited much…please😄 thx much

    Reply

  6. lv
    Mar 30, 2014 @ 14:55:16

    Naku naman bkit ganun? Bitin talaga. D ako mapapakali nito sa opis at laging mag aabang

    Reply

  7. ML
    Mar 27, 2014 @ 21:27:44

    something went wrong!!! Richard umayos ka! waaaa pinaiyak mo na naman si Maya pero unintentional naman ngayon…

    Maya, suyuin mo na lang si Richard, assumero kasi madami kasalanan sau before kala nya siguro wala siya pag-asa sau hahaha

    Reply

  8. Virgie
    Mar 27, 2014 @ 16:01:21

    So sad he thoughts that Maya and Bart are couples and no chance for him…he was wrong…asumero…I hope they will be together soon…please update soon…excited na

    Reply

  9. gianni96950
    Mar 27, 2014 @ 09:57:51

    ay ano ba yan…at bakit biglang bye ang peg? hala, nakita siguro ni richard si maya at bart at nag assume na naman ng kung ano..exciting hahaha!!! thanks.

    Reply

  10. teamSIMON
    Mar 27, 2014 @ 07:58:59

    oh my goolay!!! ang ganda ganda na ng story… nang may bye?! oh no😦 bakeeeettttt!!!! anung drama meron? haist!!! can’t wait for the next chapter… magaalay ba sa anito na? ms con? hehehehe

    Reply

  11. pekotalasa
    Mar 27, 2014 @ 07:25:39

    thanxs got it…good day!

    Reply

  12. ladyflorblog
    Mar 27, 2014 @ 05:30:05

    Why o why? Next chapter an po sana….. Huhuhuhu

    Reply

  13. marie0626
    Mar 27, 2014 @ 02:57:08

    Ay, hindi niya binuksan ‘yung box so hindi niya nakita ang sulat ni Maya….

    Reply

  14. jamangel
    Mar 27, 2014 @ 00:45:40

    hala! nakita siguro n richard ung mag hug sina maya at bart kaya nag alsa balutan…weh assuming ka mr. singkit ha.my pa bye bye pang nalalaman…thanks for the update po

    Reply

  15. ayeth
    Mar 27, 2014 @ 00:42:06

    hmmm….i think something’s not right..siguro nakita ni Richard si Maya & Bart na magkayakap while saying goodbye to each other and Richard concluded mag-on na sina Maya & Bart… hmmmp Richard talaga assumero ka rin ano!…Maya dali sundan mo San Nicolas si Richard…haaayyy sana happy moments na sa next chapters!

    Reply

  16. banja25
    Mar 27, 2014 @ 00:42:06

    ahehehe, patawa si Richard!🙂

    Reply

  17. jan1000
    Mar 26, 2014 @ 23:54:55

    Richard always thinks ahead without consulting Maya.. Ano ba yan, kung kelan ok na si Maya, siya namang nawawala..Wrong timing always..Next chapter na pls, cnt wait..thanks!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: