Just in Time 14

     Ginising si Maya ng pamilyar na kantang hatid ng kanyang digital alarm clock. Dalawang taon na ang matuling lumipas pero ito parin ang musikang sumasalubong sa kanya sa paggising. Di niya ito makuhang palitan o itapon sa dahilan na ito ang tanging nagpapa-alala as kanya na mahigit dalawang taon na ang lumipas ng iniwan siya ni Richard. May hatid na kirot sa dibdib tuwing naaalala niya ito kapag naririnig at nakikita ang alarm clock na iyon pero ito naman ang nakakatulong upang palalahanan ang sarili na minsan sa kanyang buhay iniwan siya at nasaktan.

Kagaya ng alarm clock na iyon, sa pagmulat ng kanyang mata, ang unang bagay naman na nakikita niya ay ang lifesize teddy bear na si Ricky na hanggang sa mga sandaling ito ay suot parin ang jacket ni Richard. Pero di tulad ng dati, di na ito namalagi sa tabi ng higaan kundi namamalagi na sa malamig na sahig ng kanyang kwarto. At kung bakit hindi rin niya ito tinapon? Dahil sa nadiskubre ni Maya na magandang pamalit ito bilang punching bag kapag gusto niya ng hingaan tuwing stress, galit, o kung naaalala niya si Richard.

Alalang-ala pa niya ang umagang yon ng mabasa ang text ni Richard. Ni sa panaginip, di niya inasahang may mangyayaring ganoon. Nang matulog siya baon sa kanyang puso at isip na bukas, sa paggising ay magbabago na ang lahat sa kanila ni Richard. Pero ang pagbabagong iyon ay taliwas sa kanyang inaasahan. Pagkatapos basahin ng ilang ulit ang huling mensahe ni Richard naisip pa niyang baka nanaginip lang siya pero hindi. Matagal din ang panahong ginugol niya sa pag-iyak hanggang isang araw ay napagod na siya at nagdesisyong magpatuloy sa buhay at kalimutan si Richard.

Di naging madali para sa kanya ang kalimutan si Richard. Lalo na kung saang sulok sa condong iyon naaalala niya ang lalaki, kinailangan niyang mamuhay na kasama ang bawat alaala na iyon upang magsilbing guide at palatandaan sa kanya. Di niya pwedeng iwanan ang condo at wala siyang ibang masisilungan, alam din naman niyang kung sakaling maghahanap siya ng ibang lugar na matitirhan dagdag sa pasanin ito ng kanyang mga magulang. Di naman siya pwedeng humanap ng part-time na trabaho at wala na siyang bakanteng araw, dagdag pa ang banta ng kanyang tatay na sa oras na malaman nitong nahihirapan na siya sa Manila ay pauuwiin na lang ito sa San Nicholas upang doon na mag-aral. Ayaw niyang mangyari yon kaya di na niya tinuloy ang balak sa halip ay pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral upang makakuha ng scholarship at nang mabawasbawasan ang tulong pinansyal na iniaabot ng mga magulang ni Richard sa kanya. Itinanim niya sa isip na sa oras na makapagtapos na siya at makakita ng trabaho, kukunin na nito ang mga magulang at iaalis sa poder ng mga Lim upang tuluyan ng maputol ang kanilang ugnayan sa pamilya ng lalaking walang ibang idinulot sa kanya kundi kirot sa dibdib.

Kahit nahihirapan na sa sarili nitong pakikibaka kung paano bumalik sa normal ang kanyang buhay, nakikigulo pa si Catherine at panay ang pangungulit sa kanya kung bakit nagdesisyon si Richard na umuwi na ng San Nicholas. Kahit ilang ulit na nitong sabihin sa babae na wala siyang alam di parin siya tinantanan, kaya minabuti niyang magbilin sa receptionist at guard na sa oras na bumisita ang babae ay huwag itong pahintulutan at wala itong ibang ginawa kundi i-harass siya. Kung di niya ito ginawa di siya tinigilan ng babae.

Kung nasaan si Richard at kung bakit ito umalis? Di naging malinaw kay Maya. Ang tanging nasabi ng kanyang mga magulang kinailangan itong umuwi upang tumulungan ang kanyang ama sa pamamahala ng kanilang farm na sa mga oras na yon ay lumalago na ang page-export ng organic products sa ibang bansa. May ilang beses din niyang tinangkang kausapin ang lalaki pero tila nag-iba na ito ng numero. Nang minsang tumawag si Maya sa mga magulang, sinubukan nitong makibalita kay Richard pero nalungkot lang siya ng malaman na di gaya niya, tahimik at normal na itong namumuhay kasama ng kanyang mga magulang. Di malaman ni Maya kung ano ang iisipin sa mga panahong iyon. Pakiramdam niya pinaglaruan siya ni Richard.

Ngayon, lumipas ang dalawang taon. Sa wakas nakapagtapos na siya at nakapasa na rin sa licensure examination kung saan nakuha pa niya ang ika-limang pwesto. Ganap na siyang guro at kasalukuyang kinukuya siya ng PUS para magturo ng Biology sa high school department nito. Ang unang pumasok sa kanyang isipan, kukunin na niya ang kanyang mga magulang at kaya na niya silang buhayin sa malaking sweldo na inaalok ng university sa kanya. Pero ang tanging pumipigil lang sa kanya sa planong iyon ay ang mismong mga magulang.

Nang maalala ang mga ito ay tiningnan ang alarm clock at nakitang mag-aalas siyete na pala ng umaga kaya bumangon na si Maya, sumagi sa kanyang isipan na kailangan nga pala niyang tawagan ulit ang mga ito at kausapin ng masinsinan. Di niya ito nagawa ng huli niya silang makausap at binabaan siya ng telepono ng kanyang Tatay Arturo. Nang makaupo na ay itinaas itinaas ni Maya ng kanyang mga kamay at nag-unat ng sandali pagkatapos ay dinampot ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kanyang mesa sa gilid ng kama at hinanap ang numero ng kanyang ina para magpadala ng mensahe dito.

“Good morning , Nay! Please text ‘nyo po ako pagkatapos ninyong mag almusal. Kailangan nating mag-usap. Love you.”

Pagkatapos itype ang mensahe ay pinadala na niya ito sa kanyang ina. Inilapag niya ulit sa mesang pinagkuhanan kanina ang kanyang cellphone at tuluyang ng tumayo mula sa kama. Inayos ang kama saka kinuha ang kanyang tuwalya at pumasok na sa banyo upang maligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya mula dito na nakasuot ng bathrob, nakangiti at relax na relax. Pakanta-kanta pa ito habang pinapatuyo ang kanyang buhok ng tuwalya, naisipan niyang i-check ang kanyang cellphone nagbabakasakaling sumagot na ang kanyang ina habang nasa banyo siya kanina. Di nga siya nagkamali, pagpindot ni Maya sa cellphone ay agad nabasa sa screen nito na may mensahe siya, isang pindot pa at nabasa na niya ang kabuuan ng text na galing sa kanyang ina.

“Tapos na tayong mag-usap. Hindi parin ang sagot namin ng Tatay mo.” ito ang maikling sagot sa kanya ng kanyang ina. Napasimagot si Maya sa nabasa.

Aishhh bakit ba pinapahirapan ninyo ako? Ito ang tumatakbo sa isip ni Maya sa mga sandaling iyon. Di ito nakuntento sa sagot ng ina kaya pinindot ang call button ng cellphone niya at tinawagan ang ina. Napa-upo si Maya sa gilid ng kanyang kama habang hinihintay marinig ang pagsagot ng ina sa kabilang linya.

“Oh, nakapag-desisyon ka na ba? Uuwi ka na?” Ito ang pambungad na tanong ni Nanay Teresita ng sagutin na ang tawag niya.

“Nanay naman eh!” angal ni Maya sa ina. ” Bakit ba kasi ayaw ninyong samahan ako dito? Di ba ninyo ako nami-miss?”

“Aba’y kami pa talaga ang sinasabihan mo ng ganyan samantalang ikaw tong pinipilit naming umuwi dito ng dalawang taon? Kung di nga lang graduation mo nung Marso di tayo magkikita-kita. “

“Nay, di ba sabi ko sa inyo kinukuha nga ako ng PUS para magturo?”

“Oo nga, sinabi mo nga yan. Pero di ba sabi din namin ng tatay mo kukunin ka rin ng dati mong paaralan dito para magturo?”

“Nanay, mas malaki yung sweldo na ino-offer ng PUS. Kaya ko nga kayo kukunin kasi kaya ko na kayong suportahan ni Tatay, di na ninyo kailangan magtrabaho sa farm. Kung diyan ako magtra-trabaho, maliit lang ang suswelduhin ko. Sayang naman ang pagiging 5th placer ko sa LET tapos diyan lang ako magtuturo. Whereas kung dito, di na kayo mahihirapan sa trabaho, malaki ang sweldo ko, tapos mababayaran na natin ang mga utang natin sa mga Lim.”

“Yung utang na loob na babayaran natin sa kanila nakwenta mo na rin ba, ‘nak? ” natigilan si Maya ng marinig ang kanyang ina. Pakiramdam ni Maya kahit wala ang ina sa kanyang harapan ay isang malaking sampal sa mukha ang natanggap niya mula dito. ” Maiintindihan namin ng tatay mo kung ayaw mong magtrabaho dito, pero hayaan mo na lang kami dito at masaya kaming paglingkuran sila. Makabawi man lang kami sa lahat ng itinulong ng pamilya nina Don Roberto sa atin, lalo na sa pag-aaral mo. “

“So di ninyo talaga ako pagbibigyan sa gusto kong dumito na kayo?” mahina ang boses ni Maya habang tinatanong ang kanyang ina. Nagsisimula na ring bumuo ang luha sa gilid ng mga mata niya nang maunawan nito na kahit anong gagawin niya di siya pagbibigyan ng kanyang mga magulang. Masakit sa kanya at pagkatapos ng mahabang panahaon na ginugol niya sa pag-aaral upang makapagtapos at mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang, sa huli di parin niya ito magagawa at ayaw ng mga ito na intindihin siya.

“Hindi. ” nang marinig ang maikling tugon na ito tuluyan  ng nanghina si Maya. Napaiyak siya sa sobrang lungkot. Pakiramdam niya nabigo siya. Di na nito narinig ang pagpapaalam ng kanyang ina sa kabilang linya at inihagis na nito ang kanyang cellphone sa kama.

Bakit ba di ninyo maintindihan na kaya ayoko bumalik ng San Nicholas ay dahil sa ayoko na muling makaharap si Richard. Pinipilit kung humakbang palayo sa kanya, huwag ‘nyo naman akong hatakin pabalik at masaktan uli.

Wala ng nagawa si Maya kundi umiyak ng umiyak. Di naman niya makuhang sisihin ang mga magulang lalo pa’t wala itong alam sa nangyari sa kanila ni Richard mahigit dalawang taon na ang nakaraan.

Later that night, nasa isang bar sina Maya at Emman. Habang naghihintay ang dalawa kay Bart, ikinwento ni Maya sa kaibigan nito ang naging pag-uusap nila ng kanyang ina sa cellphone ng umagang yon. Kagaya niya, bothered din ito sa pagmamatigas ng kanyang mga magulang na samahan na siya dito sa Manila. Alam ni Emman kung gaano nagpursige si Maya sa pag-aaral para lang sa mga ito kaya ng malaman na inayawan nina Nanay Teresita at Tatay Arturo ang kaibigan, di maiwasang mamroblema din ito para sa kaibigan.

” Oh no! So paano yan Maya? You only have two weeks to decide di ba?”

“Oo nga eh, siguro nga tatanggapin ko na lang ang katotohanang di ko na sila maisasama pa dito.” malungkot parin ang boses ni Maya habang sinasabi iyon sa kaibigan.

“Ano ba kasi ang gusto nila para makumbinsing dumito na rin?”

“Unfortunately Emman wala. What they want is for me to go back home and doon na magturo, but I can’t do that. Or shall I say, I don’t want to do that. And you know the reason why, di ba?”

“Of course! “

” If only they know kung anong nangyari,  alam ko maiintindihan nila ako bakit mas gusto ko mag stay dito.”

“Why don’t you tell them, girl! Try mo, baka mag-work. Eh di happy and complete family na din kayo ulit?”

“No..ayoko malaman nila. Alam mo namang di nila alam kung ano nangyari sa amin noon di ba? Ayoko nga magmula sa akin ang kwento na niligawan niya ako noon. Mamaya i-deny ako mapahiya na naman ako noh !”

“Well my point ka diyan! Based from previous experiences, mahirap pagkatiwalaan si Richard. What if matakot umamin ang tao tapos sabihing nag-imbento ka lang or nagfi-feelingera ka lang 2 years ago..mabuti na yong mag-iingat ka kesa sa mapahiya ka na naman..”

“That’s exactly what I have in mind, girl!”

“Ay teka..how about si ‘insan? Alam na ba ng parents mo yung tungkol sa kanya?”

“Ummm di pa eh..” sagot naman ni Maya sa kaibigan ngunit sa loob-loob nito, nagdadalawang isip pa siya na ipaalam ang relasyon niya kay Bart sa mga magulang. Di na naman niya kailangang magpaalam at alam na naman ng mga ito na nililigawan siya ni Bart pero naisip din ni Maya na kung malaman ng dalawa na tuluyan na nitong sinagot ang binata ay baka ito pa ang magiging rason na mas lalo siyang pauwiin sa San Nicholas. Kahit na pinayagan na silang maligawan si Maya, di parin nawawala sa dalawa ang pagiging konserbatibo. Nararamdaman ito ni Maya tuwing pinapaalalahan siya ng kanyang nanay kung paano dalhin ang sarili lalo na pag may kasamang mga lalaki.

” Kailan mo plano sabihin yan? Di ba hiniling niya yan sa’yo na ipaalam mo na sa mga magulang mo?”

“I dunno. I can’t keep it forever but I just felt that it’s not the right time yet. Maybe after ma-resolve namin ang family problem namin?”

“Oh well..but make sure huwag ng patagalin para di kay magkaproblemang dalawa. Alam mo naman yung pinsan kong yon. Masyadong matampuhin.”

“Oo naman. Sooner or later, alam ko kailangan ko ding sabihin yon sa kanila. Just give me a little bit of time pa. Huwag mo munang ipaalam and please huwag mo munang ipaalala kay Bart ang tungkol dito.”

“Not a problem with me. Alam mo naman ako suportado kita sa kahit ano pa ang gustuhin mo as long as di nakakasama sa’yo. Di ba?”

“Thank you, girl! Paano ako kung wala ka!”

“Kung wala ako, eh di ikaw ang mas maganda! Pero dahil andito ako, may ka-kumpitensya ka!”

“Loka-loka ka talaga!”

“True naman da ba?!” pabirong sagot ni Emman sa kanya pagkatapos ay naghagikhikan na ang dalawa.

Sa loob ng dalawang taon, si Emman ang tanging naging sandigan ni Maya. Hingaan ng sama ng loob, karamay noong mga panahong lugmok siya at iniwan ni Richard, tiga-pokpok  sa kanya upang magising sa katotohanan kapag nakakalimut na siya sa reyalidad ng buhay, at higit sa lahat ito ang tumulong sa kanya upang ngumiti ulit at matutong harapin na muli ang mundo.

Si Bart, kahit na tinalikuran niya noon naging karamay din niya sa halos dalawang taon. Nang kinailangan niya ng kaibigan sa panahong sobrang down niya, andun din ito at inalalayan siya. Kailan lang ng muli siya nitong ligawan ulit at nitong nakaraang linggo nga ay sinagot na ni Maya ang lalaki. Inaamin naman ni Maya sa sarili na di man niya ito mahal tulad kung gaano niya kamahal si Richard noon, ang mas mahalaga sa kanya may puwang parin ito sa puso niya.

Mahimbing na sa kanyang pagtulog si Maya ng ginising siya sa tunog ng kanyang cellphone. Nang damputin niya ito, nabasa niya sa maliit na screen nito ang pangalan ng kanyang Nanay. Nagtataka si Maya kung bakit malalim na ang gabi ay napatawag ito sa kanya. Agad niyang pinindot ang answer button upang makausap na ang ina, bahagyang umupo si Maya at isinandal sa headboard ang kanyang ulo.

“Hello Nay?”

“Maya ako to.” nagtaka si Maya sa narinig na boses. Hindi ito pagmamay-ari ng kanyang ina kundi ito ay boses ng kanyang ama.

“Tay? Napatawag po kayo? Asan si Nanay?”

“Nak, andito ako ngayon sa ospital. Si Nanay mo pina-confine namin kani-kanina lang.”

“ANO?! Bakit? Anong nangyari?” gulat na gulat si Maya sa narinig. Kung kanina ay pupungas-pungas pa ito at  tila tulog pa . Ngayon ay gising na gising na ito dahil sa narinig na balita. Nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang ina.

“Biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib sabi ng doktor may sakit daw sa puso ang nanay mo. Ngayon ko lang nalaman na yung mga iniinom niya palang gamot di pala vitamins yon di niya pinaalam sa akin para di ako mag-alala.” malungkot ang boses ng kanyang tatay sa kabilang linya.

“Gising ba si Nanay? Pwede ko ba siyang makausap?”

“Nagpapahinga na ‘nak. Ayaw sana niyang ipaalam na andito siya sa ospital kaya hinintay kong makatulog na muna bago kita tawagan.”

Dahil sa pag-alala sa kanyang ina ay di mapigilan ni Maya na mapa-iyak. Sari-sari masamang senaryo ang tumatakbo sa kanyang isip kaya natakot si Maya sa pwedeng mangyari sa kanyang ina.

“Tay, uuwi ako diyan. Antayin mo ako bukas sa airport, uuwi ako!”

Sa mga sandaling iyon, di na nakuhang mag-isip pa ng iba ni Maya. Walang ng ibang laman ang kanyang isip kundi ang kagustuhang makita at makapiling ang kanyang ina. Unang beses na may ganitong nangyari sa kanilang pamilya, maisip lang ni Maya ang posibleng mangyari sa ina nito dahil sa sakit nito di na siya mapakali pa.

 

 

A/N: Wala ng edit-edit at baka maunahan na naman ako ni PLDT at di ko na naman ma-post ito. Sorrryyy pooo, kayo  na bahala umunawa, okay.

Thank you pala sa lahat na patuloy na sumusuporta kay Liplockinlove. Di ko man kay isa-isang nare-replayan sa comments ninyo pero malaki ang pasasalamat ko sa inyo at patuloy kayong nagpaparamdam na andiyan lang kayo at  ina-appreciate ang sinusulat ko. Love you guys, mwah mwah tsup tsup!

 

 

 

 

 

 

 

© 2014 by nylcoen

Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

31 Comments (+add yours?)

  1. matez1121
    Apr 09, 2014 @ 22:40:55

    next chapter please…..

    Reply

  2. ariesgirl
    Apr 09, 2014 @ 15:58:12

    wala pa bang kasunod?

    Reply

  3. jangmi
    Apr 07, 2014 @ 19:56:32

    still waiting for the next chapter triple treat pleassssseeeeeee.

    Reply

  4. Virgie
    Apr 06, 2014 @ 09:28:25

    Mga sis I bet all the writers they con us, because we love them and the stories…all of them thinking that they should give us a heart attack…all are soo depressing stories…😳😳😳😳 just kidding…don’t worry they will come back to their senses…😄😄😄

    Reply

  5. Virgie
    Apr 06, 2014 @ 09:19:49

    I cannot hardly wait for next chapter…so excited what really happen, hope soon…please😳😳

    Reply

  6. felcarnelle2008
    Apr 04, 2014 @ 15:55:11

    masakit sa dibdib, lent season talaga ngayon pati liplockinlove nakikisabay huhuhu

    Reply

  7. ladyflorblog
    Apr 03, 2014 @ 17:44:05

    Hala bakit lahat Ng fanfic sad ngayong week na Ito? Huhuhuhu

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: