Just in Time 15

     Kinabukasan, maagang kumuha ng airplane ticket si Maya para makauwi ng San Nicholas gaya ng pinangako sa kanyang ama. Mabuti na lang at may nakuha pa siyang ticket para sa huling flight ng araw na iyon. Pagkatapos magpaalam ng madalian kay Emman  at sa kanyang boyfriend na si Bart, nag-empake na si Maya ng gamit at tinungo na ang airport.

Habang naghihintay ng boarding time sa airport ay tinawagan ni Maya si Tatay Arturo para kumpirmahin ang kanyang pag-uwi ng hapong iyon. Tuwang-tuwa ang kanyang tatay ng malaman ito. Inalam na din ni Maya ang kalagayan ng kanyang ina na sa kabutihang palad ay bumubuti na. Tuwing maiisip ni Maya ang ina ay di ito mapakali at gustong-gusto na nitong makita at makapiling.

Ilang minuto ang nakaraan ay nasa loob na ng eroplano si Maya. Kung kailan ilang oras na lang ay makikita na nito ang mga magulang, saka pa siya nakaramdam ng konting takot sa dibdib. At isa lang ang dahilan kung bakit niya ito nararamdaman sa kasalukuyan, ito ay dahil sa napipinto ding pagkikita nila ni Richard. Matapos ang dalawang taon, dumating na rin ang pagkakataong di na niya maiiwasan, ang paghaharap uli nila ni Richard Lim. Ang lalaking paulit-ulit siyang sinaktan. Bakit ba ako kakabahan wala naman akong kasalanan sa kanya, di ba dapat siya ngayon ang mabahala at siya ang bigla na lang nang-iwan?

 Ito na lang ang tanging inulit-ulit ni Maya sa kanyang isipan upang tulungan ang sariling mapanatag sa napipintong paghaharap nila ng lalaki. Pero sa kabila ng lahat, di parin napapawi ang nararamdaman ni Maya, ang magkahalong kaba at pananabik ay di niya maikaila pa. Habang binibilang ang minutong lumipas hanggang sa tuluyan ng lumapag ang eroplanong sinasakyan, di niya tinantanan sa pagnguya ang bubble gum sa kanyang bibig na sa mga sandaling iyon, ito ang sumalo ng lahat ng tensyon na nararamdaman niya.

Mahigit isang oras ang nakalipas, pasado alas sais ng gabi, lumapag na sa San Nicholas Airport ang eroplanong sinakyan ni Maya. Bitbit ang stroller bag habang palabas na si Maya papuntang arrival area kung anu-anong bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan..

Kasama kaya siya sa pagsundo sa akin? Ano na kaya ang itsura niya? Sasampalin ko ba siya?.. Sampal? Agad-agad?..Bakit hindi? ..Teka bakit ba siya na lang lagi ang nasa isip ko..Hindi si Richard ang dahilan kaya  umuwi ako ng San Nicholas, dapat di yan mawala sa isip ko!

Muling pina-alalahanan ni Maya ang kanyang sarili. Kasabay ang isang malalim na buntong-hininga ay nagmadali na si Maya sa paglalakad palabas, panaka-nakang iginala ang kanyang mga mata para hanapin ang kanayang sundo hanggang sa makita na nito ang kanyang pakay.

“Tay! Tatay!!” patakbong nilapitan ni Maya ang ama. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

“Kumusta ang byahe? ” kaagad namang pangungumusta ng kanyang butihing tatay sa kanya.

“Okay lang naman po, si Nanay kumusta na?”

“Medyo bumubuti na ang lagay niya, ino-obserbahan pa siya ng doktor pero okay naman siya.”

“Mabuti naman po. Sino nga pala ang nagbabantay sa kanya ngayon?”

“Ummm sa ngayon andun si Richard, nagpresenta muna siya  para magbantay doon habang sinusundo kita. Ang alam ng nanay mo ay may kukunin akong gamit sa bahay kaya umalis ako sandali. “

“Ganun po ba, eh di masosorpresa talaga si nanay sa pag-uwi kong ito..tara na Tay para naman di na natin maabala yung ibang tao.”

“Pupunta na tayo kaagad sa ospital? Ayaw mo ba munang umuwi ng bahay para iuwi tong gamit mo?”

“Di na tay, sa ospital na tayo dumiretso at gusto ko na makita si nanay.”

“Sigurado ka ba diyan? Baka gusto mo munang magpahinga sandali sa bahay, ako na lang ang mauuna sa hospital.” paninigurado ng kanyang tatay. Nag-aatubili itong sumang-ayon sa kanyang plano lalo na nang mapansin ang kanyang  mga mata.

“Sigurado po ako, tay. “

“Oh sige… kung yan ang gusto mo. Diretso na tayo sa ospital.”

Tinungo na nina Maya at Tatay Arturo ang hanay ng mga airport taxi na naroroon sa may labasan at sumakay na dito upang tumungo sa San Nicholas Provincial Hospital kung saan naka-confine si Nanay Teresita. Habang patungo sa ospital ay sinusubukan ni Maya na huwag isipin kung ano ang maaaring mangyari sa oras na makita na niya si Richard. Naiinis siya sa sarili kung bakit sa halip na ang kanyang ina ang iisipin, lagi na lang si Richard ang laman ng kanyang isip. Di maintindihan ang sarili kung bakit aligaga siya gayung sa loob ng mahabang panahon ay walang ibang laman ang kanyang isip at puso kundi galit at pagdaramdam sa lalaking bigla-bigla na lang nang-iwan sa kanya.

Naku Maya! Please lang, huwag kang gaga! Di ba nga galit ka? Bakit ngayon kinakabahan ka na? …Kinakabahan? Hindi ah! Hindi ako kinakabahan! Galit ako! Galit ako! Galit na galit ako! ..Weeeh, bakit ngayon di ka mapakali? …Hindi ah..

Parang baliw si Maya na kinakausap ang sarili, buti na lang at di naririnig ng tatay niya ang usapang binuo sa loob ng kanyang isipan. Tama na Maya…breath in…breath out…breath in..breath out … sunod-sunod na malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maya, bagay na di na nakalagpas sa pandinig ng kanyang Tatay Arturo kaya napalingon ito , ang mga mata ay tila nagtataka habang nakatitig sa kanya. Isang mapait na ngiti ang ipinakita ni Maya sa kanyang ama. Napahiya sa kanyang inasal.

“Nak, huwag ka na masyadong mabahala. Sige ka, pagnakita yan ng nanay mo, imbes na magiging masaya yon at nakita ka niya malulungkot ulit yon.”

“Alam ko naman yon, Tay..kaya lang, syempre di ko maiwasan na di malungkot sa nangyari kay Nanay.” hinayaan na lang ni Maya ang maling pagkaintindi ni Tatay Arturo sa nakikitang ekspresyon nito sa mukha ng anak. “Huwag ka mag-alala , tay. Sa oras na makaharap ko na si nanay, di ko ipapahalata sa kanya na nalulungkot ako o nag-alala para di rin siya maapektuhan.”

Nakita ni Maya ang pagtango ng kanyang tatay. Kinabig siya nito at ipinagdikit ang kanilang mga ulo. Isang marahang pisil din ang naramdaman niya sa balikat niya habang inakbayan siya nito. Sa pagkakataong iyon, alam ni Maya na sa kanya rin humuhugot ng lakas ang kanyang ama, tulad niya nalulungkot ito sa kasalukuyang hinaharap na pagsubok ng kanyang ina.

Makaraan ang halos kalahating oras ay narating na din nila ang ospital. Dinala siya ng kanyang ama sa pribadong kwarto kung saan naroon ang kanyang nanay. Naunang pumasok ang tatay niya, bitbit nito ang kanyang bag. Hinayaan muna niyang lumipas ang ilang sandali bago siya nagpakita sa kanyang ina saka siya dahan-dahang naglakad papasok sa kwarto nito. Nasa bungad pa lang siya ng pintuan, nakita agad niya ang higaan ng ina at ang lalaking nakatayo sa may paanan nito. Kagaya pa din noon, makisig parin si Richard pero kung dati ay saksakan ng puti ang balat at di ito naaarawan, ngayon ay bahagyang namumula na ang balat nito. Ang dati malinis na mukha, ngayon ay may manipis na bigote na sa baba . Nakatingin si Richard ng mataimtim sa kanya, ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa ng pantalon.  Pamilyar kay Maya ang mga titig nito sa kanya, ilang ulit niya itong nakita sa lalaki noon. Di maiwasang magkatitigan ang dalawa subalit naunang bumitiw si Maya at itinuon ang kanyang mga mata sa nakahigang ina ng marinig nito ang pagtawag ni Nanay Teresita sa pangalan niya.

“Maya! Nak!” itinaas ni Nanay Teresita ang kanyang dalawang kamay, nagpapahiwatig na gusto nitong yakapin ang anak. Nang makita ito ni Maya ay nagmadali itong nilapitan ang ina at niyakap ng mahigpit. Di na nito napigilan ang sarili at napaiyak.

“Nay..kumusta ka na? Okay ka lang ba, huh? May masakit ba sa’yo? Kumusta yung paghi–” sunod-sunod na tanong ni Maya ng bumitiw siya sa pagkakayakap sa ina. Mahigpit parin  ang pakakahawak nito sa kamay ng nanay niya.

“Okay lang ako…wala ng masakit sa akin..bakit ka andito? Nagdesisyon ka na bang dumito na? Papayag ka na ba na dito na magtra-trabaho? Ano?” nakangiti si Nanay Teresita, sa boses nito halata ang pananabik na marinig ang pagsang-ayon ni Maya. Di makuha ni Maya na sumagot kaagad. Mula ng nakaraang gabi hanggang sa mga sandaling iyon, nawala sa isipan niya ang tungkol dito. Pasimpleng tiningnan ni Maya ang tatay niya upang humingi ng saklolo na pakalmahin ang ina. Mabuti na lang at naintindihan ni Tatay Arturo ang ibig sabihin ng tingin ni Maya, lumapit ito sa higaan ng asawa at hinawakan ang kamay nito.

“Teresita, kalma.. marami pang oras na mapag-uusapan natin ang tungkol diyan. Sa ngayon isa lang ang ibig sabihin kung bakit narito si Maya, gusto ka niyang makita.”

“Nay, tama si tatay…huwag ka masyadong mag-isip ng kung anu-ano diyan. Gusto ko ang isipin mo muna ay magpagaling ka, okay?”

Halinhinang tinitigan ni Nanay Teresita si Maya at Tatay Arturo. Alam ni Maya na may pagdududa na ang kanyang ina sa magiging desisyon niya. Napansin nito na bahagyang nalungkot ang mga mata ng ina kaya nag-isip na si Maya ng paraan upang pansamantalang makalimutan ng ina ang tungkol dito.

“Nay, kumain ka na ba ng hapunan mo? Yung mga gamot mo nainom mo na?”

“Tapos na siyang kumain ng hapunan niya, pinainom ko na rin sa kanya yung gamot na dinala ng nurse niya kanina.” si Richard na ang sumagot kay Maya.

“Umm okay..salamat.” sagot din naman niya dito kahit di tumitingin sa lalaki.”Nay, gusto mo ba ako ang magbantay sa’yo ngayon?”

“Ikaw ang magbabantay sa nanay mo? Hindi na Maya, ako na para makapagpahinga ka ng maayos at galing ka sa byahe. Bukas ka na lang bumalik.Sumama ka na lang muna kay Richard..pwede ba yon Richard?” pakiusap ng ama nito sa lalaki. Ibinaling nito ang tingin kay Richard, hinintay ang pagsang-ayon sa kanyang pakiusap.

“Opo naman, Tay. Walang problema yon.”

“No..hindi na kailangan..salamat na lang.” kaagad na sagot ni Maya kay Richard. “Tay, sige na..dito na muna ako kay Nanay. Gusto ko ako  yung magbantay sa kanya… please, payagan mo na ako..”  pakiusap ni Maya kay Tatay Arturo, puno ng paglalambing ang tinig at lumabi  pa para lang payagan. Nang makita siya ng ama ay napakamot na lang ng ulo.

“Nakow! Paano pa ako makaktanggi niyan anak kung dinadaan mo ako sa pagpapa-cute?”

“So ibig sabihin tay, pinapayagan mo na ako?” nakangising tanong ni Maya sa ama.

“Oo na..sige na. Ikaw na muna dito, bukas ng maaga babalik ako dito tapos ipangako mo na ikaw naman ang magpapahinga, okay ba yon?”

Nagpakita ng dalawang thumbs-up sign si Maya at isang matamis na ngiti. Tuluyan ng walang magawa ang ama ni Maya at hinayaan na talaga si Maya na gawin ang gusto nito. Makaraan ang ilang minuto, pagkatapos ayusin ni Maya ang dadalhin ng ama pauwi sa kanilang bahay ay nagpaalam na ito sa kanila ng nanay niya.

“Nay.. mauna na po kami.” pagpapaalam ni Richard sa ina nito. Lumapit ito sa kama dahilan kaya tumayo si Maya mula sa pagkakaupo sa tabi ng ina at tumuloy sa restroom . Alam ni Richard na ginawa ni Maya ito upang umiwas sa kanya kaya hinayaan na lang ang dalaga. Pagkatapos magpaalam kay Nanay Teresita ay kumatok na lang ito sa pinto ng restroom upang magpaalam din kay Maya. “Maya mauna na kami ni Tatay Arturo, kung sakaling may kakailanganin kayo ni Nanay tawagan mo na lang si Tatay o kung di naman ay ako.” isang mahinang ‘oo‘ ang narinig ni Richard mula sa loob ng restroom pagkatapos ay umalis na sila ni Tatay Arturo.Saka pa nakahinga ng maluwag si Maya ng marinig ang pagsarado ng pinto, tanda na naka-alis na ang ama at si Richard. Agad naman siyang lumabas ng restroom at inasikaso na ang kanyang ina.

Matagal din ang inilaan nina Maya at Nanay Teresita sa kwentuhan bago pa tuluyang dinalaw ng antok ang ina nito at natulog.  Maya-maya ang pagpasok ng nurse upang i-monitor ang kalagayan ni Nanay Teresita kaya kahit pagod at kulang din siya sa tulog, di niya magawang makapagpahinga ng maayos. Marami siyang gustong itanong tungkol sa kalagayan ng ina pero ang tanging sinasabi ng nurse sa kanya ay hintayin na lang ang doktor kinabukasan upang mapaliwanag ito sa kanya ng mabuti.

Kinabukasan ay maagang bumalik si Tatay Arturo ng ospital. Nagdala ito ng pang-agahan ang ilang gamit ni Nanay Teresita.

“Maya, mabuti pa umuwi ka na muna sa bahay para makapagpahinga ka. Ang sabi ni Richard, antayin ka na lang daw niya doon sa baba.”

“Po? Bakit po?” nagulat si Maya sa narinig.

“Oh bakit parang gulat na gulat ka? Isasabay ka niya sa pag-uwi, ano ba ang nasa isip mo ha?”

“Hindi naman po tay..wala naman ..kaya lang..di ba nakakahiya, parang ginawa nating alalay yung tao. Kahapon siya yung nagbantay dito habang wala kayo tapos ngayon hinatid ka pa..baka naman sabihin nun inaabuso natin yung kabaitan niya!”

“Oo nga eh, pero alam mo naman yung batang yon mapilit. Sinabi ko na nga sa kanya na di ako magpapahatid ngayong umaga pero nagulat na lang ako ng paglabas ko ng bahay nag-aantay na pala dun sa labas. Biniro ko nga kung buong gabi ba itong nagbantay sa labas at napansin ko ang nangingitim na mga mata nito na parang di man lang naka-idlip kahit sandali.”

Baka di nakatulog kakaisip kung ano ang ipapaliwanag niya sa akin…at bakit naman magpapaliwanag pa? Wala ng dapat ipaliwanag pa Maya, di ba? …Tama.. Pakikipagtalastasan uli  ni Maya sa sarili.

” Eh paano yan tay, mamaya pa ako uuwi. Gusto ko pang makausap ang doktor ni Nanay.”

“Naku Maya ‘nak..pwede namang ako na lang ang kumausap nito tapos ako na yung magsasabi sa iyo kung ano yung sasabihin ni Dr. Molina. “

“Tay marami kasi akong gustong itanong sa doktor eh. “

“Paano naman si Richard, ‘nak? Kawawa naman yung tao walang kasama na umuwi, mahaba pa ang byahe, paano kung madisgrasya yon ..makatulog sa daan kasi walang kausap.”

“Tay, pinapakonsensya mo ba ako?”

“Hindi naman ..kaya lang..kasi di ba, walang tulog yung tao, nagmagandang loob na nga na ihatid ako at hintayin ka tapos iiwasan mo na naman..”

Namilog ang mata ni Maya ng marinig ang sinabi ng ama. Masyado ba akong obvious sa pag-iwas at nasabi niya yon? Tanong ni Maya sa sarili. “Sino bang maysabi na iniiwasan ko siya? Bakit ko naman siya iiwasan?” tanggi ni Maya kahit na nahuli na ng ama.

“Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin..basta ang gusto ko sumabay ka na kay Richard sa pag-uwi para makapagpahinga ka na. Tingnan mo nga yang mga mata mo oh, halatang kulang na kulang sa tulog. May paligsahan ba sa palakihan ng eye bags at paitiman ng mata ngayon at handang-handa kayong dalawa ni Richard?”

“Tatay naman eh!”

“Ah basta..Saka di ba nagkasundo tayo kagabi?”

“Oo nga naman Maya. Sundin mo na ang tatay mo, kundi di na ako papayag na magbantay ka sa akin dito. Huwag ka na mag-alala makakausap mo din si Dr. Molina at matatanong mo rin sa kanya kung ano mang yung gusto mong itanong. “

Wala ng magawa si Maya kundi ang sumunod sa mga magulang, di man siya sang-ayon sa ideya na sumabay kay Richard sa pag-uwi pero alam naman niya na di siya tatantanan ng dalawa kung magmatigas pa siya. “Okay fine..uuwi na ako.”

Pagkatapos mag-ayos ni Maya ay umalis na si Maya. Habang naglalakad palabas ng ospital ay naisip pa ni Maya na umuwi mag-isa at di sumabay kay Richard pero ng makita nito si Richard na naghihintay sa kanya sa may labasan ay alam na niyang wala na siyang kawala.

“Good morning.” sinalubong siya nito at kinuha ang kanyang bag at ilang gamit ni Nanay Teresita na bitbit niya sa pag-uwi. Di man lang niya magawang sumagot sa bati nito sa kanya at hinayaan lang niya itong tulungan siya. Pagkatapos na ilagay ni Richard sa may compartment sa likod ng sasakyan ang gamit niya ay binuksan nito ang pinto ng passenger seat upang papasukin siya

“No thanks, dito na ako sa likod.” nagmadali siyang pumasok sa back seat ng sasakyan at kumportableng umupo doon. Wala ng magawa si Richard kundi isara ulit ang binuksang  pinto.

“Maya..” tawag ni Richard sa kanya pagka-upo nito sa may driver’s seat. Tiningnan siya nito sa may rear view mirror ng sasakyan pero nadismaya lang ito ng makitang nagsuot ito ng maitim na shades at ikinabit ang earphones sa kanyang cellphone at pagkatapos ay inilagay ito sa kanyang tenga. Maliwanag pa sa sikat ng araw na wala itong intensyong makipag-usap sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Richard at binuhay ulit ang makina ng sasakyan.

May ilang minuto na rin ang nakalipas, kasalukuyang tinatahak ng sasakyan ni Richard ang daan pauwi ng pribadong subdibisyon kung saan naroroon ang kanilang mansyon, naisipan nitong magbakasakaling kausapin si Maya.

“Kumusta ka na? ” walang narinig si Richard na sagot mula kay Maya pero naisip parin nitong ituloy ang pakikipag-usap sa babae, baka sakaling sa pangungulit niya ay bumigay ito at kausapin na lang siya. ” Naikwento ni Nanay sa akin yung tungkol sa plano mong paluwasin sila sa Manila. Sa tingin mo sasama sila sa’yo? Alam mo, marami na din namang magagandang paaralan na pwede mong pasukan dito bakit di mo subukan muna dito sa atin..by the way, congrats nga pala ha. Sorry di man lang kita nabati kaagad nung graduation mo. Grabe ang swerte mo, nag-top ka pa talaga sa licensure exam ninyo. Ang galing mo talaga..”

Panaka-nakang tinitingnan ni Richard si Maya sa salamin pero wala itong nakiktiang reaksyon mula sa babae sa likuran niya. Di man ang ito nag-iba ng posisyon mula nung umupo ito doon, bahagya parin itong nakahrap sa bintana sa kanyang kaliwa tila binabalewala lang ang naririnig mula sa kanya. Para siyang nakikipag-usap sa bingi ng mga sandaling iyon.

We can’t go on like this forever Maya. Two years na ang nakalipas and yet di parin tayo magkakausap..di na pwede to.. It’s now or never..

Itinabi ni Richard ang sasakyan at pinatay ang makina. Pagkataps ay bumaba dito upang samahan si Maya sa likod. Nagmadali itong pumasok sa backseat at tumabi sa babae.

“Maya let’s talk. Alam ko galit ka, di kita pipigilan na maramdaman yon. Pero kailangan mo munang pakinggan ang paliwanag ko.” hinawakan ni Richard si Maya sa balikat at pinilit itong humarap sa kanya. “Maya ..”  tinanggal nito ang earphone sa tenga ni Maya upang makinig sa kanya pero wala parin itong imik.

Teka..tu- Dahan-dahang tinanggal ni Richard ang salamin ni Maya saka pa nito nadiskubreng tulog pala ito kaya di siya sinasagot habang kinakausap niya. Napatawa na lang si Richard. Di na ata kinaya ang pagod, kawawa naman.. . Umiiling habang tinititigan ang maamong mukha ni Maya na walang kamalay-malay na nakasandal na pala ito sa lalaking kinaiinisan niya. Dahil sa nangyari, nabigyan ng pakakataon si Richard na mahawakan si Maya.

Two years Maya…two years kung inantay ang pagkakataong ito. Alam ko magagalit ka sa oras na magising ka na pero sige lang, dalawang taon ko din naman tiniis ang galit mo sa akin .. kaya ko pa ..kakayanin ko pa, hanggang wala ka pang alam.

Inayos ni Richard ang pagkakaupo ni Maya. Nakasandal ang likod nito sa kanya habang nakayakap siya sa likod nito. Napangiti si Richard sa di inaasahang pagkakataong ibinigay sa kanya. Di na nagawang pigilan ang sarili at isang halik sa sentido ang ginawad sa babaeng mahal niya habang mahimbing na natutulog sa kasama niya.

© 2014 by nylcoen

Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

25 Comments (+add yours?)

  1. pekotalasa
    Apr 13, 2014 @ 19:29:08

    got it..thnxs

    Reply

  2. virgie
    Apr 10, 2014 @ 20:56:45

    Got excited, finally the chapter is here…been excited to find out the big why RL left Manila…are we going to find out the next chapter??? thanks for updates, hope the next one, wont take that long

    Reply

  3. jangmi
    Apr 10, 2014 @ 15:50:41

    thanks sa update pero d ko ma gets ano ba ngyari sa knila..e d b me feeling nman c maya ke richard and vise versa..bakit lumayo c richard kay maya kung mahal nya c maya ayan tuloy c bart ang cnagot..huhuhu..

    Reply

  4. cjpatchi
    Apr 10, 2014 @ 15:24:14

    anong pong meron? hala. hahahaha exciting =) next chapter po =)

    Reply

  5. xin22
    Apr 10, 2014 @ 13:50:22

    Ano kaya ang dahilan ni Ricky sa paglayo kay Maya. Sana naman may katuturan yun kundi isasako ko sya.

    Next chap na pls bago pa yung writer ang isako ko haha

    Reply

  6. rocsan888
    Apr 10, 2014 @ 07:27:13

    umalis sya para makatapos si mayabelles, baka di makapagpigil sa gigil hahaha. salamat at me update na, sana maka update again . thanks con!

    Reply

  7. teamSIMON
    Apr 10, 2014 @ 07:25:38

    yey!! thank you ms con🙂 excited na ko malaman bakit umalis si richard.. hehehehe:) miss u miss con🙂

    Reply

  8. ariesgirl
    Apr 10, 2014 @ 06:56:45

    Ms Nylcoen, sana mas mabilis ang update mo sa next chapter. What happened to Richard? Why did he leave Maya in the first place. Mahal naman pala niya si Maya then why?

    Reply

  9. aries
    Apr 10, 2014 @ 06:08:18

    What made Richard decide to leave Maya in the air two years agp.. Kaabang-abang yan Ms. Nylcoen…

    Thanks for for the update..

    Reply

  10. rbbtotoy
    Apr 10, 2014 @ 03:46:42

    Ms con na intrigue ako kay Richard. Next chapter please. Thanks

    Reply

  11. Alpha
    Apr 10, 2014 @ 02:42:06

    yay! thank you sa update Ms.Con. Buti naman ayos na ang koneksyon mo. hehe. Ano ang ang mga kaganapan sa buhay mo Richard? Bakit ka nga ba umalis? Sana naman nakatulong sa inyo ni Maya ang desisyon mong lumisan two years ago.

    Reply

  12. jan1000
    Apr 10, 2014 @ 02:08:20

    What’s your plan Richard, bakit lumayo ka kay Maya 2yrs ago?.. Naku, sana may development while Maya is in SN..
    Next chapter na pls, thanks!

    Reply

  13. Crunch
    Apr 10, 2014 @ 01:38:14

    waaaahhh!!!! Richard Ano ba talagang nangyari?? 2 years?! Seriously? nagtiis ka nang dalawang taon.. Naku Richard! Ang sakit sa dibdib nun ah! Sakit sa puso! Thanks for this po! Next na po please..😀

    Reply

  14. Maridon D. Belen
    Apr 10, 2014 @ 01:18:55

    double treat please … ang bigat sa kalooban…sana next please na..

    Reply

  15. adiktusbecarefulus
    Apr 10, 2014 @ 00:53:13

    Diyos ko po naman ang tagal ng two years sana maging masaya na sila 😞 ang sakit sa dibdib ng dinadala ni Richard ha! Magtiis talaga? Thanks for the update next chapter na ba sis? Hehe double treat 😊

    Reply

  16. floe
    Apr 10, 2014 @ 00:51:33

    Ay naku richard ano ba tlaga ang nangyari??? si ms. con lang tlaga ang mkasagot sa tanong natin tnx kahit 12:35 am na lumabas ang update…

    Reply

  17. matez1121
    Apr 10, 2014 @ 00:37:08

    thanks tgal kong hinintay ito!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: