Just in Time 16

     Gumalaw si Maya mula sa kanyang  mahimbing na pagkakatulog ng maramdamang mainit ang kanyang likod at may kung anong bagay ang nakapulupot sa kanyang bewang. Nang magbalik na ang kanyang katinuan at naalala na kanina lang ay magkasama silang dalawa ni Richard sa sasakyan kaagad naimulat ni Maya ang kanyang mga mata at nakita na ang nakapulupot pala sa kanya ay ang kamay ni Richard. Nalaman niyang nakasandal pala siya sa lalaki at kasalukuyan itong nakatulog. Madalian niyang iwinaksi ang kamay ni Richard at  lumayo dito kaya nagising ito na gulat na gulat kung ano ang nangyari kay Maya. Nakita niya itong sa kabilang bahagi ng upuan, masama ang tingin sa kanya na tila handa siyang kainin ng buhay.

“Anong nangyari?” sigaw ni Maya ka Richard. Di malaman ng lalaki kung matatawa o maaawa sa naging reaksyon ni Maya. Bahagya siyang lumapit pero sumigaw lang ulit ito. “Anong ginawa mo sa akin?!” galit na galit na ito at pinandilatan siya.

“Wala!…Wala akong ginawa. Bakit, gusto mo bang may gawin ako sa’yo?” biro nito sa babae upang kahit papaano ay kumalma.

“Aaaaaaaa! Papatayin kita Richard Lim! Lumayo ka sa akin! “

“Maya, calm down! Baka may dumaan dito akalain pa may ginagawa ako sa’yo.” sinubukan niya itong abutin pero umilag si Maya.

“Huwag mo akong hawakan!” banta ni Maya sa kanya habang tinatakpan ang kanyang harapan at iniilag ang kanyang katawan upang hindi niya mahawakan. Nang makita ito ni Richard ay di na nakapagpigil at tumawa na ng tumawa.

“Maya, ano ka ba..please calm down..swear, wala pa akong ginawa sa’yo!”

Wala pa akong ginawa sa’yo? So may balak ka talagang gagawin sa akin? Ito kaagad ang natanong ni Maya sa sarili kaya di rin nito napigilan ng biglang masampal si Richard.

“Aww! Bakit mo ako sinampal?” sapo ni Richard ang kanyang kanang pisngi na nadampian ng malakas na sampal ni Maya. Nagulat ito kaya nawala ang ngiti sa mga labi na kani-kanina lang ay naroon.

“At hindi lang yan ang aabutin mo kung itutuloy mo ang balak mo sa akin!”

“For Pete’s sake Maya!” muling tumawa si Richard kahit iniinda parin ang  sakit ng kanyang pisngi. “Alam mo kung ano ang balak ko sa’yo? This!” di na nagpasindak pa si Richard at tuluyang ng nilapitan ang babae na kasalukuyang sumisigaw habang panay parin ang pagtatakip sa kanyang harapan at iniiwas ang kanyang ulo. Ipinikit pa nito ang kanyang mga mata at takot na takot sa kanya.

Naramdaman ni Maya ang paghawak ni Richard sa kanyang  magkabilang ulo at pilit siyang pinapaharap dito. Di maiwasang mas lalo siya sumigaw sa takot kung ano ang susunod na gagawin ni Richard sa kanya pero tanging pagtawag lang sa pangalan niya ang ginawa nito.

“Look at me Maya, open  your eyes..Maya..hey..” isang mahinang yugyog ang ginawa ni Richard sa kanya habang hawak ng mahigpit ang kanyang ulo. Dahil dito napilitan si Maya na huminto sa pagpupumiglas at idilat ang mga mata upang tingnan si Richard. “Ito lang yung gusto kong gawin sa’yo Maya, ang pilitin kang pakinggan ako..please.”

Nakita ni Maya sa mga mata ni Richard na seryoso ito. Nang unti-unti ng kumalma si Maya ay dahan-dahan na ring niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanyang ulo hanggang sa tuluyan na itong bitiwan at inilipat sa mga kamay ni Maya ang pagkakahawak dito.

“Unang-una gusto kong magsorry..ulit..” isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Maya kaya nagbaba ng tingin si Richard, nahihiya man ito pero alam niyang yon ang dapat niyang gawin. ” Sorry kasi kinailangan kitang iwan. Hindi dapat yon nangyari pero dahil sa katangahan ko..dahil sa pagseselos ko ..iniwan kita ng di nagpaalam.”

Napakunot ang noo ni Maya ng marinig iyon. Di lubos maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Richard. Napatitig na lang ito sa lalaki sa kanyang harapan.

“I saw you that night..with Bart. I saw you hugged him and misinterpreted it. I’m sorry…I saw the box and read your letter but it was too late, naka-uwi na ako ng San Nicholas. First the only reason for coming here is to stay away from you kasi akala ko kay na ni Bart..before I knew it, di na ako pwedeng bumalik pa. I was so dumb kung bakit di ko man lang naisip buksan yung box habang di pa ako naka-alis ng airport to think na dala-dala ko ito on my way here.” ilang sandaling huminto sa pagsasalita si Richard upang bigyan ang sarili ng konting panahon para kumalma at bigyan ng pagkakataon si Maya na ihanda ang sarili. “Si Papa..on that day na dapat pabalik na ako ng Manila after I read your letter, nagkasakit si Papa so I needed to take care of the business..”

Napalunok si Maya ng marinig iyon. Sinusubukang pigilin huwag dumaloy ang mga luha na nagsisimula ng mamuo sa kanyang mga mata. “Ba-kit di mo sinabi sa akin..di mo ba naintindihan yung sulat ko sa’yo? “

“I do.. pero — I have to stop myself..”

“Bakit?”  Tinitigan ni  Maya si Richard pero nagbaba ito ng tingin. “Bakit, Chard? Tell me..”

“I’m sorry.. kahit gustong-gusto kong tawagan ka alam ko pag ginawa ko yon di ko na mapipigilan ang sarili ko at di ko na magagawa ang isang bagay na hiniling nila sa akin.”

“Ang ano? Sino?”

“Our parents”

“Ano?” mas lalong naguluhan si Maya sa kanyang nalaman. Di maintindihan kung bakit ginawa ng mga ito ang isang bagay na sa pagkaka-alam niya ay gusto din ng mga ito. No! Di ba sabi pa ni tatay na kung meron man akong maging boyfriend ang gusto niya ikaw yon?Bakit..

“Please huwag kang magalit sa kanila, di naman nila talaga ako pinilit. Pagkatapos naming mag-usap naintindihan ko naman side nila kaya nagdesisyon akong pansamantalang putulin ang komunikasyon ko sa’yo. That time, ironically.. kung kailan handa ka na..handa na tayo, hindi pa ang tamang panahon. “

“So you chose to hurt me instead? Sa tingin mo yon ang dapat?”

“Patas lang tayo ng nararamdaman Maya. For two years ang tanging pinanghahawakan ko ay kung ano ang nakasulat sa papel na iyon kahit alam kong dahil sa ginawa kong pag-alis di na garantisadong ito parin ang mararamdaman mo sa muli nating pagkikita.”

“You underestimated me Richard. Isang tawag lang..isang beses lang sana, kinausap mo ako..tinawagan mo ako para sabihin kung ano ang nangyayari dito..”

“No, di kita ina-underestimate Maya..kaya di ko ipinaalam sa iyo kasi kilala kita. When it comes to your love ones, kaya mong itigil at iwan ang lahat. I don’t want you to do that..alam ko kung nalaman mong nagkasakit si Papa at kinailangan kong manatili na dito sa San Nicholas, alam ko iiwan mo ang Manila just to be with me..di ba?”

Tama..kasi mahal kita. Gustong isigaw iyon ni Maya kay Richard pero nawalan siya ng lakas ng loob pero gawin iyon.

“Sa loob ng dalawang taon na hindi ka umuwi… sa bawat holidays at school break na dumadating, umasa akong uuwi ka baka sakaling magkausap na tayo pero di ka dumating. Ang tanging bagay na nagpatatag sa akin sa paghihintay ko sa’yo ay ang malaman na wala kang binabanggit kay Nanay Teresita na may mahal ka ng iba. At di mo nabanggit sa kanya ang tungkol sa nangyari sa atin..alam ko di pa ako tuluyang nawala sa’yo..na di ka pa nakapag move-on “

“Ang lakas naman ata ng kumpyansa mo sa sarili, Chard..”

“No..it’s just that I know you Maya. ” Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Maya .

“Richard, sinagot ko na si Bart.”

“Kailan?”

“May ilang linggo na rin..”

“Di naman nawala sa isip ko na mangyayari yan, pero alam nating dalawa na mahigit dalawang taon na ang nakalipas ng sinagot mo ako…right Maya?”

“How could that be  when–“

“Ang sabi mo noon I have loved you yesterday, I love you today, and will continue to love you tomorrow … bakit Maya, ang bukas ba sinasabi mo sa sulat na iyon nagtapos noong araw na iniwan kita? Hanggang doon lang ba ang bukas na kayang ibigay at hawakan ng puso mo Maya?”

Tinitigan ng maigi ni Richard si Maya sa kanyang mga mata. Gusto nitong malaman kung magsasabi ba ito ng totoo sa kanya o pagtatakpan ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng isang kasinungalianga. Mahigit dalawang taon man silang di nagkita, alam ni Richard sa kaloob-looban niya kilala parin niya ang buong pagkatao ni Maya. Ito parin ang dating Maya na kilala niya, ang Maya na di kailanman huminto sa pagmamahal sa kanya kahit ilang ulit niyang sinaktan noon.

“Sagutin mo ako Maya..gusto kong malaman.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

© in 2014 by nylcoen
Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

21 Comments (+add yours?)

  1. lizamartinez
    Apr 13, 2014 @ 21:14:59

    I thought i read a chapter 17 early this morning. Was i dreaming? Haha! Looking forward. But wait, tama ba ang intindi ko? Yung “hiling” ng parents nila kay Richard is to not tell Maya that Don Roberto got sick? Kasi she will drop everything and go back to SN? And they don’t like that. Tama ba ako?

    Reply

  2. adiktusbecarefulus
    Apr 13, 2014 @ 14:16:53

    Ah! Ok kaya pala hehe cge lang sis kaya ko pang maghintay ng ilang oras hehe Thank you for the info. Happy Sunday 😊

    Reply

  3. nylcoen
    Apr 13, 2014 @ 01:38:41

    In case you guys are wondering..di pa po tapos yung 17. Sa sobrang antok di ko namalayan na-publish ko na pala siya imbes na draft pa lang ..good thing i decided to check the email at na kita ko ang comments sa part 17 kaya nabalikan ko kaagad.

    Sorry poo…

    Reply

  4. Crunch
    Apr 11, 2014 @ 23:20:08

    Waaaaahhhh!!!! Nakaka-bitin!! MAya! SAGOT! dali! Naku! Richard Court her again.. Alam ko sa sarili ko na , hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ni Maya kay Richard.. Thanks for this po!Next na po please..😀

    Reply

  5. aries
    Apr 11, 2014 @ 22:02:04

    Hay…. Richard, court her again ….

    Reply

  6. cjpatchi
    Apr 11, 2014 @ 11:38:19

    https://www.youtube.com/watch?v=ovs-pcnIwDA bagay po sa story hahahaha tnx po s update =)

    Reply

  7. arlyn011087
    Apr 11, 2014 @ 08:38:45

    Sabi nila, ang tunay na love daw kayang maghintay sa taong minamahal no matter how long he/she will wait daw, kayang magtiis at magsakripisyo for the happiness of his/her loved one, pero sabi din nila, gaano man kalalim at katotoo yung pagmamahal mo, gaano man katatag ang lugar ng pagmamahal na yan sa puso ng isang tao, marunong din itong mapagod at sumuko lalo na at alam at ramdam nito na walang kapupuntahan ang lahat ng pagsasakripisyo at pagmamahal nito. nasasaktan din ito at masusugatan din kaya kailangang alagaan, mahalin at pagtuunan ng pansin dahil kung hindi baka tuluyan itong madurog at di na kayaning magmahal muli. Thanks Ms Con sa update🙂

    next chapter na po please🙂

    Reply

  8. martinthebest
    Apr 11, 2014 @ 08:13:08

    …at naiyak naman ako sa pangyayaring ito…😦😦😦

    …tagos sa buto…😦😦😦

    …ang chakit!!!😦😦

    Reply

  9. ladyflorblog
    Apr 11, 2014 @ 06:49:42

    Halal end of chapter 16 na? Waaaaaah… Sana po May update ulit mamaya.🙂

    Reply

  10. ariesgirl
    Apr 11, 2014 @ 06:49:30

    Sana mkakipagbreak si Maya kay Bart. Tutal, one week pa lang naman niya itong boyfriend. Hindi pa masyadong malalim ang kanilang relationship. She can always go back to San Nicholas anyway and Richard

    Reply

  11. chuwie966
    Apr 11, 2014 @ 06:31:48

    Waahhhh !!!! BITIN ……..Maya SAGOT !!! Naku sana eh marealized na rin ni Mayabels na mahal na mahal pa rin niya ang Ricky!!!! Next chapter na please ….Ms Con sana next chapter eh makabawi naman tayo sa sakit ng dibdib namin kawawa na ang Ricky ….2yrs hofully is enough para sa kanilang dalawa to finally admit their love for each other …..

    Reply

  12. enfumiao30
    Apr 11, 2014 @ 05:36:09

    bitin-ness😀

    Reply

  13. Arwen
    Apr 11, 2014 @ 05:33:07

    mwahhhh! Thank you for updating🙂 ……

    Reply

  14. uenicego
    Apr 11, 2014 @ 04:39:26

    Maya sagot na dali!! Excited lang haha.. Chard ilang beses muna nasaktan si Maya dahil sa pagka seloso mo ha. Bawi-bawi din pag may time.. Maya wagka muna bibitiw kay Richard ha, mahal ka nyan. Si Ms Con bahala sa kilig moments mo after nyo ma settle lahat, dba Ms Con?

    Reply

  15. rbbtotoy
    Apr 11, 2014 @ 04:31:41

    Ahhhhhh! Ms con cliffhanger next please grabe andon na eh. Ano ang sagot? Please please ms con wag cuaresma ang next chapter lahat nang ff ngayon very sad ang paligid.

    Reply

  16. jeoranjeni
    Apr 11, 2014 @ 04:07:39

    Waaaaah! Ako din, gusto kong malaman ang sagot Maya!
    Ahahah! next next next! heheh =P… lol… i mean, no pressure =D

    Reply

  17. eden1214
    Apr 11, 2014 @ 02:53:10

    Finally… Nakapag usap na sila.. Ano mga kaya ang sagot ni Maya.. Two years ang pinag dusa ng dalawang ito.. Sana naman lifetime of happiness na ang kapalit..

    Reply

  18. Alpha
    Apr 11, 2014 @ 02:53:09

    Ang puso ay napapagod din sa paghihintay…lalo’t kapag ito’y napagsarhan na ng pag-asa mula sa isang pusong akala nito’y mahalaga sya.

    Reply

  19. Alpha
    Apr 11, 2014 @ 02:43:02

    Sayang ang dalawang taon nila na magkahiwalay😥 tapos committed na si Maya. Thanks ms.Con

    Reply

  20. jennylovesyou
    Apr 11, 2014 @ 01:40:17

    Ano kaya ang magiging kasagutan ni Maya?

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: