Just in Time 17

    “Ang sabi mo noon I have loved you yesterday, I love you today, and will continue to love you tomorrow … bakit Maya, ang bukas ba sinasabi mo sa sulat na iyon nagtapos noong araw na iniwan kita? Hanggang doon lang ba ang bukas na kayang ibigay at hawakan ng puso mo Maya?”

Tinitigan ng maigi ni Richard si Maya sa kanyang mga mata. Gusto nitong malaman kung magsasabi ba ito ng totoo sa kanya o pagtatakpan ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Mahigit dalawang taon man silang di nagkita, alam ni Richard sa kaloob-looban niya kilala parin niya ang buong pagkatao ni Maya. Ito parin ang dating Maya na kilala niya, ang Maya na di kailanman huminto sa pagmamahal sa kanya kahit ilang ulit niyang sinaktan noon.

“Sagutin mo ako Maya..gusto kong malaman.”

“Ilang ulit mo ng sinukat ang pagmamahal ko sa’yo Chard..ilang beses kong napatunayan noon na meron kang puwang sa puso ko sapat na yon para sagutin ang ang tanong mo sa akin.. pero anong silbi ng lugar mo sa puso ko kung paulit-ulit  lang akong nasasaktan at lagi mo lang itong iniiwan? May ibang taong gustong umangkin ng lugar na ibinigay ko sa’yo Chard, bakit ko ipagkakait sa sarili ko ang mahalin din ng ibang tao …bakit ko ipagkakait sa kanya ang lugar ng iyon sa puso ko Chard?”

“Because I own that place Maya! I don’t care about Bart and what you have with him back in Manila. You are here with me now and that’s what it matters to me. ” diretsong saad ni Richard kay Maya.

“Baliw ka ba? Di mo ba naiintindihan yung sinabi ko kanina? Ang sabi ko sinagot ko na si Bart, boyfriend ko na siya!” bahagyang napalakas ang boses ni Maya habang sinasabi ito, iritado na sa takbo ng usapan.

“Sabi ko din wala akong pakialam kay Bart. Boyfriend mo din ako .. for two years Maya.” sagot naman ni Richard na nananatiling kalmado ang boses.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Maya pagkatapos ay napakagat-labi na lang habang nakatitig kay Richard. Kinokontrol ang sarili na huwag magwala at alam naman niyang kahit anong gawin at sabihin niya di siya mananalo kay Richard. Kapag naiisip niya ang usaping relasyon niya sa lalaki, di niya maipagkakaila na sinagot nga niya ito sa pamamagitan ng sulat na iyon noon.  At dahil sa sulat na niya gusto niyang kalbuhin ang kanyang ulo sa mga sandaling iyon. Sinisi ang sarili kung bakit nagpadalos-dalos sa desisyon noon.

Gaga ka talaga Maya Dela Rosa!..Nakakainis ka!!

“Look Maya, I have given you the reasons why I left a couple of years ago..all I’m asking now is let’s make it work this time since andito ka na… di naman mahirap gawin yon di ba?”

“With you as my partner? Definitely mahirap!”

“Just ..just trust me..” mas hinigpitan pa ni Richard ang pagkakawak niya kay Maya, tila ipinapadama nito sa kanya na magiging maayos ang lahat sa kanila sa pagkakataong ito.

Trust you? Isang mahinang tawa na lang ang ginawa ni Maya kasabay ang buntong hininga at ang pagtingin nito sa kabilang direksyon upang iparamdam din kay Richard na wala na siyang tiwala dito.

” Umuwi na tayo Chard, kailangan ko pang bumalik mamaya sa ospital para pumalit kay tatay.”

Pagkaraan ng ilang sandali at di na muling nagsalita pa si Maya at nanatili itong iniiwasan ang titig niya ay wala ng nagawa pa si Richard kundi  bumaba na at lumipat sa driver’s seat upang sundin ang pakiusap ng dalaga na iuuwi na siya. Habang nagmamaneho ay ilang ulit niya itong sinulyapan sa salamin at napansing tila malalim ang iniisip habang nakatitig sa labas ng bintana nito. Hinayaan na lamang siya ni Richard. Pagkatapos ng nangyari kanina at sa mga nalaman nito, alam ni Richard na di madali para kay Maya ang lahat.

Ilang minuto ang nakalipas ay papasok na ang sasakyan nina Richard sa gate ng kanilang mansyon. Pagkahinto niya ng sasakyan ay nakita niyang lumabas kaagad si Maya ng sasakyan, nahulaan na siguro ni Maya na pagbubuksan siya ng pinto ni Richard kaya inunahan na ang binata. Paglabas ni Richard ng sasakyan niya at nakatayo na si Maya sa likod ng kotse upang kunin ang mga gamit niya kaya di na nagpatumpik-tumpik si Richard at binuksan kaagad ang compartment at siya na ang kumuha ng mga gamit ni Maya.

“Ako na .. mauna ka ng maglakad.”

“Ako na..kaya ko naman to eh.” pagpupumilit ni Maya habang hawak-hawak na ang handle ng kanyang bag.

“Maya, pati ba naman ito pag-aawaya pa natin? Sige na, mauna ka..”

Handa na sanang makipagtalo pa ni Maya pero ng makitang magkasalubong na ang kilay ni Richard ay hinayaan na lang ang lalaki sa gusto nitong gawin at nauna ng maglakad patungo sa likod ng mansyon kung nasaan ang maliit na bahay nina Maya. Habang naglalakad ay di maiwasan ni Maya na mapatingin sa mansyon, nagbabakasakaling makita niya si Doña Esmeralda at ang asawa nito. Napamahal na sa kanya ang dalawa kaya di maiwasang hanapin din niya ang mag-asawa.

“Habang di ka pa nakita ni Mama ngayon, magpahinga ka na muna. I know mamaya pag nakita ka na nun di ka tatantanan sa kakulitan niya.”

Nagulat si Maya ng marinig ang boses ni Richard na nasa likuran na pala niya. Dala-dala ang kanyang mga gamit at ang isang malaking plastik na may laman ng ilang gamit galing sa ospital na pinadala ng kanyang tatay niya kanina. Kaagad ng naglakad si Maya ng mabilis patungo sa bahay nila. Binuksan niya ang pinto ng bahay nila gamit ang susi na binigay sa kanya ng kanyang tatay  saka binalingan si Richard upang kunin ang mga gamit na dala ng binata pero mapilit parin ito at gustong siya na ang magpasok ng mga gamit sa loob.

Di pa tayo ayos pero kinokontrol mo na ako ..ang kulit!  Ito ang pumasok sa isip ni Maya ng matalo na naman siya kay Richard. Napasimangot na lang ito habang sinusundan ang lalaki na ngayon ay pumasok na sa loob ng bahay nila. Maayos na inilapag ni Richard ang dalang plastik sa isang maliit na mesa sa may sala habang ang stroller bag naman ay kinuha na ni Maya at ipinasok na sa kwarto nito.

” Salamat sa paghatid at sa pagbitbit ng mga gamit…” kaagad na nagpasalamat si Maya ng binalikan na niya si Richard sa may sala.

“Okay lang yon, huwag mo ng isipin..okay ka lang ba dito?”

“Oo naman, bahay namin to bakit di ako magiging okay..”

“Anong oras ka pupunta ng ospital mamaya?”

“Bahala na..basta..” iniwasan ni Maya na magbanggit ng oras at alam na niya kung ano ang kasunod na sasabihin ni Richard. Magpipilit na naman itong ihatid siya.

“I’ll pick you around 6 p.m. Huwag kang umalis hanggat di wala pa ako. At huwag mo ng subukan na umalis ng maaga at di ka paaalisin ng mga guard.”

Sabi ko na nga ba!

“Oo na..sige na..” kaagad niyang sagot, umiwas na ito na makipagtalo pa kay Richard.

“Good..meanwhile, aalis na muna ang boyfriend mo at magtra-trabaho na muna para sa may magandang kinabukasan akong maibigay sa’yo. Take care while I’m away, okay? Magpahinga ka na.”

Di na nagawang umiwas pa ni Maya sa lalaki ng bigla na lang itong humakbang palapit sa kanya at dinampian siya ng halik nito sa gilid malapit sa kanyang labi  at pagkatapos ay niyakap pa siya nito. Sa sobrang gulat ni Maya sa ginawa ni Richard ay nakatayo lang ito na parang nawala sa sarili.

“Love you..bye, see you later. ” bahagyang pinisil muna ni Richard ang kanyang ilong bago ito tumalikod at naglakad na palabas ng bahay nina Maya. Sa sobrang gulat niya di man lang nito nakuhang magsalita kay Richard habang paalis na ito ng bahay nila. Makaraan ang ilang sandali ng mahimasmasan na ay di na maiwasan ni Maya na di mainis sa kanyang sarili.

Tama ba namang mapatunganga ka sa isang dampi ng halik lang Maya? ..First kiss mo? First kiss? Shete! Sa gilid lang ng lips yon hindi sa lips..yung kay Bart nga sa lips di ka naman napatunganga.. Umayos ka Maya, iuntog mo ang sarili mong ulo sa pader at alalahaning mas masakit pa dun ang ginawa ni Richard sa’yo noon. .. Hayy, I hate you Richard Lim! I hate you!

 

Matapos iwanan ni Richard si Maya ay naging abala na si Maya sa gawaing bahay. Nagdesisyon itong maglinis muna bago magpahinga nang mapansin niya ang iilang kalat sa loob ng bahay. May iilang labahin din siyang nakikita pero naisip niyang sa susunod na araw na lang ito gagawin at konti na lang ang oras na natitira sa kanya bago bumalik ng ospital. Sa sobrang kulang sa tulog batid ni Maya na mas kinailangan niya ng pahinga kaya gusto na rin niyang pagbigyan ang sarili na matulog kahit ng ilang sandali.

Maagang bumalik si Richard para sunduin siya. Nang makita niya ito ay kapansin-pansin ang pagod sa mukha ng lalaki,

“Mukhang kailangan mo ng pahinga, pwede namang ako na lang ang pupunta ng ospital. May masasakyan pa naman siguro ako diyan sa may labasan ng mga ganitong oras di ba?”

“No way, masyadong delikado yang naiisip mo. Kaya ko pa naman eh, huwag ka mag-alala. Salamat sa concern.” nakangisi pa si Richard pagkatapos sabihin ito, alam ni Maya kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon kaya di napigilan ang sarili at tinaasan ng kilay ang lalaki.

“Excuse me, di ako concern. Marunong lang akong mahiya..” Di gaya ng ibang taong kakilala ko… Gusto sana niyang idagdag pero nagbago ang isip at ayaw niyang magtalo  na naman silang dalawa.

“Yeah right..ayaw pa umamin, alam ko namang nag-aalala ka sa akin.”

Nang marinig ni Maya ang kanyang panunudyo ay sinimangutan niya lang ito at di na pinatulan pa upang di siya lalong inisin ng lalaki.  “Bahala ka na nga..” naunang lumabas ng bahay si Maya bitbit ang isang malaking tupperware  na may lamang pagkain na dadalhin nito sa ospital. Sumunod naman si Richard sa kanya sa labas at kaagad na kinuha sa mga kamay nito ang dala-dala upang maisarado na niya ang kanilang pinto.

Ilang minuto ang nakaraan ay binabaybay na nila ang daan patungong bayan . Di tulad kanina, magkatabi na sina Maya at Richard. Napakunot na lang ng noo si Maya ng marinig nitong pasipol-sipol si Richard habang nagmamaneho. Deep inside alam ni Maya na masaya ang lalaki dahil di niya masyadong pinahirapan si Richard at di siya nakikipagtalo nito di kagaya kaninang umaga.

Ang kumag na ito..baka akala niya maayos na kami..

“Richard, bago ang lahat..magkalinawan na tayo habang maaga pa. Kalimutan mo na yung sulat ko sa’yo noon.” kahit parang naging walang-puso ang dating niya ng sabihin ito, ginawa parin ito ni Maya upang magiging malinaw ang lahat sa kanila ni Richard.

“Di ako payag sa gusto mo .. In starting a relationship, its a mutual decision Maya.. in parting ways, dapat ganun din. Dalawa tayong bumuo,dapat dalawa din tayong tatapos nito. Ginusto mo mang bumitaw na, ako hindi pa kaya di pa tayo tapos.”

“Richard..”

“Quit it Maya… di pa ako bumibitaw..end of discussion.” nakita ni Maya ang pagtiim ng bagang ni Richard habang nakapako sa daan ang kanyang mga tingin. Sa anyo niyang iyon, alam ni Maya na kahit anong gawin niya di niya makukumbinsi ang lalaki ang gusto niya.

Nanahimik na si Maya matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa gusto niyang pakikipaghiwalay. Sa mga sandaling iyon, ang tanging naglalaro sa loob ng isipan ni Maya ay si Bart. Mula ng dumating siya kagabi ay di pa niya ito nakakausap. Di niya alam kung bakit pero naramdaman niyang pabor sa kanya ang pangyayaring iyon kahit alam naman niyang maaring nag-aalala o nagtatampo na sa kanya si Bart. Naguguluhan parin siya kung paano niya sasabihin sa lalaki ang tungkol sa pagkikita nila ni Richard kasi sigurado kasi  siyang magtatanong ito sa kanya.

Nang marating na nila ang ospital ay naghanap ng bakanteng parking space si Richard. Buong akala ni Maya ay ihahatid lang siya nito at uuwi na kaagad pero nagkamali siya. Magkasabay silang naglakad papasok ng building, bitbit ni Richard ang gamit ni Maya sa iisang kamay, laking gulat ni Maya ng maramdamang hinahawakan ni Richard ang kanyang kamay.

‘What? Masama bang makipag-holding hands sa girlfriend ko?” sambit ni Richard ng balingan niya ito ng masamang tingin.

“Ano ka ba Chard, baka makita tayo nina Tatay ! Di ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?” sinusubukan ni Maya na huwag tumaas ang boses niya para di malaman ng mga taong nakakasalubong nila na nag-aaway na naman silang dalawa. Nagsimula na ring mamula ang kanyang mukha at pinagpawisan dahil sa ginawang yon ni Richard.

“Hindi ako natatakot makita ni Tatay at di ako nahihiya makita ng ibang tao na hinahawakan ang kamay mo..ang mas nakakahiya yung mag-aaway tayong dalawa dito dahil lang hinawakan ko yung kamay mo  kaya tara na bago ka pa mapansin ng mga tao dito na nanggagalaiti ka na sa galit dahil sa simpleng hawak lang nga kamay.” hinigpitan pa ni Richard ang paghawak sa kamay niya at hinila na siya para maglakad ulit. Habang papalapit silang dalawa sa kwarto ni Nanay Teresita ay lalong kinabahan si Maya ng maramdaman niyang walang planong bitiwan ni Richard ang kamay niya. Sinubukan niyang hilahin ang kamay pero di niya kaya ang lakas ni Richard.

“Open the door..” utos ni Richard sa kanya ng huminto na sila sa tapat ng pintuan ng kwarto ni nanay. Atubili si Maya na sundin si Richard at gusto niyang ito na ang magbukas ng pinto para mabitawan yung kamay niyang hawak ng lalaki. “Ikaw na, wala akong planong ibaba sa sahig o ibigay sa’yo tong tupperware..mas lalong wla akong planong bitawan tong kamay mo.”

Shittt Richard Lim! Wala ka talagang alam kundi pahirapan ako! Ito ang laman ng isip ni Maya. Matapos ang ilang sandali ay dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at binusan ang pinto. Dahil nahihiya siyang makita silang dalawa ni Richard na magkahawak ang kamay ay di siya nagpatiunang pumasok sa loob. Hinayaan niya si Richard na ang mauna kaya ng makapasok na ang lalaki ay hila-hila na siya nito. Di siya makatingin ng diretso sa kanyang mga magulang at alam niyang magtatanong ang dalawa sa kanya kapag makita na sila ni Richard.

“Oh, andito na–” naputol ang sasabihin sana ng ama ng mapansin ang kamay ng dalawa. ” Ayos na kayo? ” tanong ni Tatay Arturo na nakangiti sa kanilang dalawa na tila masaya sa kanyang nakikita. Di maiwasan ni Maya na magtaka sa sinabi ng ama. Pakiwari ni Maya ay may nalalaman ito sa nangyayari sa kanila ni Richard.

“Kayo na ulit ni Richard, ‘nak?” si Nanay Teresita naman  ang nagtanong sa kanya. Kagaya ng ama ay nakangiti din ito sa kanila.

“Teka..huwag ‘nyong sabihin…Nay? Tay?”

Napakunot ang noo ng dalawa at nagkatinginan muna bago napako ang tingin ng dalawa kay Richard. Pakiramdam ni Maya ay may kung naong itinatanong ang dalawa sa lalaking katabi.

“May tinatago ba kayong tatlo sa akin?” tanong ni Maya sa kanila.

“Nakapag-usap na kaming dalawa.. kahit papaano.” narinig ni Maya na sagot ni Richard sa mga magulang, nang muli itong tumahimik ay  nagtaas ng tingin si Maya at nahuli niya si Richard na bahagyang umiling habang titig na titig kina Tatay Arturo at Nanay Teresita. Di niya maintindihan kung bakit ginawa ito ng lalaki.

Sabi ko na nga ba…ibang klase ka Chard..pati mga magulang ko nakuha ng maglihim sa akin dahil sa ‘yo?

Sinusubukan ni Maya na kontrolin ang sarili. May konting tampo man siya sa mga magulang dahil pakiramdam niya may nililihim ito sa kanya ayaw naman niyang maging dahilan na sasama ang kundisyon ng kanyang ina kung aawayin niya ang mga ito. Ang tanging magagawa niya sa mga sandaling iyon ay magpasensya at palampasin na lang muna nag lahat. Alam naman niyang walang lihim na di mabubunyag.

 

 

 

 

 

 

 

© in 2014 by nylcoen
Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

15 Comments (+add yours?)

  1. raxmyworld
    Apr 23, 2014 @ 09:34:09

    aw wala pa pong update sis con? abang abangers lang po🙂

    Reply

  2. Virgogirl
    Apr 20, 2014 @ 18:58:32

    Next chapter na pls

    Reply

  3. weng
    Apr 19, 2014 @ 13:05:33

    ay bitin naman. next chap pls.

    Reply

  4. rocsan888
    Apr 19, 2014 @ 09:03:32

    bitin…… wahhhh!

    Reply

  5. ameera
    Apr 17, 2014 @ 00:35:16

    Richard,ligawan mo ulit,yun medyo may kilig…harana!

    Reply

  6. martinthebest
    Apr 14, 2014 @ 08:20:07

    bakit feeling ko wala talaga sakit si nanay tere?

    kung si richard naman ang kokontrol sa akin, okay na okay, hihihihihihi…😀

    next chapter na po, pleaseeeeeeee….😀

    Reply

  7. ariesgirl
    Apr 14, 2014 @ 07:32:39

    Si Maya talaga, pakipot, obvious naman kung sino ang true love niya ayaw pa, nag-dedeny pa sa sarili. Wake up and be true to yourself, girl and great moves Richard, that was quite a feat.

    Reply

  8. eden1214
    Apr 14, 2014 @ 06:48:17

    Nku Richard ayan ka n nmAn…

    Reply

  9. Virgie
    Apr 14, 2014 @ 03:09:33

    Good RL not letting her go. What will happen if she give up RL, cause he hurt her all the time. What if Bart will come to San Nicolas and want her, they are in relationship…what do you think, will she choose RL or Bart…abangan the next chapter…thanks for the updates, much closer updates.😄

    Reply

  10. neilphagrasanfle
    Apr 14, 2014 @ 02:26:11

    Malabo pa rin ang nasa pagitan nila. Isa palang malinaw, Richard is not letting go of Maya. Paano yan kapag bumibitaw na ang isa? Thanks sa update Con kahit weekend ngayon.

    Reply

  11. pekotalasa
    Apr 13, 2014 @ 19:32:47

    tnxs i will read it na….good night!

    Reply

  12. Batiboj
    Apr 13, 2014 @ 01:29:02

    Ano ba ???

    Reply

  13. jan1000
    Apr 13, 2014 @ 01:06:41

    Bitin!… Yun lng? Next chap pls, follow up sa damoves ni Richard..thanks!

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: