Just in Time 18

      “Mabuti naman …yang holding hands na yan, ibig sabihin niyan –” nakita ni Maya ang bahagyang pagngiti ng ama habang nagtatanong kaya napa-iling kaagad si Maya.

” Hiwalay na kami.” pahabol na hayag niya.

“Para sa kanya oo, per sa akin hindi ..kaya ayoko bitiwan tong kamay niya  Tay, para naman sana maramdaman niyang di maganda yung iniisip niya.” si Richard naman ang nagpaliwanag. Nakita ni Maya ang pagkunot ng noo ng mga magulang niya. Naguguluhan sa sinasabi nilang dalawa.

“Richard! Tumahimik ka na nga… saka pwede ba, bitiwan mo ng kamay ko…isa! …Dalawa!” pagbibilang ni Maya na talaga namang inis na inis na sa inaasal ni Richard. Unti-unting niluwagan ng lalaki ang pagkakahawak ng kamay ni Maya kaya kaagad naman nitong binawi ang kamay at nagmamadaling lumapit sa mga magulang upang magmano.

“Hay naku! Kailan pa ba kayo mag-aayos na dalawa ha?”

“Ewan ko nga sa kanya nay, nagpaliwanag na ako pero di parin ako pinapatawad. “

“Maya..malalaki na kayo, kailangan pa bang kami na naman ng tatay mo ang gagawa ng paraan para magkaayos na kayo? Mag-usap kayo ng maayos ‘nak. Alam naming galit at nagtatampo ka pero hayaan mo naman si Richard na..”

“Shhhh, tama na Nay. Nasa ospital tayo, baka akalain ng ibang tao sa labas may hearing sa loob ng kwarto mo at ang ingay natin. Huwag mo nga kaming intindihin ni Richard. Huwag mo na lang pakinggan yang lalaking yan, ang gusto kong gawin mo magpagaling ka na para makauwi ka na sa bahay. .di ba, tay?”

“O-oo…tama, tama..” sang-ayon ni Tatay Arturo sa anak ng makita nito ang paglingon sa kanya na tila sinasabing huwag na rin itong dumagdag sa panenermon sa kanya para sa ikatatahimik ng nanay niya.

“Sorry po, tama po si Maya. Magpagaling na kayo at huwag ‘nyo na kaming alalahanin. Kaya na naming dalawa ni Maya ayusin ang problema namin..

 “Alam ko naman yon , pero …”

“Shhhh” sabay na pagsaway ng tatlo kay Nanay Teresita kaya wala na itong nagawa kundi tumahimik na lang.

“Tay, pwede ba kitang makausap sandali? Importante lang..” pakiusap ni Richard kay Tatay Arturo. “Kung pwede po sa labas na lang tayo?” tumango lang si Tatay Arturo saka sumunod kay Richard na nasa may pintuan na at palabas na ng kwarto.

Nang makalabas na ang dalawa ay inasikaso na ni Maya ang dalang pagkain at iilang gamit ng mga magulang niya. Pagkatapos maiayos ang lahat ay lumapit na ito sa ina at kinamusta ang kalagayan nito.

“Nay, ano sabi ng doktor kanina? Pwede na po ba kayo lumabas ng ospital?”

“Sabi ng doktor nak bukas daw malalaman kung kailan at may hinihintay pang resulta nung laboratory tests ko.”

“Ah ganun po ba, bukas na bukas ako na mismo ang kakausap sa doktor mo. ”

“Mas maigi ‘nak, mas magkakaintindihan kayo ng doktor ko kasi kahit papaano may background ka sa mga medical terms na di namin naiintindihan ng tatay mo.”

Ngumiti lang si Maya. Naalala niya noong bata pa siya, gusto niyang maging isang doktor pero dahil alam naman niyang mahirap lang sila ay isinantabi niya ang pangarap na iyon at kumuha ng kursong related sa science pero mas madaling abutin. May pag-asa pa kayang magkatotoo yung pangarap na iyon? Napabuntong-hininga na lang si Maya ng maisip iyon. Napansin siya ng ina kaya nagtanong.

“Maya .. bakit?”

“Wala po..may naisip lang”

” Nak, tungkol ba kay Richard?”hygkkvop;

“Po? Hindi ah! ..hindi talaga, ‘nay! ”

“Alam mo bang sa loob ng dalawang taon tiniis ni Richard ang kagustuhang bumalik ng Manila dahil sa amin?”

“Nay..tama na po, alam ko na po yan. Sinabi na niya sa akin kanina. Di mo na kailangan magpaliwanag.”

“Kung di yon ginawa ni Richard malamang mag-asawa na kayo ngayon..”

“Po? Anong –” di na natapos ni Maya ang kanyang tanong ng marinig ang pagbukas ulit ng pinto ng kwarto. Nakabalik na sina Tatay Arturo at Richard. Di na niya nagawang ipagpatuloy ang pagtatanong lalo pa at tumahimik na rin ang ina.

“Teresita, sasabay na lang ako kay Richard pauwi at may gagawin pa ako. Maya ikaw na ang bahala sa nanay mo ha.”

“Nay, mauuna na po kami. .. Maya bukas susunduin na lang kita dito. Try to get some rest, sabayan mo din si Nanay sa pagtulog para makabawi ka. Halatang pagod na pagod ka pa at kulang sa tulog, nangingitim na yang ilalim ng mata mo oh.” Richard gently caressed her cheek making her feel uncomfortable especially that her parents are watching them.

” Ako na lang ang uuwi bukas, kakausapin ko pa ang doktor ni Nanay. Baka tanghaliin pa ako, may trabaho ka pa, di ba?” iniwasan ni Maya ang kamay ni Richard kaya kaagad namang binawi ito ng lalaki.

“hmmm bahala na, just text Tatay Arturo kung anong oras ka makakauwi or better yet, tawagan mo ako sa bahay.”

Tumango lang si Maya at di na nagsalita pa. Nagpaalam na ang dalawa kay Nanay Teresita saka umalis. As soon as nakalabas na ng kwarto ang dalawa ay kaagad binalikan ni Maya ang kanyang Nanay at nagtanong tungkol sa sinabi nito sa kanya kanina.

“Nay, ano po ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? ”

“Maya, bago pa nagtapat si Richard sa’yo nung debut mo, alam na namin ng tatay mo ang mga plano niya. Pina-alam din niya sa amin yung mga nangyari sa inyo sa Manila at yung tungkol kay Gab. Humingi siya ng tawad sa nagawa niya at nagpaliwanag sa amin kung bakit niya ginawa iyon. Maya ‘nak..mahal ka na ni Richard noon pa, di niya lang alam kung paano masasabi sa’yo.”

“Inamin na rin niya yung tungkol kay Gab? ” di makapaniwala si Maya na nagawa iyon ni Richard.

“Oo, noong una nagalit kami ng tatay mo pero nang magpaliwanag na si Richard, naiintindihan namin kung bakit nagawa niya ito. Nagpaalam siya sa amin bago ka niya niligawan at walang alinlangan din niyang sinabi ang plano niyang pakasalan ka kung sakaling sasagutin mo na siya.”

“At yon ang dahilan kung bakit pinakausapan ninyo si Richard na hayaan muna ako sa Manila? Tama ba, ‘nay?”

“Isa yon sa dahilan Maya. Alam namin ng tatay mo na papayag ka sa oras na sabihin ni Richard na gusto na nitong pakasalan ka, gusto namin ng tatay mo na hayaan ka muna  ni Richard, para mag-mature. Ayaw naming makasal kayo ng basta-basta na lang. Sa haba ng panahon na magkasama kayo ni Richard alam naming dalawa na di mo basta-bastang makalimutan si Richard, pero ayaw din naman naming magmadali kayo. Tama ako, di ba Maya?”

Di nakasagot kaagad si Maya. Ayaw niyang aminin sa ina na sa kabila ng lahat lagi parin niyang naaalala si Richard. Sa loob ng dalawang taon,  andiyan parin ang kagustuhan niyang malaman kung bakit bigla na lang siyang iniwan ng lalaki. Ilang ulit man niyang paniwalain ang sarili niyang galit siya dito, sa bawat pagkakataong pinipilit ang sariling patayin ang konting pag-ibig  na nararamdaman niya kay Richard ay nasasaktan siya, lalo na kapag naiisip na di na niya ito makakasama.

“Maya, sana mapatawad mo kami ng tatay mo kung bakit tinago namin ito sa’yo. Ni minsan di mo ikinwento sa amin ang tungkol kay Richard kaya mas lalo kaming nakokonsensya kasi alam namin nahihirapan ka pero tinatago mo parin ito sa amin. Bukod sa’yo, nakikita din namin ang paghihirap ni Richard para lang magawa ang pangako niya sa amin na hayaan ka muna. Di ka ba nagtataka kung bakit sa loob ng dalawang taon di mo siya nakausap? Upang di matuksong matawagan ka,  pinaputol niya ang subscription sa telcom. Para kahit papaano ay may alam parin ito sa nangyayari sa’yo lagi ka naming kinakamusta ng tatay mo para may maibalita kami sa kanya kinabukasan. Ginawa namin yon para naman makabawi sa kanya. Nakakatawa nga eh, tuwing umaga mas nagkukumahog pa siyang malaman ang balita tungkol sa’yo kesa sa kung ano ang balita sa trabaho nila ng tatay mo sa farm. Kaya kung akala mo pinaglalaruan ka lang ni Richard, ako na ang nagsasabi sa’yo hindi .. maniwala ka.”

“Nay, kanina may sinabi ka na yung pakiusap ninyo ni tatay kay Richard isang bahagi lang yon ng dahilan kung bakit tiniis niya ako sa loob ng dalawang taon. Ano pa po yung isang dahilan?”

Natigilan si Nanay Teresita at napatitig sa kanya ng ilang sandali bago nagsalita ulit. ” Sa tingin ko ang dapat magsalita tungkol diyan si Richard na anak. Ayaw kong makialam dun at sa bahaging yon, wala kaming karapatang panghimasukan iyon.”

Ano pa ba ang dapat kong malaman Richard. Kailan ko pa ba lubusang maiintindihan kung bakit kailangan mangyari ang pagkakalayo natin noon.. Ito ang mga tanong ni Maya sa mga sandaling iyon. Gustuhin man niyang malaman ang mga sagot, wala naman ang taong dapat niyang hingan ng kasagutan.

Pagkatapos mapagod sa pagkukwento ay nagpahinga na ang nanay ni Maya, giving her time to think things over. Somehow gumaan ang pakiramdam niya matapos malaman ang tungkol sa napagkasunduan ni Richard at ng mga magulang niya. Di rin niya mapigilan ang sarili na mapa-isip kung sakaling nangyari ang pagpo-propose ni Richard noon sa kanya.

Magiging masaya kaya kami? Ano na kaya ang naging buhay namin ngayon kung natuloy iyon.. Malamang may isang anak na ako ngayon… Anak? Agad-agad? Ibig sabihin kung natuloy yon titigil ka sa pag-aaral mo?…Tama nga naman, anak kaagad? Hmmm malamang di naman papayag si Richard na tumigil ako sa pag-aaral ko kaya baka kagaya ngayon, tapos na rin ako ng pag-aaral at dahil tapos na ako, nagpa-plano na kaming magka-anak na…Hayyy ano ba yan! Anak parin!

Inihinto ni Maya ang kanyang pag-iisip nang mapansin nitong kung saan-saan na napupunta ang imagination niya. Naramdaman ni Maya ang pag-init ng kanyang mukha, kahit na walang ibang tao ang nakakakita sa kanya, nakaramdam parin siya ng hiya. Tama na nga yan Maya … kung anu-ano ang iniisip mo , nakakahiya buti walang nakakaalam kung anong klaseng imagination ang tumatakbo sa isip mo. … hayyy makatulog na nga!

Pinilit ni Maya na makatulog, trying her best to block images of Richard in her thoughts upang tuluyan ng makapagpahinga. But despite her struggle to free herself from any thought about him, she was able to sleep with a smile, for the first time in two years.

 

Kinabukasan, Maya was able to talk to Dr. Molino. Nalaman niya mula sa doktor na merong Enlargement of the heart ang kanyang ina. Matagal na pala nitong alam at matagal na rin nitong pinapayuhan si Nanay Teresita na ipaalam sa kanila pero di ito ginawa. Panibagong gamot ang ibinigay ni Dr. Molino sa kanyang ina at ipinayong pagpahingain ito. May ilang test ding ni-require ang doktor kaya nangangahulugang di pa ito makakauwi pa.

Kinausap ni Maya ang kanyang ama pagkadating nito sa ospital. Sinabi niya rito ang posibleng operasyon na gagawin sa ina kung sakaling di madadaan sa gamot ang sakit sa puso. Alam niyang maaaring matakot ang ama sa gagawing operasyon sa kanyang nanay peor kinailangan niyang sabihin ito sa ama upang maihanda rin nito ang sarili.

Hapon na ng makauwi si Maya sa bahay nila. Di na nito tinawagan si Richard gaya ng gusto nitong gawin niya dahil alam ni Maya na abala si Richard sa trabaho niya. Naglalakad si Maya  patungo sa kubo nila sa likod ng mansyon ng marinig niya ang isang pamilyar na boses na tinatawag siya.

“Maya!!! Hija! ” si Doña Esmeralda ang tumatawag sa kanya, kasalukuyan itong nasa bungad ng main door nila. Abot tenga ang ngiti nito ng lingunin niya.

“Tita! Good afternoon po!” nagkusang lumapit si Maya sa matanda nang makita niyang nagsimula na itong maglakad papalapit sa kanya.

“Galing ka pa ng ospital?”

“Opo, tita. ” humalik si Maya sa pisngi ng matanda kagaya ng ginagawa niya noon bilang pagbati dito.

” Kumusta na si Teresita? Okay na ba siya? Alam mo di pa ako nakakabisita doon kasi walang di ko maiwan ang tito mo dito.”

” Bakit po asan po ba si tito?”

” Oh..di mo pa ba alam? Di pa ba naikwento ni Richard sa’yo? Kala ko nag-usap na kayong dalawa kahapon…”

” Ummm hindi pa po eh, bakit ano po ba yon?”

” Paralisado na ang kalahating katawan ng tito mo, Maya. May dalawang taon na rin.. kaya nga napilitan si Richard na manatili dito upang mamahala ng farm kahit na ayaw niya. ”

“P-po? Si Tito paralisado na? Ba-bakit po? ”

” Mahabang kwento..mabuti pa pumasok na muna tayo sa loob..” hinila ni Doña Esmeralda si Maya papunta sa loob ng mansyon. Dahil nagulat sa kanyang nadiskubre, di na ito nakapagsalita pa at di narin nagawang tanggihan ang matanda. Sumunod na lang ito sa gusto at pumasok na rin sa loob ng mansyon. Dinala siya nito sa may terasa at doon nila itinuloy ang kwentuhan.

Nalaman ni Maya  na nagdesisyon si Richard na ito na ang mamahala ng farm nila matapos magkaroon ng gulo sa pagitan ni Don Roberto at ng mga kamag-anak nila na gustong pumapel upang mamahala ng negosyo nila. Nalaman din ni Maya na alam ng mga magulang nito ang tungkol sa namumuong pagtitinginan nilang dalawa ni Richard ng mga panahong iyon kaya di maiwasang malungkot ang mga ito at alam nila nag kagustuhan ni Richard na mapasagot si Maya.

“Maya now that you’re here..I know magiging masaya na si Richard. Ilang gabi ko na ring di nakikita itong nagmumokmok dito.”

“Ano po ang ibig mong sabihin, tita?”

“Sa loob ng mahabang panahon Maya, ginawa niyang bar ang terrace tuwing gabi. Para makatulog ay umiinom mag-isa ang anak ko dito Maya. Natakot nga ako baka maging alcoholic, salamat naman at hindi. Ang sabi niya para lang  daw makatulog siya at walang  ibang pumapasok sa isip niya kapag nag-iisa siya kundi ikaw, at kapag nangyayari iyon nahihirapan na siyang ipikit ang mga mata niya dahil sa pag-alala sa’yo. Ginagawa niya yon every night, walang paltos. Awang-awa ako sa anak ko Maya, it came to a point na sinabihan ko siyang bumalik na ng Manila pero sabi niya you also need this. He just have to wait…I could only pray it’s not too late for you and my son, hija.”

With this new revelation, Maya couldn’t help but pity Richard. Sa loob ng mahabang panahon, wala siyang ginawa kundi sisihin si Richard, di man lang niya alam kung gaano kahirap ito para sa lalaki. And worst, nagmatigas pa siyang  makausap siya ng maayos para makapagpaliwanag.

“Maya?!” napalingon si Maya at sinundan  kung saan nanggagaling ang boses ng lalaking tumatawag sa pangalan niya. Nakita niya si Richard na papalapit na sa kinaroroonan nila, halatang nagulat ng makita siya sa mansyon. “Why are you here? Kanina ka pa ba dumating? Bakit di mo pinaalam na papauwi ka na para masundo kita.” sunod-sunod na tanong nito habang nagmamdali sa paglalakad papalapit sa kanila.

Mula noon Chard, wala kang ibang iniisip kundi ako. Ang sama mo, sinosolo mo lang ang lahat..ang sama-sama mo!

Nang huminto na si Richard sa kanyang harapan, di na napigilan ni Maya ang sarili at tumayo na para yakapin ang lalaki. Kahit alam ni Maya na andun si Doña Esmeralda ay wala na siyang pakialam. Ang gusto lang niyang gawin ng mga sandaling iyon ay yakapin ang lalaki na matagal ding panahong naghihirap at nagtiis para sa kanya.

“Why? May nangyari ba?” mas lalong nag-alala si Richard dahil napayakap si Maya sa kanya.

“Ang daya mo..ang daya-daya mo!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector
© in 2014 by nylcoen

24 Comments (+add yours?)

  1. matez1121
    May 02, 2014 @ 16:59:53

    Next chapter na po…… game ang daya daya wala pang update!

    Reply

  2. ariesgirl
    May 01, 2014 @ 20:06:35

    I agree sis. ang tagal- tagal na. Wala pa ba

    Reply

  3. mizwa8888
    Apr 30, 2014 @ 22:55:45

    Ay ang “daya-daya” wala pa din update 😢😉

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: