Just in Time 20

      Lately, sinusubukan ni Maya na  umiwas na magkaroon ng kaugnayan kay Bart. Ilang araw ng  nakakatanggap ng text messages si Maya mula sa  boyfriend nito Manila pero  binalewala niya ito. Madalas niyang pinapatay ang kanyag cellphone sa takot na ang susunod na matanggap niya ay tawag na . Kung bakit niya ginawa ito, unang-una dahil di niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa lalaki at ang pangalawa ay takot siyang hindi niya magawang makipaghiwalay kaagad sa oras na maunahan siya ng awa kay Bart. But when she received Emman’s text regarding Bart’s plan to go to San Nicholas, di na siya nagdalawang isip at tumawag na kaagad si Maya sa lalaki.

“Baby!” ito kaagad ang narinig ni Maya sa kabilang linya sa oras na sagutin na siya ni Bart. Ramdam ni Maya ang kagalakan ng lalaki sa ginawang pagtawag ni Maya.

“Hey.. kumusta ka na?” pinilit ni Maya na maging kaswal ang dating ng boses niya kahit na ba ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya.

“Kumusta na ako? Ikaw ang kumusta! Baby you don’t know how worried I am, ilang araw na kitang tinitext pero di ka naman nagrereply. “

“Oh..sorry..umm di kasi stable ang signal dito..” Sheess what a lame excuse! Napakagat na lang ng labi si Maya dahil sa ginawang excuse sa di pagtawag kay Bart.

“Okay..so dapat pala sa network ako magtampo at hindi sa’yo.” May ilang na naramdaman si Maya ng marinig ang sagot ni Bart. May halong patatampo at paglalambing ang tono ng pananalita nito sa kanya tulad ng lagi nitong ginagawa noong magkasama pa sila sa Manila.

“Ummm..sorry talaga.”

Biglang natahimik si Bart sa kabilang linya, for a while Maya thought naputol na ang tawag niya until she heard him sigh. Isang buntong-hininga na ikinalungkot ni Maya na marinig. Alam ni Maya na nakakahalata na ang lalaki sa malamig na pakikitungo niya dito .

“So..when are you going back?”

“I’m not sure yet, bukas pa kasi iuuwi si Nanay sa bahay. She still needs to rest tapos si Tatay naman babalik na sa trabaho, walang mag-aalaga kay Nanay.”

“So does that mean di ka na babalik dito? What about P.U.S ?”

P.U.S .. oh bakit ko ba kinalimutan ang importanteng bagay na ‘yon. Kinabahan si Maya ng maalala ang offer ng school sa kanya. Konting araw na lang matatapos na ang ibinigay na oras sa kanya para magdesisyon kung tatanggapin ba niya ang trabaho o hindi.

“Gosh Bart buti pinaalala mo! It slipped my mind, masyado kasi akong nakatutok kay Nanay these days.”

“Sabi ko na nga ba, maybe because abala ka sa pag-aalaga sa  Nanay mo.You know what, why don’t you bring Nanay Teresita with you kung walang mag-aalaga sa kanya diyan. Pwede pa natin siyang ipa check-up dito, Maraming mas magaling na doctors dito who could help Nanay.”

“I’ll think about it. Kakausapin ko pa din si Tatay eh.”

“Okay..but I hope papayag si Tatay sa suggestion ko. Mas maganda parin kung mapatingnan natin siya dito.”

“I know… Bart, I need to go. Hinihintay na ako ni Tatay.”  Habang di pa napunta sa ibang usapan, mas minabuti ni Maya na tapusin na ang tawag kung hindi mahihirapan na siyang kumawala pa sa tawag na iyon.

” Oh, I was hoping we could talk longer. Baby, please call ofte, I miss you.”

“I will..I miss you too…bye”

“I love you.”

Narinig ni Maya ang huling katagang binigkas ni Bart bago pa niya tuluyang patayin ang tawag pero di na siya sumagot pa dito. I’m sorry Bart, i’m so sorry…

After Maya’s unplanned call to Bart the other day, di na maalis-alis sa isip niya ang suggestion ng lalaki sa kanya. Nahihirapan siyang magdesisyon lalo pa’t kung ano  man ang pipiliin niya ay sigurado siyang mayroong isang taong malapit sa kanya ang masasaktan. Wala na siyang ibang maisip hingan ng advice kundi ang kanyang ama. Normally ang kanyang Nanay Teresita ang lagi niyang nilalapitan kapag merong bagay na nagpapagulo sa kanya, nasanay na siyang ang ina ang laging kinakausap, but this time alam ni Maya di makabubuti kung ito ang kanyang lalapitan kaya si Tatay Arturo na lang ang natitirang tao na makakausap niya. Habang inaasikaso ng mag-ama ang release papers ni Nanay Teresita, nakahanap ng pagkakataon si Maya na makausap ang kanyang tatay.

“Tay, pwede ba kitang makausap sandali?”

“Oo naman, ano bang pag-uusapan natin?

“Tay, bukas kasi kailangan ko ng kausapin ang admin ng P.U.S tungkol sa offer nilang trabaho doon. “

“Ganun ba .. ano ba ang plano mo? Kasi kung ako at yung nanay mo yung tatanungin mo, alam mo naman ang sagot namin sa bagay na yan di ba? “

“Naguguluhan kasi ako, Tay. Kung tatanggapin ko yung offer ng school, malaking tulong na yon sa atin, pwede na kayong huminto sa pagtratrabaho at padadalhan ko na lang kayo ng pang gastos dito. Pwede ring sasama na lang kayo ni Nanay sa akin sa Manila, lalo pa at ngayon may sakit si Nanay,mas maaalagaan ko kayo doon at maaari rin nating mapasuri si Nanay sa mga espesyalistang doktor sa Manila, di ba?”

“Alam mo na ang sagot namin ng Nanay mo tungkol diyan Maya? Masgusto namin dito sa San Nicholas. Teka, nakausap mo na ba si Richard tungkol diyan?” umiling si Maya at umiwas ng tingin.

“Di pa namin pinag-uusapan ang tungkol dito pero alam ko kasing gusto niyang bumalik na ako dito sa San Nicholas.”

“Ayaw mo ba talagang bumalik na dito?”

“Kasi Tay, sa kinakaharap nating problema tungkol kay Nanay mas nakikita ko yung advantages  kapag tatanggapin ko yung trabaho sa Manila kesa sa manatili dito.”

“Ganun ba, pero bakit parang ang nakikita ko di ka parin kumbinsido sa desisyon mo?”

Di nagawa ni Maya na magsalita kaagad. Ayaw niyang aminin sa ama na ayaw na sana niyang iwan pa si Richard. Nitong mga nakaraang araw na kasama niya ang mga magulang at si Richard sa San Nicholas, naging maligaya siya. Pero sa kabila nito, dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina, biglang bumalik sa kanyang isip ang kanyang pangarap noon na maging isang doktora. Tuwing siya ang nag-aalaga kay Nanay Teresita, lagi niyang naiisip yung pangarap niyang iyon.

“Maya, bakit di mo subukang  kausapin mo si Richard? Alam ko siya yung pumipigil sa’yo para magdesisyon. Mamaya paglabas natin dito, puntahan mo si Richard at makipag-usap ka para bukas alam mo na kung ano ang isasagot sa P.U.S”

“Kung ano man ang magiging desisyon ko Tay, tatanggapin ninyo ni Nanay?”

“Oo naman, nag-usap na kami ng nanay mo at naisip naming mas mahalaga sa amin na masaya ka. Kung sakaling mas gugustuhin mong bumalik sa Manila, di ka namin pipigilan pero kung sakaling magdesisyon kang dumito na mas magiging masaya kami ng Nanay mo. Siguro pakiramdam mo nahihirapan kami ng nanany mo sa pagtratrabaho, ang totoo hindi. Masaya kami sa trabaho namin sa mga Lim. Ano pa ba ang hihingin namin at hindi naman kami pinapabayaan ng mga amo namin, tinuring pa kaming parang kapamilya nila at higit sa lahat ay minahal at inalagaan ka rin nila. Ang lahat ng ginagawa namin ay bilang pagtanaw ng utang na loob namin sa kabaitan ng mag-asawa kaya huwag mo kaming intindihin. At kung ang iniisip mo ang nanay mo, huwag ka ng mag-alala sinabihan na ni Richard ang Nanay Teresita mo na huminto na at pumirme na lang sa bahay.”

“Sinabi niya yon? ” ikinagulat ni Maya ang naging pasya ni Richard, nabanggit na kasi sa kanya ng tatay niyang simula ng magkasakit si Don Roberto at inalagaan na siya ni Doña Esmeralda, ang nanay na niya ang namahala sa inumpisahang flower at herbs farm.

“Oo, may nahanap na daw kasi siyang papalit sa Nanay mo. Ang sabi nga ni Richard ngayon na magsisimula yung papalit kaya kinailangan siyang magpakita sa farm at di muna tayo masasamahan sa paglabas ni Teresita. Di ba niya sinabi sa’yo?”

“Hindi po eh, ang sabi lang niya si Joma na raw muna ang magsusundo sa atin mamaya at magkikita na lang kami sa bahay mamayang hapon.”

“Mabuti pa ang gawin mo, puntahan mo na lang si Richard mamaya para makapag-usap kayo na hindi kayo maririnig ng nanay mo. Alam mo naman yon,dakilang tsismosa din pagdating sa inyong dalawa ni Richard. Puntahan mo sa farm at ikaw na magdala ng pananghalian, yung batang yon pagdi mo pupwersahing kumain di yon kakain kaya nga noon kapag kainan na sinisegurado kong magkasama kami kundi di rin niya maisip na kumain.”

“Sige po gagawin ko po yan.” napangiti na lang si Maya. Di maipagkakaila na gustong-gusto ng mga magulang niya si  Richard at alagang-alaga ito ng dalawa.

Pagkatapos mag-usap ng mag-ama at muling inasikaso ng dalawa ang release papers ni Nanay Teresita. Tanghali na ng sila ay lumabas ng ospital. Nang magtanong si Maya kay Joma tungkol kay Richard, nalaman niyang papunta palang ang driver sa farm upang maghatid ng pananghalian dito kaya nakiusap siyang makisabay na lang sa lalaki at pumayag naman ito. Pagkatapos ihatid sina ang mga magulang ay agad ng nagtungo sina Maya at Joma sa farm upang ihatid ang pananghalian nito.

Mahigit kalahating oras ang nilakbay ng sasakyan bago narating ng dalawa ang farm. Matagal-tagal na rin ng huling napuntahan ni Maya ang lugar na iyon kaya namangha siya sa laki ng pinagbago. Proud siyang isipin na kabilang ang mga magulang niya sa mga taong nagpalago ng farm. Pagpasok ng sasakyan ay kaagad napansin ni Maya ang mga grupo ng taong kausap ng isa sa mga tauhan ng farm.

” Joma, sino ang mga yan?”

“Baka isa sa mga naka-book na magtour sa farm ni Doña Esmeralda. Araw-araw kasi may nagpupunta dito para makita yung mg bulaklak at yung iba naman doon sa kabila para mamitas ng iba’t-ibang prutas .”

“Mamitas? “

“Ah di mo pa siguro alam, di pa katagalan nung binuksan nila yung farm sa kung sino man ang gusto makita yung garden ni Ma’am Esme at kung sino ang gusto mamitas ng prutas. Kailangan lang magpa-book muna tapos may babayarang entrance. “

“Okay din yon yung naisip nila ah. Marami din bang pumupunta?”

“Marami .. bumibili pa nga sila nung mga binebentang bulaklak ni Doña Esme at saka yung mga organic products din nina Sir Richard at Mang Arturo.”

Nang mag-park na si Joma ay kaagad ng bumaba si Maya ng sasakyan. Iginala ni Maya ang kanyang tingin sa paligid. Napangiti si Maya ng makita ang maberdeng kapaligiran at maramdaman ang malamig na dampi ng hangin. Habang tinitingnan ang paligid ay naiintindihan na niya ang naging desisyon ni Richard na manatili dito sa kabila ng pag-ayaw ni nito noon na pangasiwaan ang farm at manatili sa San Nicholas. Ibang-iba ang lugar na iyon kesa sa dating magulo at modernong buhay niya sa Manila. Richard did a wonderful job of creating his own paradise in San Nicholas. Kung ganito kaganda ang makikita mo sa araw-araw, who would ever thought of going back to Manila? Maya thought.

” Halika na Maya. Puntahan na natin si Sir Richard.” aya ni Joma kay Maya,bitbit na nito ang maliit na cooler box at tupperware.

“Ay, ako na lang magdadala niyan Joma. ” Maya volunteered.

“Sigurado ka? “

“Oo ako na. Mabuti pa mauna ka na lang at sasabay na lang ako kay Richard sa pag-uwi mamaya. Para naman makapagpahinga ka na sa mansyon.”

“Sige, ikaw ang bahala. Sundan mo na lang tong daan na ‘to tapos sa di kalayuan makikita mo na yung garden ni Doña Esme. Doon naglalagi si Sir tuwing lunch time niya sigurado akong andun lang yon ngayon.” iniabot na ni Joma sa kanya ang dala.

“Okay, sige na umuwi ka na.Ingat ka sa pagmamaneho, bye!”

“Salamat, bye.”

Muling sumakay si Joma sa sasakyan, si Maya naman ay tumalikod na at nagsimula ng baybayin ang daan na tinuro ni Joma sa kanya bitbit ang tupperware at cooler. Ilang minuto ang makalipas ay nakita na ni Maya ang tinutukoy na garden ni Joma. Nahagip ng kanyang paningin si Richard, nakaupo ito sa loob ng isang kubo. Nakangiti ito habang kausap ang isang babae. Nagpatuloy si Maya sa paglalakad palapit sa kinaroroonan ng dalawa, inakala ni Maya na agad siyang mapapansin ni Richard kaya kahit medyo malayo-layo pa ay todo ngiti na siya pero di ito nangyari. Mas nauna pang nakapansin sa kanya ang babae nang papalapit na siya sa kinaroroonan nila kesa kay Richard. Di maiwasang ma-disappoint si Maya at di nangyari ang kanyang inasahan.

“Yes? May kailangan po kayo?” tanong ng babae sa kanya ng papalapit na siya sa kubo. Napalingon si Richard sa kanya . Napatayo pa ito at gulat na gulat ng makita siya.

“Maya! “

“Hi!” bati ni Maya, muling nagbalik ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

” Why are you here?” di parin makapaniwala si Richard na makita siya doon. Lumapit na ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

“To bring you these!” itinaas ni Maya ang kanya mga kamay upang ipakita ang dalang baon at cooler.

“Oh! Asan ba si Joma? Akin na .” kinuha nito ang kanyang dala-dala at inilapag ang mga iyon sa mesa.

“Pinauna ko na. “

“Ah okay, oh by the way buti andito ka . Look who’s here.”

“Hi, Maya! Sorry di kita kaagad nakilala. Long time no see..kumusta ka na?” narinig ni Maya ang bati sa kanya ng babae. Nakangiti ito at mataman siyang tinitigan. Nang muling tapunan ng tingin, napansin ni Maya na maganda ito. Mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at may magandang ngiti. Matangkad, baligkinitan ang katawan , at maputi.

“Ahh hello..” kunot ang noo ni Maya ng titigan si Richard.

” Di mo siya namukhaan?” tanong ni Richard kay Maya. Nagtaka si Maya kaya muli nitong tiningnan ang babae upang kilalanin pero bigo parin siyang makilala ito.

“I’m sorry pero..”

” Nalimutan mo na ba si Mitch? Michelle Cuizon. “

Michelle Cuizon?..Cuizon.. Di ba Cuizon yung kapitbahay natin..oh!

Nang maaala na ni Maya si Michelle, ang first love ni Richard na kapitbahay nila, bigla na lang di mapakali si Maya.  Nang maaalala ang eksenang dinatdan niya kani-kanina lang, di maiwasang bigla na lang siyang kabahan ng walang dahilan.

Kalma Maya, huwag kang praning..eh ano ngayon kong si Michelle yan? …Eii bakit siya andito?

“Bakit siya andito?” biglang lumabas sa bibig ni Maya ng di sinasadya ang tanong na iyon. Nakita niyang medyo nagulat si Richard sa kanya lalo pa at di maganda ang tono sa pagkakatanong niya. “I mean … nagtatrabaho din ba siya dito? “

Sheyt! Pahamak na bibig..may sariling buhay, nagtatanong kahit di inuutusan.  Napakagat-labi na lang si Maya, deep inside, umaasa na di masamain ni Richard ang kanyang sinabi kanina.

“Ahh may pinag-usapan lang kami kanina. “

“Ahh okay..”

Ano pinag-usapan ninyo? Gusto sanang itanong din ni Maya pero pinigilan na lang ang sarili. Ayaw naman niyang isipin ni Richard na masyado na siyang nangingi-alam kabago-bago pa nilang dalawa.

“Mitch, lunch na pala. Sorry di ko napansin ang oras. Why don’t you join us?”

“Ay naku Chard, next time na lang. Nakakahiya naman kay Maya. … So, I guess that’s it for today?”

For today? So di pa talaga kayo tapos at magkikita pa talaga kayo? Tuluyan ng naging curious si Maya sa dahilan ng pagkikita ng dalawa.

“Yeah sure.. tatawagan na lang kita if ready na.”

At tatawagan pa! Ako nga 2 years ago pa ng huling makatanggap ng tawag mula sa’yo tapos..

“Maya it was nice seeing you today. Punta ka naman dito ng mas madalas  para makapagkwentuha naman tayo.”

So madalas ka dito????

“Ahh okay..sige, susubukan ko..”

“Good!..so paano, mauuna na ako sa inyo? Bye !” nakangiting kumakaway si Michelle sa kanilang dalawa bago ito umalis.

“Bye!”

Matapos maka-alis ni Michelle ay kaagad ng inasikaso ni Maya ang pagkain ni Richard. Tahimik nitong inayos sa maliit na mesa ang dinala kanina.

“Kain na.”

“Ako lang ba? Di ka sasabay?”

Nawalan na ako ng gana.

“Sabayan mo na ako..please? Ang lungkot kumain ng mag-isa.”

“Ganun ba, eh di sana di mo na lang pinaalis si Mitch para may kasama kang kumain.”

Biglang napatawa si Richard sa kanyang narinig. Nahalata ikinairita  ni Maya na makita si Michelle kanina. Di niya insahan na ganoon ang magiging reaksyon ni Maya. Alam niyang isa sa dahilan ay dahil naging ex-girlfriend niya ang babae noon. Umabot pa sa puntong inaway niya si Maya dahil dito.

“Eh di mo naman kasi sinabi na di ka kakain, kung alam ko lang sana pinigilan ko talaga siya.” sagot ni Richard sa kanya. Alam niyang sa sinabi niyang iyon ay mas lalo pang ikairita ni Maya ang biglang pagtatagpo nila ni Michelle pero naisip niyang lokohin sandali ang girlfriend.

Salbahe!

Napasimangot na lang si Maya sa narinig. Pakiramdam niya di man lang inisip ni Richard ang damdamin niya. Ang di alam ni Maya, aliw na aliw si Richard makita ang reaksyon niya. Namumula na siya sa inis, salubong na ang kilay at ang haba na ng nguso nito.

“Bakit mo pala naisip pumunta dito ngayon?”

” Gusto lang kita kausapin. Bukas kasi kakausapin ko na yung P.U.S tungkol sa offer na trabaho nila. Pinag-iisipan ko kasing ..baka maganda kung tanggapin ko yung alok na trabaho. Maganda din naman kasi yung offer, nung nag-usap kami ni Bart kahapon maganda din yung suggestion niyang dalhin ko sa Manila si Nanay para mapatingnan ko din siya sa mga specialista doon.”

“Teka, suggestion ni Bart ? “

“Oo, tinawagan ko kasi si Bart kahapon at napag-usapan namin yung tungkol sa P.U.S at yung sitwasyon ni Nanay kaya nag-suggest siya–“

“You called him? And sa lahat ng dapat pag-usapan ninyo yung tungkol pa sa P.U.S at ang pagdadala mo kay Nanay sa Manila pa talaga ang napili mong pag-uusapan ninyo? Nakakadismaya Maya alam mo ba yon? Di ko na alam kung ano ang iisipin. ” dahil sa nalamang pagtawag ni Maya kay Bart di maiwasang sumama ang loob ni Richard. Tumaas ng konti ang boses niya, ikinainis nito ang  kanyang nalaman.

“Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano Chard, tinawagan ko lang siya kasi natakot akong pumunta siya dito,nabanggit kasi ni Emman sa text niya na may balak pumunta yung tao dito. Tapos habang nag-uusap kami, pinaalala niya lang yung tungkol sa offer ng P.U.S.”

“At susundin mo ba yon? “

” If papayag si Tatay na iluluwas ko sa Manila si Nanay then, oo.”

“Yung P.U.S? “

” Inaamin ko maganda ang offer, sa panahon ngayon malaki ang maitutulong ng magiging sweldo ko para sa mga gamot at iba pang pangangailangan ng mga magulang ko. Maliban sa pagtanggap ng offer ng P.U.S, wala na akong maisip na ibang paraan para makatulong kay Tatay.”

” Then marry me Maya. “

“A-ano?”

“Marry me, pakasal na tayo so you don’t have to go and leave me and your parents.”

Hinawakan ni Richard ang dalawang kamay ni Maya ng mahigpit at mataman siyang tinititigan sa mata. Si Maya naman ay di parin magawang magsalita dahil sa narinig na proposal ni Richard. Di niya inaasahan na  magiging ganito ang takbo ng usapan nila ng hapon na iyon. She came to see him para sana matulungan siya sa pagdedesisyon tungkol sa isang napakalaking bagay na may kinalaman din sa relasyon nila, ang di natantya ni Maya ay may dadating din pala na isa pang bagay na kinakailangan din niyang pagdesisyonan. Isang bagay na mas malaki pa sa pino-problema niya.

“Agad-agad ? “

“Yes.. kung pwede nga lang at papayag ka, I could find someone right now para ikasal tayo before this day ends.”

“Ano ba Chard, seryoso ako. Yung kasalan agad-agad ba?”

“Seryoso nga din ako, kung papayag ka kaagad na, bakit ayaw mo ba?”

Tumango si Maya . Bagay na ipinagtataka ni Richard.

“Is that a yes or a no?”

“Di pa ako ready Chard.”

Nabigla si Richard sa naging sagot niya. Naramdaman ni Maya ang unti-unting pagbitaw ni Richard sa kanyang mga kamay. Napansin rin niya ang paglungkot ng mga mata ni Richard. Nasasaktan man din si Maya sa ginawang pag-amin pero naisip niyang mas mabuti naring maging tapat siya kay Richard lalo pa sa usaping pagpapakasal nila.

© 2014 by nylcoen
Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

16 Comments (+add yours?)

  1. rayaina
    May 21, 2014 @ 05:21:23

    Ms nylcoen, pls share your password , thanks! Raya_martha@hotmail.com

    Reply

  2. angelamaeposadas
    May 21, 2014 @ 00:32:24

    pasend po ng Pw sa angelamae.posadas@yahoo.com🙂

    Reply

  3. uenicego
    May 14, 2014 @ 20:14:34

    Maya cgurado ka bang dimo pagsisisihan ang ginawa mong pagtanggi kay Richard? Alalahanin mo dilang basta gwapo bf mo mayaman pa.. Maraming magkakandarapa jan!
    Thank you po sa update..

    Reply

  4. banja25
    May 14, 2014 @ 10:02:48

    kampi ako kay Maya, hindi nmn porket mahal nyo ang isat isa kasal agad..

    affected much??? hahaha

    Reply

  5. marie0626
    May 14, 2014 @ 09:16:26

    Thanks for the update.

    Reply

  6. esa garcia elg280895
    May 14, 2014 @ 08:00:11

    Omg!what now?bkit nmn kc
    biglaan at agad agad,am sure
    mgttampo c Mr.singkit,.next chapter pliiisss?

    Reply

  7. raxmyworld
    May 14, 2014 @ 07:28:15

    anubeh Maya, sigurado ka bang mahal mo si Richard? pwes kung hindi ka sure iwan mo na sya sa ‘min LOL Thankie sa update sis Con! Goodluck sa “The Misadventures of Kurdapya” i-claim na natin ang ma publish yang story mong yan 🙂

    Reply

  8. Ameurfina Braga
    May 14, 2014 @ 06:18:52

    Ano ba naman si Maya, dapat sinabi na kay Bart. hala ka Maya diyan lang sa tabi si Michell, mamaya mo magsisi ka paglayo ulit.

    Reply

  9. virgie
    May 14, 2014 @ 03:59:16

    OUCH..RL was dissapointed of what Maya’s response..well there is Michele might want to marry you, maya is not ready yet, so let her go…thanks for update…so next please…lets see Maya will go back to Manila and get the job and RL disappointed and will marry Michele instead..and hopefuly Maya is not too late when she comes back and RL is getting married…how is that plot.

    Reply

  10. jan1000
    May 14, 2014 @ 01:36:56

    OMG! Richard gets serious and jealous.. Ano kayang next move nila.. Kainis din si Maya, di kaagad sinabi kay Bart.. Next na pls..cnt wait..
    Thanks sa update!

    Reply

  11. chuwie966
    May 14, 2014 @ 00:34:32

    Maya with your decision you might lose your true love all together dapat mong pag isipan Kung ano ang importante sayo ….

    Reply

  12. jangmi
    May 14, 2014 @ 00:24:27

    wow meron na din update kaso ung paghihintay sa update parang katumbas ng dekda ang ipinaghintay hehehe..sana double treat po.

    Reply

  13. adiktusbecarefulus
    May 13, 2014 @ 23:52:21

    😔 ayun after 5 years? Hehe peace po thanks for the update sis 😊 na sad naman ako sa pag tanggi ni maya na pakasalan si richard 😔

    Reply

  14. eden1214
    May 13, 2014 @ 23:41:45

    Panibagong problema na naman… Nhihirapan akong intindihin si maya…mahal niya si Richard pero di pa rin cya makipagbreak kay Bart… May Mitch pang umentra.. Hay hay..

    Reply

  15. matez1121
    May 13, 2014 @ 23:32:30

    ang tagal kong hinintay ito….

    Reply

  16. xeedys
    May 13, 2014 @ 23:24:13

    oh! no! hehehehe

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: