Just in Time 21

     Pagkatapos marinig ang sagot ni Maya, di maipaliwanag ni Richard kung gaano siya na-disappoint kay Maya. Di niya akalain na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, parang di pa ito sigurado sa kanya at sa kanilang relasyon. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili kung ano ang estado niya sa buhay ni Maya.

“Alam ko nagtatampo ka..or perhaps you’re angry but Chard sana pakinggan mo muna ako. Ayoko madaliin ang bagay-bagay sa atin, baka dadating ang araw pagsisihan natin pareho. “

” Maya, I know what I want. Matagal na akong handa, ikaw na lang ang inantay ko. Sa tingin mo ba pagsisisihan mo balang araw kung pipiliin mong magpakasal ka sa akin ngayon?”

Sa mga sandaling yon, naiipit si Maya sa sitwasyong kailanman di niya inakala kakaharapin niya. Sa puso niya gusto niyang tanggapin ang proposal ng kaisa-isang lalaking minahal niya ng lubos pero sa kabilang banda, may takot siyang nararamdaman na hindi pa siya handa na maging kapareha nito habambuhay.

“Chard, don’t get me wrong. I love you, gusto ko rin makasama ka pero sa tingin ko wala pa akong napapatunayan para maging karapatdapat para sa’yo. Marami pa akong dapat ayusin sa buhay ko, ayoko naman na magpakasal sa’yo na hindi pa ako okay at ang mga magulang ko. Gusto ko rin sana harapin ko muna si Bart bago ako makipag-commit sa’yo.  Just give me time please, Chard?”

“Di ba pwedeng gawin mo lahat ng yon na kasama ako, Maya? Di ko naman hihingin sa’yo na ibahin ang priorities mo, ang gusto ko lang i-secure yung lugar ko diyan sa buhay mo.”

Ang bigat ng pakiramdam ni Maya ng marinig ang mga katagang iyon mula kay Richard. Ngayon niya lubos na naiintindihan kung gaano siya kamahal ng lalaki. Hindi naman niya masisisi ito dahil sa haba ng panahong inantay ni Richard, ang gusto lang naman nito ay kasiguraduhang sa mga darating pang araw ay di siya basta-basta mawawalang ng puwang sa puso ni Maya.

” Di ko rin naman sinabi na ayaw kita sa buhay ko di ba? Just give me time, konting-konti lang. Pagbalik ko sa’yo na ako, buong-buo.”

Isang mahigpit na yakap ang ginawad ni Maya kay Richard. Ipinadama ng mga yakap na iyon sa lalaki na mahal na mahal niya ito kahit na tumanggi siyang magpakasal na dito.

Nang umuwi ang dalawa ng hapong iyon, magkahawak-kamay man silang naglalakad, ramdam ni Maya na malungkot si Richard. Sinabi man ng lalaki sa kanya na naiintindihan siya nito, alam ni Maya hindi pa lubos. Nakikipag-usap man ito sa kanya, pero kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng lalaki. Hindi mapanatag si Maya kaya  muli nitong kinausap ang kanyang ama ng gabi din iyon .

“Subukan mong pag-isipan ng mabuti ‘nak. Ikaw lang naman ang mas nakakaalam kung saan ka mas liligaya. Handa ka bang iwan ulit si Richard upang tuparin ang gusto mong mangyari sa buhay mo o mas ikaliligaya mong tahakin ang landas patungo sa mga pangarap mo na kasama ang lalaking mahal mo? “

Paulit-ulit naririnig ni Maya sa kanyang isip ang mga sinabing iyon ng kanyang ama. Di na niya alam kung ilang oras na siyang nakahiga sa kanyang kama, muling sinariwa ang mga alaala magmula noong bata pa siya. Yung panahong bata pa siya at laging nakabuntot kay Richard. Yung mga panahong ilang ulit siya nitong itinataboy, inaaway, at laging pinapagalitan pero di naman iniiwan kapag sa tingin nito ay kailangan niya ng kakampi at karamay. Inalala niya ang panahong sinukuan ang paghahabol sa lalaki  at sinubukang ibaling sa iba ang pagmamahal, pero di naman nagtagumpay, sa huli kay Richard parin ang bagsak niya ng pagdating ng kolehiya ay hinayaan siya ng kanyang ama na sumama sa Manila upang doon na mag-aral at umiwas sa pamilya ni Gab. At nito ngang huling dalawang taon, ng ipinagtapat ni Richard sa kanya na matagal na siyang mahal ng binata pero dahil sa di inaasahang mga pangyayari, kinailangan uling lumayo ng lalaki. Sa isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat ng nangyari, di niya kayang takasan si Richard kasi mahal niya ito. Gaano man katagal, ano mang daan ang gugustuhin niyang lakbayin, isa lang naman ang patutunguhan niya. Si Richard Lim.

Paulit-ulit na lang Chard . We are just running around in circles. It’s time to stop and end our misery. Kung hindi tayo hihinto ngayon lagi na lang tayong ganito.

     Kinabukasan, maagang umalis si Maya para maghanap ng computer shop sa bayan. Sinadya niyang agahan ang pag-alis para di siya maabutan ni Richard sa bahay nila pag sumaglit na ito sa kanila upang magpaalam para pumasok sa trabaho. Alam niya kasing di maiiwasan na kausapin na naman siya nito tungkol sa pinagusapan nila nitong nakaraang araw.

Pagkatapos niyang magawa ang dapat gawin sa bayan ay nagpa-book na ng ticket si Maya pauwi ng Manila sa susunod na araw. Ginawa na niya ito upang wala ng urungan pang mangyayari sa oras na magpaalam na siya kay Richard. Magtatanghali na ng makalabas siya sa ticketing office ng airline kaya naisip na niyang dumaan na lang sa isang restaurant para magtake-out ng pagkain. Plano niyang puntahan kaagad si Richard  para makausap ng masinsinan.

Gaya noong hinatid siya ni Joma papuntang farm, dumiretso na kaagad si Maya sa  garden ni Doña Esmeralda kung saan naglalagi si Richard tuwing tanghali. Malayo pa lang siya tanaw na niya na naroroon nga sa munting kubo na iyon si Richard at kagaya kahapon  sa kanyang pagbisita , nakita niya ulit si Michelle na kausap si Richard. Di malaman ni Maya kung bakit pero nang makita niyang tila seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa, may konting inis siyang nararamdaman sa babae. Di pa nakakatulong na sa tuwing nakikita niya si Michelle ay naaalala niya na noon patay na patay si Richard sa babaeng ito, may kung anong kaba si Maya ng makitang titig na titig si Richard sa kaharap habang nagsasalita ito.

” Maya! ” Richard called out as soon as he saw her.

“Hi, hon! Hello Mitch!” pinilit ni Maya na ngumiti sa babae kahit labag sa kanyang kalooban na makita ulit.

“Oh, hi Maya! You’re here, again!”

Di alam ni Maya kung natutuwa o disappointed si Michelle ng makita din siya. but she could sense something is going on between the two just by looking at their expression.

” Saan ka ba galing? When I came to your house to see you this morning nakaalis ka na, ang aga mo naman umalis.” Richard reached for her hand and lead her to sit beside him. He gave her a light kiss on her lips.

“May inasikaso lang ako sandali sa bayan. By the way, nagdala ako ng pagkain. Tapos na ba kayo mag lunch?” inilapag ni Maya sa mesa ang dala na supot at bahagyang inilapit ito kay Richard para makita ng lalaki ang laman nito.

“Really? ” Maya nodded, binuksan ng konti ni Richard ang supot upang silipin ang laman nito. Nang maamoy ang paboritong kare-kare ay napangiti ito kay Maya. “Thanks, hon! Mukhang masarap ang lunch ko ngayon”

“Actually Maya, paalis na dapat kami para maglunch pero dahil sa kakadaldal nakalimutan na namin ang oras . Buti na lang dumating ka na.” Michelle explained.

“Oh..sorry, may plano na pala kayo dapat. Nakakadistorbo ba ako? Baka may pag-uusapan pa kayong importante.Dumaan lang naman ako para ihatid yan, aalis din ako kaagad.”

Pakiramdam ni Maya na sa sinabing iyon ni Michelle, gustong ipaalam ng babae sa kanya na isa siyang malaking distorbo sa kanila ni Richard. Maisip pa lang niya na tuwing wala siya sa tabi ni Richard ay kasama pala nito ang dating nobya, di na siya mapakali.Di rin niya maiwasang mainis sa babae, pati narin kay Richard dahil napaka accommodating nito kay Michelle.

“Ay no, no, no..nothing important naman. May pinag-usapan lang kami. Now that you are here, aalis na rin ako para makakain na din tong taong to. Sige Chard, see you. Maya, next time na pumunta ako dito. I hope ikaw na yung makakausap ko, walang kwenta tong taong to kausap eh, di nakakatulong.. ginugulo niya lalo ang isip ko!” isang malaking ngiti at  konting hampas sa braso ni Richard ang ginawa ni Michelle. Nang ngumiti at nagbaba ng tingin si Richard, di maiwasang napakunot ang noo ni Maya. Di niya nagustuhan ang kanyang nakita sa dalawa.

” Sure, Mitch. Try ko, kaya lang paalis na ako sa isang araw eh. ” di napigilan ni Maya ang sarili at nabanggit na ang nakatakdang pag-alis sa susunod na araw.

“Y-you’re leaving?” di mailarawan ang ekspresyon na rumehistro sa mukha ni  Richard ng sandaling iyon.

“Ohh , in that case, sa pagbalik mo. I’m pretty sure babalik ka pa naman di ba?”

Isang matipid na ngiti lang ang tugon ni Maya kay Michelle. Umaasa si Maya na maiintindihan ni Michelle sa ngiting ito ang  gustong iparating sa babaeng kaharap na di siya kumportableng makausap ito.

Pagkatapos magpaalam sa kanilang dalawa, umalis na rin si Michelle. Iniwan nito sina Maya at Richard na parehong tahimik parin kahit na nakaalis na ang babae. Ramdam ni Maya ang bigat ng nararamdaman ni Richard lalo pa at nagulat ito ng malaman ang nakatakdang pag-alis niya.

“Chard, kain na tayo?” binasag ni Maya ang katahimikang namayani sa kanilang dalawa.

” You are leaving and yet di mo pinaalam muna sa akin? Tell me Maya, gumaganti ka ba sa akin dahil sa ginawa ko sa’yo noon? ” ramdam ni Maya ang sama ng loob ni Richard sa tanong niyang iyon kay Maya. Inaamin naman niya sa kanyang sarili na di naman talaga maganda na sa hindi kaaya-ayang pagkakataon pa nalaman ni Richard ang tungkol sa desisyon niyang pag-alis kaya mabigat rin sa loob niya ang nangyari.

“Sorry kung di ko naipaalam sa’yo ang tungkol dito, alam ko kasing pipigilan mo lang ako. But please huwag mong isipin na gumaganti ako kasi hindi naman. “

” So, nakapagdesisyon ka na? Tatanggapin mo na yung alok sa’yo?” malungkot ang boses ni Richard ng itanong niya ito kay Maya. Parang pinipiga ang puso ni Maya ng makita kung gaano nasasaktan si Richard na malaman na aalis na naman siya ng San Nicholas.

“Yes.” sagot ni Maya kay Richard while looking at him straight on his eyes. ” Tatanggapin ko na yung alok sa akin. Kaya ako umalis kanina ng maaga para mag-email sa P.U.S. “

“Oh.. ngayon pa lang nalulungkot na ako Maya. Alam mo ba yon? I was really hoping I would be able to change your mind, balak ko sanang kausapin ka kanina pero umalis ka. I was hoping di na tayo  magkakaiwalay pa. These past few days na lagi kitang nakikita at nahahawakan ang saya-saya ko. Knowing that ilang araw na lang di na naman kita makikita di ko alam kung ano ang gagawin ko, Maya.” Richard could only swallow the lump in his throat. Nagtagumpay man siyang  huwag maiyak  pero di kayang itago ang lungkot na nararamdaman niya sa kanyang mga boses.

“I know Chard, ako din malulungkot..kaya nga tatanggapin ko na yung alok.. mo. ” maluha-luhang sambit ni Maya na may matamis na ngiti sa labi niya.

“A-alok k-ko? You..you me-mean ..” pautal-utal na tanong ni Richard. Ng tuluyan ng maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Maya ay nayakap niya ito bigla sa sobrang saya. “Di mo ako binibiro, Maya..right? Come on, tell me!” excited na paniniguro ni Richard sa sinabi ni Maya sa kanya.

“Of course Chard! It’s a yes! Yes pakakasal na ako sa’yo!” sagot ni Maya habang yakap-yakap na rin si Richard ng mahigpit.

“Yes! Yes!” sigaw naman ni Richard. Para siyang nabunutan ng tinik ng masigurong pumapayag na talaga si Maya sa planong kasalan nila. Still hugging her tightly, squeezing her to the point na nagreklamo na si Maya at di na makahinga. “Sorry..sorry..I’m just so happy! I love you Maya!”

“I love you too,Chard!  ” sagot ni Maya kay Richard pagkatapos ay tumawa ito ng marahan. “May premonition na ako sa mangyayari sa buhay ko, Chard. Totoo talagang ang pagpapa-kasal ay pagpapa-sakal sa taong mahal mo!” biro ni Maya.

“You’re crazy!” pagkatapos ay nagtawanan na lamang ang dalawa. “By the way, you said you are leaving ..paano na ang pagpapaplano natin sa gagawing kasalan?” naguguluhang tanong ni Richard. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at seryoso  nakatingin kay Maya.

“Bakit, di mo na ba ako papabalikin dito? “

“Hindi nga..seryoso nga. Ano ba ang plano mo?”

“Babalik ako ng Manila para kunin ang gamit ko at para makipag-usap na rin kay Bart. “

“So tinanggihan mo na talaga ang P.U.S? Di ka babalik sa Manila para doon magtrabaho?” lumiwanag ang mukha ni Richard habang tinatanong si Maya. Napangiti si Maya ng makita siyang masayang-masaya.

“Hindi na. Susubukan kong maghanap ng trabaho dito sa San Nicholas. Babalik na ako dito.Di ba yon ang gusto mo?”

Tumango si Richard, abot tenga ang ngiti nito. “Thank you, Maya. Salamat talaga pumayag ka na magpakasal na tayo. Sorry kung di man lang ako nakapaghanda ng singsing mo but promise, masusuot mo rin ang engagement ring mo soon.”

“Aww,Chard. Thank you ,pero di naman yon importante sa akin eh. Ang importante sa akin, masaya tayo at mahal natin ang isa’t-isa. “

“I love you, Maya..so much! Di ko kayang idescribe how much I love you but all I know is I feel complete when you are here beside me. “

Dahil sa narinig mula kay Richard, di napigilan ni Maya ang sarili. Napaluha na lang ito. Lubos ang pasasalamat niya at sa kabila ng lahat, unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag ang kanilang pag-iibigan. Konting panahon na lang at makakasama na niya ito ng  habambuhay.

Si Richard naman ay di makapaniwala sa takbo ng pangyayari. Kagabi lang, halos di siya makatulog sa sobrang pag-aalala dahil tinanggihan ni Maya ang kanyang planong pagpapakasal, pero ngayon, heto, kayakap na niya ang babaeng mahal niya. Just looking at her lovely face alam niyang di siya magsasawang titigan ito na puno parin ng pagmamahal kahit marami ng taon ang lilipas. Sisiguraduhin niyang  kasing init parin ang magiging yakap niya mula sa araw na iyon hanggang sa habambuhay. And to seal that promise, Richard lean on Maya and claim her mouth for a deep passionate kiss.

A/N:  Just to inform you guys, ang susunod na chapter(s) na ipo-post ko after this one will be password-protected posts na. It’s not because SPG or what kasi kung inyong mapapansin yung last story ko na may ganoong tema di ko naman nilagyan ng PW, may kinalaman parin ito tungkol sa nakawan ng stories ng nangyari before. If you are an avid follower of this blog and if you happen to read my previous post na may PW then you would definitely know paano mo  mababasa ang remaining chapters ng JIT. For those na kaka-follow lang, there are times na readers who frequently leave comments here gives clues kaya basa-basa din sa comment section pag may time.😀

BTW, sana yung hindi na nakapagbasa ng story ko na The Misadventures of Kurdapya sa booklat, if you have time, sana mabasa din ninyo. It’s under evaluation for a month. Sana bumoto rin kayo sa story. For those who already read, voted, and left comments sa booklat. SALAMAT NG MARAMI POOO! SOBRA! I would like to take this opportunity to thank those who helped me share the link para marami ang makabasa (Ate Peng, Sis Rax, Sharpie. Ate Mai at yung iba na di ko alam ko kilala salamat talaga) and most specially to Kris a.k.a Princemackaroo for featuring Kurdapya sa blog niya. MADAM, di mo lang alam kung gaano ako na-touch sa ginawa mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

© 2014 by nylcoen
Protected by Copyscape Web Plagiarism Detector

186 Comments (+add yours?)

  1. Hondhy Alfer
    Oct 15, 2014 @ 14:57:34

    can I have the password for chapter 22 onwards? pay e-mail add hondhyalfer@yahoo.com

    Reply

  2. chics20042001
    Jul 19, 2014 @ 18:28:46

    Please share me the password ??? chapter 22..thanks ..chics20042001@yahoo.com

    Reply

  3. anne
    May 25, 2014 @ 08:37:18

    hello po ms. author can i have a pw even sa email lng yung clue…please i want to read chapter 22-24…thnx po

    Reply

  4. iamhannahsmom
    May 24, 2014 @ 23:03:00

    Hay Naku, don’t bother leaving your email addresses for passwords. Just read the comments and you’ll figure it out. You have to read the comments for 21 to get password to 22, then read the comments for 22 to get 23, etc. Bottomline: Ms. Con clues as in thru the comments for each section.

    Reply

  5. ariesgirl
    May 24, 2014 @ 21:45:08

    Ms. Con. How come that you are ignoring my request. I am already asking you for a password for several days now but you haven’t replied to any of them yet. I am one of your avid readers and I am currently reading JIT. I just need a password for Chapters 22-24… My e-mail address again is ichiquintos@gmail.com. Thank you again

    Reply

  6. savi
    May 24, 2014 @ 20:17:00

    pleaasssseee miss con pahingi po ng password ……. hoping you’ll grant my request …. saviandrew79@gmail.com

    Reply

    • nylcoen
      May 24, 2014 @ 20:27:44

      Ilang beses ko na pong ibinigay ang clues sana po basahin ‘nyo ng maayos yung mga previous replies ko.

      Reply

    • nylcoen
      May 24, 2014 @ 20:28:58

      For the last time.

      Minions, yung password nakuha ‘nyo na??!!!

      Reply

      • savi
        May 24, 2014 @ 20:48:07

        ayaw po tanggapin un password for chapter 24 ….. sorry po kung makulit na po ….

        Reply

        • nylcoen
          May 24, 2014 @ 20:50:16

          Nasa 23 yung clue ko sa 24

          Reply

          • savi
            May 25, 2014 @ 01:17:17

            ty ty ty ………. ok po aaminin ko sa mga Minions nyo ako na po super slow ang intellect….. di ko po agad na gets ….. sorry po medyo stress din po sa work …. your stories are one of the reason why i still have my sanity after dealing with co workers from different culture the only thing we have in common are software programs that we create ……. how i wish could create beautiful stories like yours just how i create software program for so many industries …. again i thank you

            Reply

      • ariesgirl
        May 25, 2014 @ 09:15:08

        Hindi pa po

        Reply

  7. ml
    May 24, 2014 @ 19:30:02

    Ang dami ko na namiss… I hope I can have d password too

    send.it.pls to mlge2002ph@yahoo.com

    Reply

  8. narci
    May 24, 2014 @ 13:21:21

    can i have the password for JIT please….. i really love your stories and i’m addicted to it.

    Reply

  9. ariesgirl
    May 24, 2014 @ 13:00:52

    Ms. Con can you give me a password for JIT 22 and 23. Thank you. My e-mail address is ichiquintos@gmail.com

    Reply

  10. Jane
    May 24, 2014 @ 10:25:02

    Pls. Can you send me the pw of 22 and 23 , I love reading ur stories tnx. My email tusonjane@rocketmail.com

    Reply

  11. nylcoen
    May 24, 2014 @ 09:01:37

    I gave the password several times already. Basa-basa sa comments section pag may time.

    Reply

  12. smiley
    May 24, 2014 @ 05:42:19

    Hello , will you please share the password for chapters 22 & 23. Really luv your stories and kept reading all over and over again and:-) my email address msmiley @gmail.com really appreciate its. Thank you very much…

    Reply

  13. darquitain
    May 24, 2014 @ 00:56:06

    pls can i have the PW for chap.22 and 23. thanks a lot. darquitain@yahoo.it

    Reply

  14. eyelashes16
    May 24, 2014 @ 00:09:15

    Hello po… can u pls share the password for chapters 22 & 23? Here’s my email po eye_lashes16@yahoo.com. I really love reading your stories even the misadventures of kurdapya… can’t stop laughing on that one..😀

    Reply

  15. pekotalasa
    May 23, 2014 @ 21:59:14

    Pls share password chapter 22 & 23. Tnxs. Pekotalasa@yahoo.com

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: