My Happy Ever After

Hello hello!! Kumusta na kayo? May tao pa ba dito?🙂
These past few months, I would like to thank those avid readers na hindi nakakalimot bumisita dito sa liplockinlove kahit walang update. Alot of you even sent me emails to encourage me to write another series again, to all of you na hindi parin ako nakalimutan, maraming salamat po =)

 

To be honest, I tried to come up with another Richard – Maya fanfic but then everytime I sat down infront of my desktop lagi na lang walang pumapasok na story line sa isip ko.  Writer’s Block ? Ummm I guess not. Marami pa namang kwentong pumapasok sa isip ko BUT hindi ko lang makita sina Richard at Maya na bumubuhay sa mga kwentong yon.

 

Perhaps one reason kung bakit nangyari ito ay dahil  sa kasalukuyang takbo ng istorya nina Maya at Richard na nasa happy stage na ng married life nila …yung stage na, sabi nga nila  Happy lang walang ending, di ba? Para sa akin , ibibigay ko na lang sa writers ng show at sa ibang fanfic writers kung paano nila bibigyan pa ng maraming happy lang walang ending moments ang samahang Richard at Maya kasi para sa akin I have done my part para bigyan sila ng happy and kilig moments na deserve nila sa previous stories ko.

 

Marami sa inyo ang nagtatanong kung magsusulat pa ba ako? Ang sagot isang malaking dalawawang bilog na OO . Gaya ng sabi ko may mga kwento pa naman pero di na nga lang sina Maya at Richard yung bumubuhay sa mga kwentong yon. Isang halimbawa dun ay yung pagbuhay ko ng Mr. Chinito series ko. Yung iba sa inyo nagtatanong sa akin through DM kung ano yung pinagsasabi kong naka-post na ako ng chapters sa twitter gayung wala naman daw silang nakikita dito sa wordpress account ko. Ang totoo po kasi, andun ito sa aking blogger account, ang  Liplockinlove Heart Stories .

 

Para sa mga nagtatanong kung bakit kinailangan ko pang gumawa ng ibang blog at di na lang dito. Una, aware naman siguro kayo na itong blog na ito was intended for the BCWMH fanfics lang. Pangalawa,  kung maalala ninyo yung plagiarism issue na nangyari sa mga stories ng EB at ilang fanfic sites, naghanap ako ng ibang venue kung saan safe yung mga gawa ko and I found blogger. Since medyo familiar na din naman ako sa blogger at ito yung unang blog na ginawa ko before pa ako gumagawa ng stories online kaya di na ako nagdalawang isip na gumawa ulit ng bagong blog para sa mga isusulat ko.

 

Gaya ng nasabi ko sa taas, kasalukuyang ko pong nire-revive yung Mr. Chinito sa bagong blog na iyon. Though ibang pangalan na yung ibang mga karakter sa ngayon at yung nakabasa na ay laging sinasabi sa akin na  tuwing nagbabasa sila doon ay sina Maya at Richard parin ang nasa isip nila , well okay lang naman yon sa akin. Ang ikinakatakot lang nila ay baka di magiging maganda ang ending ng love story ng mga bida, well isa lang ang masasabi ko , basically yung ending ng storya  nito ay di ko babaguhin. May mga idinagdag lang akong mga senaryo na di ko nagawa noon sa version 1. Noon tuwing binabalikan ko ang kwento ni Chinito lagi kong nararamdaman na may kulang kaya ngayon, dahil sinimulan ko ulit ..kahit hahaba pa ang mga chapters nito idadagdag ko ang mga iyon sa version 2. =)

 

For this post I would like to mention Jenny, an avid reader, a follower of this blog, and a friend. When she learned that I made another blog , thankfully, she continued to support my stories. Sabi nga niya if only dito ko pinost maybe, just maybe, mae-enjoy din ng iba yung pagrevive ko kay Mr. Chinito. So I made this post para mag-invite sa inyo .. sa mga may gusto lang naman , di po ako namimilit  ha =)

For those who have been following version 2 in blogger, I know naging silent readers kayo for a very long time doon kasi ang sabi nga ninyo naguguluhan kayo paano mag-comment sa blogger at di kayo sigurado. Oh well sinubukan ko gumawa ng screencap along with the steps kung paano kayo makaka-comment dun.  Sa baba ng post na ito makikita ninyo yung ginawa kong screencap, ginawa ko ito baka sakaling makatulong sa inyo.

 

Step 1. Choose from the drop-down menu. Kung may mga account na kayo sa mga naturang sites, kailangan lang na naka-login kayo sa mga sites na iyon para magamit ninyo (isang halimbawa doon ay yung account ninyo sa WordPress at Google )

firststep

 

If you chose Name/URL from the drop-down menu here’s the next steps:

 

steptwo

 

urlfinal

Or if you chose Anonymous 

 

anonymousfinal

 

 

There you go folks! I hope this screencaps could help you.  I would love to read your comments there. Namiss ko na ang harutan at ang alayan ng saging sa mga anito😀

 

God bless everyone!

16 Comments (+add yours?)

  1. hedjie
    Oct 26, 2014 @ 17:17:52

    Hello po puwede pong makahingi ng password ng mga stories mo ito po ang email add ko hedjarah_tomara@yahoo.com thank you very much

    Reply

  2. raxmyworldxMyWorld
    Sep 05, 2014 @ 23:00:15

    Kahit saan susundan kita sis Con! At paulit ulit kong binabalik balikan ang mag ffs mo …. Keep on writing!

    Reply

  3. raxmyworldxMyWorld
    Sep 05, 2014 @ 22:57:36

    Kahit saan susundan kita sis con! At paulit ulit ko ring binabalik balikan ang mag ffs mo …. Keep on writing!

    Reply

  4. myrnavp
    Sep 05, 2014 @ 18:42:42

    Hi Con….musta?? u know i am one of ur avid readers…altho i still prefer Maya-Richard tandem….nagkakasya nalng ako na ulit ulitin ang mga stories mo since i love ur style of writing….i just wish someday me magawa ka ulit na ff sa knila….still thank you and i do visit (nagregister na kaya ako) sa bgo mong blog kaya lng sa dami ng babasahin ko pa dto sa wordpress (i stopped last April till July) d pa din ako mgkandaugaga sa paghahabol hehe….unlike before tumatanda na lola mo hehe ngluluha na mata ko pg umabot ako ng 4 hrs infront of d laptop….cge God bless u & ur family always and i will still follow ur stories….ingats!

    Reply

    • nylcoen
      Sep 06, 2014 @ 19:58:56

      Hello po. hmmmm yung bago kong blog is yung sa blogger po . I think yung sinabi mong nagregister ka is yung sa booklat ko po yon . Anyways para di ka po mahirapan if ever you want to read the version 2, follow the link na nasa taas po.

      Thanks for always supporting me. I know that you are one of those avid readers ever since I started this blog kaya di po ako magsasawang magpasalamat sa inyo.

      God bless din po sa’yo and your whole family. Kisses to cutipie Mia. mwaaah!

      Reply

  5. uenicego
    Sep 05, 2014 @ 07:13:32

    Gaya po ng sabi nyo, naging silent reader po ako sa other blog nyo kasi nga🙂 syunga haha.. Pero naka pag comment napo ako sa chapter 17 at 18 using Anonymous..
    Thank you po for taking time to reach out to your avid readers like myself and super thank you for sharing your stories..

    Reply

  6. jennylovesyou
    Sep 05, 2014 @ 05:45:51

    Good morning Miss Con! You know that I am your no. 1 fan. I just hope our fan mates (JoChard) will also read your other stories. Thank you for mentioning my name. I am so flattered. 😊

    Reply

  7. tessa0922
    Sep 05, 2014 @ 04:12:10

    Hi! Im reading chinito v2!
    Mas nakakakilig..mas ma action… yun lang cRichard at Maya pa dn iniisip ko hehe.. Thank you for ur stories. God bless!

    Reply

  8. chuwie966
    Sep 05, 2014 @ 01:28:29

    Ms Con I read Chinito I like it too BTW did you change the PW for your FF ? I try using the PW that you sent us but it doesn’t work so di ko matatapos basahin yung story ESP yung may PW ex.ALMOST I think ch 13 yata ask for PW and i did tried to the rest and it doesn’t work would you kindly forward it again to me please medyo di gaanong maraming new story ang WP so I just go back read back stories my email mbmenrige@yahoo.com thanks !!!

    Reply

  9. zyda
    Sep 04, 2014 @ 21:58:27

    Nabasa ko yong unang version mo ng Chinito and i love it. Tuloy mo lang pagsulat we are following your updates. I like your style.

    Reply

Got any weird thought? Then type ..

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 423 other followers

%d bloggers like this: